Sunday, March 30, 2008

UNANG PAG-IBIG DAW

Una sa lahat, salamat kay Nikko Erick Reyes sa pagtanggap at pagpayag na gamitin ko ang kanyang istilo ng pagsusulat. Salamat din kay Rene Salud, ang aking Hair-stylist at Vicky Belo for my Make up. Basahin niyo muna yung SCENE 1. SCENE 1 ha, yun kasi yung umpisa (HINDI NAMAN OBVIOUS DIBA? Scene 1 nga eh) Kaya ayun..

Welcome!

FICTIONAL yung storya. Uulitin ko ulit, FICTIONAL o HINDI TOTOO ang kwentong mababasa niyo. Please, kung may resemblance man sa totoong buhay, CHAMBA lang yun.



Click niyo na lang kung saang scene niyo gusto pumunta --

HINDI PA tapos yung buong novel, so be patient okay? :D Minsan kailangan talaga ng pabitin effect.

*** UPDATE ***
Scene 21: The Plan was posted 30th of March, 2008
Scene 20: The Reconcilement was posted 27th of March, 2008

****

Table of Contents:

Scene 1: Enrollment Day

Scene 2: Pre-Freshmen Orientation Program

Scene 3: Freshmen Orientation Program

Scene 4: I.D. Picture Taking

Scene 5: First Day

Scene 6: Discovery

Scene 7: Haggard

Scene 8: Triangle

Scene 9: Nosebleed

Scene 10: Confusion


Scene 11: Rabbit

Scene 12: Siopao

Scene 13: Revenge

Scene 14: Tears

Scene 15: Phobia

Scene 16: Romansa

Scene 17: Mommy Returns

Scene 18: Monday

Scene 19: Lovesick


Scene 20: The Reconcilement

Scene 21: The Plan

Scene 21: The Plan

Dumating na si Sir Jerome. Pag-uusapan na nga dapat namin yung tungkol sa aming performance na pang international, kaya lang nabitin.

Masaya ako kasi katabi ko si Tricia, yun nga lang, pakiramdam ko sila lang ni Richard Go ang magkatabi. Woi. Selos ah! Pero wala na rin akong ginawa noong mga panahon na yun. Mukhang masaya naman sila pareho eh. Bahala na.

Sir Jerome: For today, I will give you time to prepare for your group performance on our sem ender. So any questions regarding this matter?

Richard: Sir question.

Peter: Ayos ah, bibo.

Richard: Are we allowed to let our friends outside this class to participate during the presentation?
Sir Jerome: Why, do you have plans on doing that ?
Richard: Well sir, I think it would be better because all of us are not that professional to perform to make everyone enjoy the show.

Peter: Wow english pa! Ang sabihin mo, hindi mo kaya. Wahahaha. :p

Patricia: Sige na sir please !!

Peter: Huh? Magkagroup pala silang dalawa. Naman. Mukhang mas lumalayo na ako kay Tricia ah.

Noong mga oras na yun. Mas ginanahan ako na ibigay ang buong effort ko para ma-impress si Tricia, well, kasama na rin yung buong klase. At hindi ako nagpatalo sa pagiging bibo ni Richard Go.

Peter: Sir, hindi na naman kailangan na magsama pa ng ibang tao dito. Hindi naman kailangang maging propesyonal para makapagperform diba? Unfair naman yun, kasi hindi lahat kami may kakilalang magaling mag perform.

Peter: Ano ka ngayon. Haha.
Peter: Kaya lang, mukhang magmumukha akong kontrabida sa paningin ni Tricia. Darn!

Sir Jerome: It's a class sem ender so, sa tingin ko mas maganda kung tayo-tayo na lang yung magpeperform. Madami namang pwedeng gawin para mapaganda ang isang performance diba? Kaya niyo na yan.

Richard: Okay sir.

Sir Jerome: Questions? ... None ?
Sir Jerome: Okay, so you may meet with your groupmates.

Nagkagulo na yung classroom. Take note. Gulo as in gulo. Sabog yung mga upuan. Umingay. Lahat. Buti na lang, nakapag-aya agad si Rhayne na sa labas kami ng classroom magmeeting, at lease medyo mahina ang ingay na maaaring maka-distorbo sa amin.

Rhayne: Apat nga pala tayo sa grupo. Im sure kilala mo na si ..........

Peter: Wow, ka group ko pala si Claire. Hehe. Ayos ah, three boys and one girl. Sino kaya itong guy na 'to? Hindi ko kasi alam pangalan niya. Pero I know him by face. Syempre, kaklase ko siya.

Rhayne: ..... absent ka kasi Peter eh. Ito nga pala si Tikes.

Peter: Huwahahahahaha !! Tikes ! Ahahahaha.

***NOTE***
Hindi ako natatawa sa pangalan na Tikes. Si Peter lang yun. Okay? It's only for the purpose of writing this nonsense story. Kung meron mang may Tikes ang pangalan sa inyo , or may kakilalang Tikes, PEACE. Isipin niyo na lang, BIKES yung pangalan.

- Author

***********
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang cute ng pangalan niya eh. Tikes. Pronounced as tayks. Parang Little Tikes. Ahahah. Ewan. Napawi yung problema ko dahil dun. Hindi mo iimaginin sa kanya na Tikes ang pangalan niya. Buti nga hindi ako umiinom or kumakain. Baka maisuka ko ito sa kanila. :)

Ito, imaginin niyo. Ito dapat yung mga pangalang bagay sa kanya.
1. Jose
2. Mario
3. Enrique
4. David (Da-vid, hindi Deyvid)

Nakuha niyo ba? Basta! Macho, matangkad, pero Tikes. Ah basta. Tawa ako ng tawa sa isip, at konti na lang, matatawa na talaga ako.

Peter: Hi... Tikes.

Peter: Ahahaha !! Di ko na kaya.

Claire: Huy! Bakit lumolobo ung cheeks mo? Natatawa ka ba? Hihi.
Peter: Hihihindii ! Natutuwa lang ako kasi excited na ako sa gagawin natin.

Peter: Kasama si Tikes. Hahaha !!

Kamot, kamot.

Peter: Umm Tikes, ano ba full name mo ?
Tikes: Ah, eh. Guillermo Sandoval. :D

Peter: Hahahhahahahahahahahaha !! Ayyaaaw ko naaaa !!

Hindi ako nagkamali. Parang ganun nga ang pangalan niya. Haha. Ayos ah. Parang ang layo ng Tikes sa Guillermo. Hmm.

Peter: Ngiyahahha !! Ayoko na! Ayoko na. Tama na nga! Baka makahalata na sila. Tama na. Ayan, hindi na ako natatawa.

Kamot, kamot.

Peter: Game, ano na ba ang plano.
Claire: Ganito kasi yung napag-usapan namin. Mag peperform tayo na parang isang rock band.
Peter: So, kaya niyo mag instruments?
Claire: Yes. Mag gigitara na lang ako. Si Rhayne sa drums. Si Tikes naman sa bass.
Peter: At ako ang bokalista?
Rhayne: Tama, at final na yun kasi wala ng bawian.
Peter: Bakit? May ideya ba kayo kung paano ako kumanta?

Peter: Aray..

Tikes: Okay lang yan. Kaya nga tayo mag-prapractice diba? At saka, ano naman kung panget ka kumanta or what. Sure naman tayo na matutuwa sila, ano man ang maging resulta ng performance natin.
Rhayne: He's right Peter, I'm not a professional drummer either. Even Tikes just started using the bass guitar last week.
Peter: Sige. Game ako diyan. Anong kanta naman ang ipeperform natin?

Peter: Aray! Kanina pa to ah.

Claire: Kayo mag-decide. Kahit ano sakin okay lang.
Rhayne: Love song na lang guys. Mukhang may haharanahin si Peter eh.
Peter: Woi teka teka teka. Huwag ganun.

Peter: Huwag mo kong ibuking Rhayne. Grrr..
Peter: Aaww, ang kati.

Claire: Uyy ! Si Tricia yan no ?
Tikes: Crush niya si Tricia? Uyy !!
Peter: Tigilan niyo nga ako.
Peter: At saan ba nanggaling itong mga langgam na to !!

Ang daming langgam sa bag ko. Kaya pala kanina pa ako nangangati.

Peter: Ang daming langgam oh ! Tangerine!
Rhayne: Bakit ba kasi ang daming langgam diyan?

Peter: Bakit nga ba? Hindi ko naman ginusto 'to eh.

Claire: Ang sweet kasi ni Peter eh. Hihihi.

Peter: Aba aba, ako lang may karapatang pumanchline. Hmph. Nagdududa na ako sa'yo.

Rhayne: Kaya nga nagtataka ako bakit hanggang ngayon di parin na-iinlove sa'yo si Tricia eh.

Peter: Anak ng !

Claire: Wahaha!!
Tikes: Ayos ah. Mag joke time na lang tayo sa sem ender.
Rhayne: Uyyy!!
Tikes: Grabe, kinikilig ako sa inyo.

Well sige. Palipasin muna natin yung momentum nila. Tawa sila ng tawa. At sunod sunod yung banat tungkol sakin. Hindi ko na lang ikwekwento. Busy ako sa pag-alis ng mga langgam sa bag ko. Nakita ko na ang salarin. May chocolate sa bag ko.

Naalala ko, ibibigay ko nga pala dapat kay Tricia ito, kaya lang, naglunch sila ni Richard noon at tuluyan akong nagkasakit. Hay. Anyway. Tinapon ko na lang. At least, nag-enjoy yung mga langgam.

Nagsawa na rin sila sa kakatawa. Bumalik na sa performance yung topic.

Peter: So anong kanta nga?
Claire: Ikaw Lamang - Silent Sanctuary
Rhayne: Wooo !!
Tikes: Sana'y di na tayo magkahiwalaaaaay. (pakanta yung pagsabi niya)
Rhayne: Magugustuhan ni Tricia yun.
Peter: Next !! Huwag yun. Napaka pang love team yun eh.

Peter: Saka na yun, kapag kami na. Hahaha :p

Tikes: Ano kaya, You're Guardian Angel ng Red Jumpsuit ?
Rhayne: Pwede pwede!
Peter: Yak, emo. Huwag yun.
Claire: Eh ano?

Peter: Dapat yung safe, kasi pag nagsabi ako ng love song, aasarin nila ako.

Peter: Ewan.
Claire: Bed of Roses ?
Peter: Huh? Sakit sa lalamunan nun. Saka pangmataas na boses yun !
Tikes: Baka hindi natin kayanin yung music nun, legend sila eh.
Peter: Tama.
Rhayne: Alam ko na.
Tikes: Oh ?
Rhayne: Here Without You - Three Doors Down.

Peter: Pwede, madali lang kantahin yun.

Peter: Kaya niyo ba yun tugtugin?
Claire: Ayos yun, mukhang madali lang naman yung tunog nun.
Peter: So agree na kayo doon?
Tikes: Sige, yun na lang.

Peter: Sige. Kaya yan. Medyo love song na hindi halata. Kaya lang, mukhang sawi sa pag-ibig kumakanta nito. Haha. Bahala na nga.
Peter: Ano kaya gagawin nina Richard at Tricia? Acting? Hindi siguro. Kakanta? Siguro. Sasayaw? Ewan. Bahala sila. Basta, kami dapat pinakamagaling.

Naghihiyawan yung mga kaklase ko sa Social Science. Ang sarap mag perform. Nanlalaki mata ni Tricia. Hay! Siguro nahulog na siya sakin. Yes! Tama. Ang dami ko ng fans. Pati mga klase sa ibang section nanonood sa performance namin. Si Claire, ang galing mag solo. Umiiyak yung gitara niya. Si Rhayne, todo bigay sa pag hataw ng mga drums. At si Tikes. Ang bilis ng daliri. Grabe. Gusto ko yung palakpakan nila.

Claire: Peter.
Peter: O?
Claire: Dismissed na yung klase. Hinintay lang kita. Mukhang lumipad na naman isip mo kanina eh.
Peter: Ahaha. Oo nga eh. Ang ganda ng naiimagine ko. Rock Band na tayo.
Claire: Hihi.
Peter: Sana hindi mo na ako hinintay.

Nakita ko si Tricia at si Richard na lumabas ng room. Well, kasama niya yung mga groupmates nila, pero sila lang talaga nakita ko. Selos na naman. Yuck.

Claire: Selos ka no?
Peter: Saan?
Claire: Sa kanila (Sabay turo kina Tricia)
Peter: ..
Claire: Hayaan mo, magiging masaya ka rin :)
Peter: Syempre naman. Magiging rock band nga tayo diba? :)

Peter: Sana nga.

Matapos ang klaseng iyon, sabay-sabay kaming nananghalian upang ituloy ang napag-usapan.




----------------------------------------





Thursday, March 27, 2008

Scene 20: The Reconcilement

Hindi na ako umasa na magtetext pa siya. Maaaring nag-assume lang ako na may gusto siya sakin. Tao lang naman ako para magkamali.


MUSIC:
(Play niyo ito pag may instructions na i-play na, okay? I-play niyo na pala para makapag load na (sakaling mabagal ang internet niyo) tapos i-pause niyo para hindi muna mag play ang music--- c/o IMEEM. )

Bago yun, subukan niyong hintayin na lumabas yung imeem box sa baba nitong message na ito. Pero kung wala talaga. Love Just Ain't Enough - Patty Smith yung song. Okay? Download niyo na lang or pakinggan niyo. :D





MARTES (Nang tayo'y muling nagkita)

Noong araw din na yun, naging maayos na ang pakiramdam ko. Nawala yung lagnat ko. Pero tinamad pa din akong pumasok kinabukasan (Miyerkules) dahil PE lang naman yun. As usual, walang text mula kay Patricia. Nag-aral na lang ako ng aking mga lessons dahil absent ako nung Lunes. Hindi ako grade conscious or what. At saka misnan na nga na lang ako mag-aral, para hindi ako maiwan sa klase. Mga matatalino pa naman mga kaklase ko.

MIYERKULES (Nagtapat ka ng yong pag-ibig)

Nasa bahay lang ako. Senti. Nilalaro ko ang aking isipan sa mga nangyari noong nakaraan. Wala na kasi akong magawa. Iyan ang hirap sa dead kid. Walang friends, walang buddies. Wala. Pati ang inaakalang love team, mukang naging alikabok.

1 Message Received

Rhayne: [Hey pal, why were you absent yesterday? Sir Jerome wants us to prepare a presentation for the class. Its confidential so only the 4 of us know about what we will do this coming party. Its 4 the Sem ender party in soc sci. each group will show different talents and presentations.]

Ano daw? Ugh!

Peter: [ano yun? ano naman ggwin nteng 4? ]
Rhayne: [we'll have a concert pal. and ur the vocalist]

Peter: Kabayo! Ano? Ako vocalist? Are they sick!?

Peter: [bakit ako? Di ako magaling kumanta!!]

Peter: Alam kong maganda boses ko (well), pero syempre hindi ako propesyonal. Tigilan niyo nga ako!

Rhayne: [its all planned peter. make it your time to shine! its a way to impress you're cutie]

Peter: Oo nga no. Di ko naisip yun. Cutie pa..

Peter: [hmm, may point ka jn. cge, pagusapan nlng nten bukas yan okie?]
Rhayne: [got it!]

Medyo naisip ko na tama si Rhayne. Pwede kong idaan sa ganun yung move na gagawin ko para kay Tricia. Kaya pumayag naman ako na maging bokalista ng isang banda. Hindi ko pa kilala kung sino yung mga kasama ko pero, hindi na naman siguro problema yun. Ayos. Rockstar na ako. With all the people screaming for more. Hehe.

Peter: Hmm, paano kaya ito. May tampo ako kay Tricia, tapos ganito gagawin ko. Kung sabagay, wala naman akong karapatang magtampo. Tama si konsensya, hindi naman niya ako boyfriend. Bahala na nga.

Natapos ang araw ng Miyerkules ngunit hindi pa rin nagparamdam si Tricia.

HUWEBES (Ay inibig din kita)

Pumasok na ako sa school. Hindi ko na inisip ang mga kakaibang bagay na nakapaligid sakin. Basta, may konting sama ng loob.

Wala na akong pakialam kung napakalakas na CRANK THAT yung tugtog sa jeep kahit 6:00 pa lang ng umaga. Wala akong pakialam kung hindi naligo yung katabi ko sa jeep at talaga namang umaalingasaw ang amoy. Wala na rin akong pakialam kung kulang yung isinukli sakin kahit na sinabi ko na mag-aaral/estudyante ako.

Hindi ko na pinansin ang mga bagay na yun. Basta, ang iniisip ko na lang, yung presentation namin, academics ko, at ako. si Tricia? Ewan. Hindi ko alam. Tutal, sabi ni Rhayne, para sa kanya naman yung presentation namin eh. Bahala na siya dun.

Hindi nawala sa isip ko yung YOU dahil sa ashtray na Crank that na yan.

Peter: Malapit na ako sa classroom. Soc Sci Class. At least mapag-uusapan na namin ni Rhayne yung tungkol sa presentation.

Pagpasok ko sa room, iisa pa lang ang tao. Guess what kung sino..


Sino hula mo?





Tama, si Tricia.

At kung mali ang hula mo, noob ka. Hahaha.

Take note. Optional ito kung gusto niyong i play or ano. Pero mas maganda na iplay niyo itong song na ito before reading the following passages.

Hintayin niyo munang mag load, c/o IMEEM yan ha. Sponsor. Haha. Para ma play niyo okay?

PLAY THE MUSIC ON TOP NOW...

...
...
...
...




Play niyo muna bago basahin okay? Huwag madaya!


Wait niyong mag play ng 15 seconds bago niyo ituloy ang pagbabasa.. Wala lang. :D Mas okay kung ganun.






Patricia: Uy Peter.
Peter: ...

Oo, bitter ako noon. Ganun eh.

Patricia: Halika dito. Tabi tayo. :)
Peter: Sige. (Pero walang emosyon yang pagsagot ko)

Peter: Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako absent noong Tuesday? Hmph.

Patricia: Bakit parang ang tahimik mo ngayon? Na miss ko tuloy yung masayahing ikaw. Uy !
Peter: ...
Patricia: Ano ba Peter! Magsalita ka naman oh :)

Peter: Ewan ko sayo, edi hanapin mo yung masayahing ako.

Patricia: Nagtatampo ka no?
Peter: Bakit naman?
Patricia: Ewan, ano ba kasi ang problema? Nagtatampo ka ba sa akin? Sabihin mo kaya.

Peter: Tsk, sabihn ko na nga. Bahala na. Para matapos na. Wala namang tao sa paligid eh.

Peter: Oo, nagtatampo ako sa'yo.
Patricia: ....

Nanlungkot ang mukha ni Tricia. Ewan. Ayoko kasing nakikita siyang malungkot. Parang nagsisi tuloy ako na sinabi ko pa yun.

Peter: Para kasing hindi na kita nakakasama. Hindi ko nga alam kung alam mo na nagkasakit ako kaya ako absent nung Tuesday. Hindi ka man lang nagparamdam noong mga oras na kailangan kita. Matatapos na nga ang Sem tapos ganito pa.

Peter: Magalit ka na sakin kung gusto mo. Pasensya na. Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko.

Patricia: Nagtatampo ka nga. Haha.

Peter: Tawa? Hindi naman ako nagpapatawa ah.

Patricia: Sorry na oh. Huwag mo namang isipin na kinalimutan kita. Huwag ka na magtampo. Peter.
Peter: ...

Peter: Pride Peter, pride!

Patricia: Uyy, sorry na. Peter.
Peter: Tapos nag lilihim ka pa sakin.
Patricia: Ano ba, sabay lang kami nag lunch ni Richard. Wala namang masama dun diba?

Peter: Oo nga no, ang damot ko naman. Tsk. At saka, hindi ko naman kailangang malaman lahat ng lihim niya. Langgam! Ang damot ko naman.

Patricia: Mahalaga ka sakin, at ayokong may sama ka ng loob sakin. Ano ba pwede kong gawin para mawala yan?

Peter: Hindi ko talaga alam gagawin ko. Kung alam ko lang kasi ang tumatakbo sa isip ni Tricia. Wala parin namang kalinawan yung mga sinabi niya. Ang safe kasi ng sagot niya. Pero sige. Ano ba ang magagawa ko. Matitiis ko ba naman siya. Ako nga dapat ang gagawa ng lahat, para lang maging masaya siya. Sige. Bahala na.

Peter: :) (ngumiti na lang ako, alam ko namang maiintindihan na niya ibig-sabihin niyan)
Patricia: Aww Peter. Pwede ko na bang makasama ang masiyahing Peter?
Peter: .....
Peter: Matitiis ba naman kita? :)
Patricia: Sana hindi ka na magtampo sakin..

Ayan, medyo maayos na. Nagkwentuhan kami sandali. Chit-chat. Pero hindi napunta yung usapan sa mga nangyari noon. Wala man lang siyang nabanggit tungkol dun sa Scene 16. Yung sa beach house. Hay. Siguro kinalimutan niya na yun. Ako lang naman ang nagpapalaki ng mga simpleng bagay na wala naman talagang kahulugan.

Isa isa nang dumadating ang aming mga kaklase. Ayos, wala ng problema. Pero syempre, hindi parin nawawala yung tensyon. Marami paring tanong ang gumugulo sakin. Bakit niya ako hinalikan. Bakit hindi niya ako tinext. Bakit nagsasama na sila ni Richard. Madami, pero siguro dapat makontento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon.

Dumating na rin sina Claire, si Richard. Oo, si Richard. Tumabi nga siya kay Patricia. At wala akong karapatang pigilan yun. Nagkwentuhan nga agad sila eh. Medyo nagseselos na ako.

YOU MAY PAUSE/STOP the MUSIC (OPTIONAL)


Dumating na din si Rhayne.

Rhayne: Peter, we need to talk.
Peter: Sige Tricia, may pag-uusapan lang kami. Tungkol ata sa sem ender natin sa Soc Sci.
Patricia: Sige, wala pa nga ring kaming nagagawa eh. :)

At pinagplanuhan naming apat ang gagawin at kakantahin namin. Lunes na kasi ang Sem Ender namin. Ang bilis ng panahon. Matatapos na agad ang semester.

Maya maya pa'y dumating na si Sir Jerome, ang propesor namin sa Social Science.







-----------------------------------------