Sunday, September 2, 2007

Scene 6: Discovery

Pamatay ba yung title ng Scene 6? Haha. Natawa ako eh. Akala mo kung anong pagtuklas ang naganap. Wala lang talaga akong maisip na pamagat kaya yan na lang. Discovery. Kung iisipin, related naman yang salita na yan sa eksenang ito dahil dito ko natuklasan (lalim) ang mga kaklase ko, guro, hindi ko feel na kaklase, at mga dead kids sa klase.


Tunk tunk! Tunk tunk! (imaginin niyo na lang na polyphonic yan, syempre rich kid ako..joke lang)

Peter: ....
Cyrus: [Musta first day? :p]
Peter: [K lng, umm 5 lang kami sa block nmin hehe lngya!]
Cyrus: [Gnon? Ayos yan, buddies agad kyo, haha]
Peter: [at e2 pa, may rally agad, first day na first day. Ashtray!]
Cyrus: [Ay oh? Sobra naman yan. Gala naman tayo bkas. Diba sabi mo wala kang pasok pag Wed?]
Peter: [Sige, no prob. kwnthan nrin tayu..]

Next Day (Wednesday)

Peter: [San na u? D2 na me Gteway]
Cyrus: [Kta ko u! Haha ayusin mo nga text mo]
Peter: [ukie puh, haha lol]

Ayun, gala kami ni Cyrus sa Gateway. Wala lang. Nood sine, kain sa Italiannis, kwentuhan tapos uwi.
Si Cyrus David. Nabanggit noon sa Scene 1: Enrollment Day. Madalas kong kasama noong high school. Madami na kaming pinagdaanan noon. Away, bati, away, bati. Parang bata. Pero ayos lang. Sa DLSU siya nag-aaral. Sayang, hindi kami schoolmates. Feeling ko nanchichicks na siya doon. Kung doon siya masaya, bahala siya. Siya ang tagapakinig ng mga secrets ko.

Gusto mo ba malaman secrets ko?

Secret!

Next Day (Thursday)

Peter: Ayos naman dito sa Palma Hall Annex Bldg., aircon!
Olrayt! First subject ay Social Science 1. Lalake yung prof. Sana hindi masungit. Hmm, nandito pala mga ka block ko. Si Claire, si Leslie, si... Umm, nakalimutan ko na name niya. Ayun din si Richard Go! May exclamation point yung Go! para cute. Haha. Nandito na pala yung prof.

Prof: Good Morning Class. Have you been in Love?

Peter: What?

Prof: I want you to define love in 3 sentences on a 1/4 Sheet of Yellow Pad Paper.

Peter: Holy Carbonara! Quiz agad? Hmm, love. Ano ba ang love?

"Love is the greatest love of all. The more you give, the more you receive.
The less you receive, the less you give."

Prof: Kindly pass your papers in front.

Peter: Pwede na siguro yun. Nakakainis, binigla ako eh. Kaya ko pa naman idefine yun eh, na pressure lang ako eh. Badtrip.

Prof: By the way, my name is Jerome Di...... (hindi na pwede ituloy, baka hanapin niyo sa UP eh, yari ako.)
Sir Jerome: Our lesson for today is about S......

Peter: Nakakatamad naman makinig. Lesson agad. Wala man lang introduction ng isa't isa. Syempre kailangan yun para makilala yung classmates at block.

After 20 minutes of Boring Lesson

Sir Jerome: Now, we're going to have a getting to know you session. We will start with you Mr. As.....

Ayun, nagsimula ang introduction sa kalagitnaan ng klase. Kalokohan. Ipinakilala yung kanilang mga sarili. Nadagdagan ang mga G-9. Akala ko pa naman lima lang kami sa block. Yung ibang nag salita boring. Yung iba naman corny. Ubod ng corny. Meron din namang patawa. Tipong pinanganak sila para magpatawa. At yung iba, feeling ko hindi magkakafriends. Kawawa naman sila.

Sir Jerome: Thank you Mr. Reyes. You may introduce yourself now Ms. Coronel.

Peter: !!!

Ms. Coronel: Good Morning everyone. I'm Patricia Coronel. You can call me Pate`, Patty, Tricia or Trish. My course is Computer Engineering from block G-9. I am silent most of the time but some of my friends make me talk a lot. I'm currently enjoying my stay here in U.P. Diliman and I hope to know a lot from each of you. Thank you.

Peter: Siya? Anak ni Jolibee! Bakit ko siya kaklase? Ka-block pa! Oh my God! Akala ko ba tapos na? Ito na namang pakiramdam na 'to. Ang gaan pero ang gulo. Arghhh! Bakit ko ba siya laging nakikita?

Walang background music na tumugtog sakin noong nakita ko siya. Sira ata ung MP3 Player sa utak ko.

Sa mga oras na yun, nasiraan ako ng bait. Yung tipong tumutulo na laway ko at hindi ko mapigilan. Kinakausap ang sarili at wala na sa sariling katinuan. Patay na. Mga ilang sandali pa, tinawag ako ng prof ko. Buti na lang, kasi kung hindi, baka hindi ako nagkwekwento ngayon at nasa mental hospital na ako kung saka-sakali. Ako na daw yung mag iintroduce ng sarili.

Peter: Umm, Im Peter Ocampo
Corny Kid: Hi Peter!

Peter: Shut Up!

Peter: You can call me Peter or Pete. And I'm a Boy. I love eating foods, and drinking water. G-9 is the block and Computer Engineering is my course.
Sir Jerome: So, what's your motto in life?

Peter: Hindi naman to beauty pageant diba? Hmm, motto. Matapos ang mga nangyare. Matapos kong makita yung babaeng papaslang sakin, makakapag-isip pa ba ako ng maayos. Patay na, ano ba pwedeng sabihin!?

Peter: Don't give up on us. It will still come true.

Hindi ko na itutuloy yung kwento. Matapos nun, nasiraan ulit ako ng bait. Buti na lang sinamahan ako mag lunch nung apat kong ka block na na-meet ko after ng Freshmen Assembly. Puro self-introduction yung nangyare sa mga sumunod na klase. As usual, wala na naman akong nasabing matino. Misteryo talaga yung babaeng yun. Lagi kong nakikita, kaklase ko pa!

Umuwi akong balisa. May na discover naman ako sa school. (Ayan, related na sa title)
Natuklasan kong mapapadalas ata akong masiraan ng bait tuwing klase.



No comments: