Saturday, September 29, 2007

Scene 13: Revenge

Madali akong pumasok sa classroom. Hindi pa naman ako late. Siguro 20-30 minutes pa bago mag time, wala kasi akong orasan kaya hindi ako sigurado. Konti pa lang tao sa room, nandoon si Richard Go, si Claire, and the rest of the Social Science classmates.

Peter: Napa-aga ata ako. Hay. Saan kaya ako uupo? Tatabi na lang ako kay Claire.

Claire: Peter!
Peter: Uy Claire. Hehe kumusta na?
Claire: Umupo ka kaya muna. Hehe.
Peter: So, diba sabi mo groupmates tayo ni Tricia?
Claire: Si Tricia na naman..
Peter: Bakit?
Claire: Wala.

Peter: Ano na naman problema ni Claire. Mga babae talaga, ang hirap i decipher. Wow, did I say decipher? Nosebleed!

Peter: Saan ba kasi iyon?
Claire: Sa Biology, groupwork daw. Kailangan daw natin ng magagandang sceneries dito sa Pilipinas. Kailangan nating kumuha ng pictures.
Peter: Madali lang pala iyon eh. Kaya yan!

Biglang pumasok si Tricia. Syempre na excite ako. Sa mga nangyari ba naman kahapon, hay!

Richard: Tricia! Halika tabi tayo.
Patricia: Wala bang naka-upo diyan?
Richard: Wala naman, saka maganda pwesto dito para malapit sa prof. Mahangin pa.
Patricia: Okay.

Peter: Pumapapel na naman itong tipaklong na to. Ihagis ko siya sa puno eh. Tapos pipicturan ko. Yun! Magandang scenery yun, pwedeng ilagay sa Biology project.

Apat kasi yung rows doon sa classroom. Nandoon si Richard sa may 1st row, 2nd to the left. Malapit sa bintana. Itong si Tricia naman, pinaupo niya doon sa dulo. Kami naman ni Claire, nasa likod nung row na yun. Doon din malapit sa bintana.

Peter: Hi Tricia.
Patricia: :)

Peter: Hehe, laglag panga ko sa smile niya >.<

Richard: So kumusta ka naman?
Patricia: Okay lang naman.
Richard: Nag-aral ka na sa Soc sci?
Patricia: Medyo, pero kinakabahan pa rin ako.
Richard: Huwag kang kabahan, 10 ka nga diba last quiz. 9 nga lang ako eh.
Patricia: ^_^
Richard: At least PASADO tayo.

Peter: Sumosobra na tong insektong to ah. Pinaparinggan mo ba ako? Gusto mo bang maubos dugo mo sa katawan?

Claire: Umm Peter...
Peter: Oh?
Claire: Bakit ka nga pala absent kahapon?
Peter: Ah.. eh..
Claire: Kasama mo ba si Tricia...?

Peter: Akala ko nanay ko lang ang mag-iintriga sa akin. Hindi pa pala ako ligtas kay Tito Boy Abunda.

Peter: Sabay kami nag lunch kahapon, pero umuwi ako after nun, nag-aral ako para sa sa quiz natin ngayon. Kailangan ko kasing bumawi. 3/10 nga lang ako last quiz diba. Kaya ayun. Hindi ko na alam kung saan pumunta si Tricia pagkatapos noon.
Claire: Okay..

Peter: Phew. Ang laki kong sinungaling.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng paglilitis. Daladala ni Sir Jerome ang test papers para sa quiz. May naririnig akong tibok ng puso. Sa akin ata yun. Oo, akin nga. Kinakabahan ako eh. Hindi ako mapakali. Pero hindi nito mapipigilan ang aking paghihiganti. Sisiguraduhin kong ma-nonosebleed si Sir kapag binasa niya sagot ko. Kailangan kong ipadama sa kanya ang bagsik ng aking paghihiganti. Babawi ako sa quiz. Roar!

Pero kahit ganon, kabado parin ako. Isa lamang akong mag-aaral. :(

Sir Jerome: I have here your test papers. The quiz consists of 2 questions about love. Madali lang ito kung nakinig kayo sa mga lessons ko. Are you ready?

Peter: ....

Pinasa na yung mga papel. Ito na. Sasagutan ko na.

Time: 8:45 a.m.
End of Quiz: 10:00 a.m.

1. Describe love in different words.

Peter: Hmm... Inaral ko to eh. Alam ko yan. Haha. Love. Hmm.

Tiningnan ko yung mga classmates ko. Napansin kong may sinusulat si Tricia. Ganoon din si Richard. Si Claire naman, nag-iisip. Pero may laman na yung papel niya.

Petrer: Ganito na lang. Alam ko hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Alisin na natin yung mga lesson na yan. Alisin na natin yang 30 pages na handouts. Ano ba talaga ang love? Si Tricia. Ano ba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Tama. Iyon na lang. Straight from the heart.

1. Describe love in different words.

a. Warmth
b. Togetherness
c. Tenderness
d. Bliss
e. Care
f. Celestial
g. Acceptance
h. Respect

Peter: Pwede na siguro yan. Iyan lang ang napiga ko sa utak ko. Next!

2. Why do we love?

Peter: Anak ng Palay naman bakit naman ganito yung tanong!?

Na-ulol ako eh. Gusto kong pumatay ng tao. Kung pwede ko lang saktan yung katabi ko eh. Kaya lang si Claire to kaya bawal. Si Richard na lang kaya? Hindi naman ito beauty pageant, napaka cute naman kasi nung tanong. Anyway, dahil hangad ko na isampal sa mukha ni Sir yung score ko, aalalahanin ko na lang yung mga pinag-aralan ko.

Peter: May sagot na kaya si Claire sa number 2? Masilip nga..

Sir Jerome: !!

Peter: Woi! Nakita ata ako ni Sir! Steady muna, steady.

Sir Jerome: ....

Peter: Coast is clear. Ngek. Ang labo ng sulat ni Claire. Badtrip.

The time now is 9:10 a.m.

Peter: Batman! Help!
Batman: Ano ka ba? Alalahanin mo yung mga inaral mo! Ipikit mo ang iyong mga mata. Ipapakita ko sayo yung mga inaral mo.

Pinikit ko ang mata ko. (Iniimagine ko lang siguro si Batman. Hindi ko rin alam kung paano nangyari yan.)

Peter: !!!
Batman: Kita mo na?
Peter: Oo nga no.

Sir Jerome: 20 minutes left.

Peter: Huh? Oh my god! Nakatulog ako. Tarantado si Batman ah. Ginancho niya ako. Manloloko!

Peter: Pero tama yung mga pinakita niya. Naalala ko na. Tama, ito nga yun. Game!

2. Why do we love?

Why do we love? It has been suggested that any account of love needs to be able to answer some such justificatory question. Although the issue of the justification of love is important on its own, it is also important for the implications it has for understanding more clearly the precise object of love: how can we make sense of the intuitions not only that we love the individuals themselves rather than their properties, but also that my beloved is not fungible—that no one could simply take her place without loss. Different theories approach these questions in different ways, but, as will become clear below, the question of justification are primary.

One way to understand the question of why we love is as asking for what the value of love is: what do we get out of it? One kind of answer, which has its roots in Aristotle, is that having loving relationships promotes.....



Hindi ko na itutuloy yung sagot ko. Baka ma-nosebleed kayo, my dear readers. Si Sir lang naman ang gusto kong sumuko sa akin. Bale, kulang pa yung papel na binigay para isulat yung sagot ko, kaya sa likod ko na lang dinugtong. Feeling ko madudumihan yung papel ko. Pagbalik sakin ng test paper, madugo na yung papel. Haha.


Sir Jerome: Okay, time's up. Pass your papers.

Claire: Grabe, ang hirap ng test.
Peter: Oo nga eh. Buti na lang may nasagot ako.
Patricia: Peter.
Peter: Uy Tricia. Hehe.
Patricia: Lunch tayo :)
Peter: Sure.

Peter: Umm Claire, alis na kami ha.
Claire: Ok...

Peter: Niyaya ako ni Tricia! Narinig niyo yun? Wahaha. Ang saya saya!

Ayun, umalis na kami ng room. Sabay nag-lunch sina Richard, Claire, Christina at si Leslie. Hindi ko na nga masyadong nababanggit
sina Christina at Leslie, wala kasi sila masyadong pinag-sasasabi. At saka, malayo sila sa akin kaya hindi ko naririnig mga pinaguusapan nila.

Patricia: Peter, ano mga sinulat mo na words sa number 1?
Peter: Bakit?
Patricia: Wala lang..
Peter: Bakit ikaw? Bigay ka nga ng word na sinulat mo.
Patricia: Peter.

Ano daw?

--------------------------------


6 comments:

Anonymous said...

Grabeh Arf!

La lang.. naenjoy ko tong scene 13! hehehehe.. =p

It left me smiling alone in front of the computer as if I'm out of my mind or I'm in ecstasy.. =p

Nakaka-high ang mga kwento mo.. Parang I always crave for more..

Bwahahahha!

Rafael Karlo said...

naks bola., thanks!

Anonymous said...

arf!

grb! nkkbitin!!
kinikileg n q... hehe...

alai said...
This comment has been removed by the author.
alai said...

Patricia: Peter, ano mga sinulat mo na words sa number 1?
Peter: Bakit?
Patricia: Wala lang..
Peter: Bakit ikaw? Bigay ka nga ng word na sinulat mo.
Patricia: Peter.


halaa.haha.kinikileg ako.nakakatuwa.napapangiti tuloy ako.hmm.mai naaalala cguro.=)

Anonymous said...

p*tcha!! luphet!! patayin ung nag-vote ng panget ung kwento!! tang*ina nya!!