Saturday, September 15, 2007

Scene 11: Rabbit

Excited?

Relax, ito na yung mga sumunod na nangyari..


Peter: Game, ito na.

Peter: Umm Tricia..

Patricia: ....
Peter:....

Patricia: Aray! Ang hapdi!
Peter: Ano? Bakit?

Tiningnan ni Tricia ang binti niya. Puno ito ng pantal. Higad! Nahigad si Tricia. Kahit naka pantalon siya ng mga oras na iyon, pulang pula parin ang kanyang kaliwang binti dahil sa higad.

Patricia: Ang kati. Ahh!
Peter: Huwag mong kamutin, halika, dadalhin kita sa clinic.

Kabado ako. Alam ko higad lang yun pero, nanganib si Tricia. Ayoko siyang masaktan at mangati. Baka mahawa ako ng kati niya eh, ayoko nga. Pero seryoso, ayokong makita si Tricia na nasasaktan.
Inalalayan ko siya papunta sa kalsada upang mag-abang ng jeep.

Nakasakay naman kami sa jeep at hindi pa naman ako nahahawa.

Peter: Mali. Maling-mali ang ginawa ko. Shit. Hindi naman to kasama sa plano.

Peter: Ayos ka lang ba Tricia?
Patricia: Ang kati at ang hapdi..

Kita ko sa mga mata niya ang hirap. Alam ko ang pakiramdam nun dahil nangyari na sakin yun. Kaya lang mukhang mas malala yung sa kanya. Baka siguro mas delekado yung higad na dumapo sa kanya. Ito naman kasing higad na to, manchachancing na lang, sa ka love team ko pa. Naawa ako kay Tricia.

Nakarating na kami sa Clinic. Sinugod ko siya sa emergency room. Hindi ko naman siya buhat-buhat, pero naka-akbay ako sa kanya kasi parang nahirapan siya maglakad. At huwag niyong isipin na kagaya ako ng higad na nanchachancing. Hindi ako ganoon. Sa isip lang siguro.

Nilapitan na siya ng nurse. Medyo lumayo ako ng konti para hindi ko makita yung ginagawa nila. Pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.

Nurse: Ano ba ang nangyari dito iha?
Patricia: Na dapuan po ata ako ng higad. Ang kati at ang hapdi po.

Peter: Kasalanan ko to eh. Hindi ko na dapat siya dinala doon.

Nurse: O sige ha, gagamutin na natin yan. Huwag kasi kayong pumunta sa mga mapupunong lugar, maraming higad dun. Lalo na dito sa UP, kakaiba ang mga higad dito.

Babae: Nurse! Tulong! Emergency!

Nurse: Diyan na ko! Iha, palinis mo na lang sa kasama mo yung binti mo. May emergency daw kasi doon sa kabilang ward.
Patricia: Sige po.

Peter: Ako?

Patricia: Peter, palinis naman nung binti ko.

Tinaas niya yung pantalon niya sa kaliwang binti.

Peter: Wow legs! Wahh!! Hindi ko dapat makita yan. Masama yan!

Bigla kong tinakpan yung dalawang mata ko. Baka kasi isipin niyo at ni Tricia, masama akong tao.

Patricia: Pete talaga oh, hindi mo malilinis yan kung nasa mata mo yung kamay mo. Hihi. :)
Peter: ...
Patricia: Ito na yung alcohol. Sabi nung nurse ikaw daw yung maglinis.

Wala akong nagawa. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Binuhusan ko ng alcohol yung binti ni Tricia. Dapat daw kasi iniiscrub yung mga pantal na gawa ng higad. Aaminin ko, kinikilig ako noong ginagawa ko yun. Syempre naman. Pero sa kabila noon, nagsisisi parin ako na dinala ko siya sa lagoon.

Peter: Sorry Tricia. Sorry talaga.
Patricia: Hindi mo naman kasalanan yun. Ako nga ang dapat mag sorry.
Peter: Bakit? Ako nga ang dahilan kung bakit ka nandito.
Patricia: Hindi mo tuloy nagawa yung ipapakita mo dapat sakin. Ano ba kasi yun?

Peter:...

Patricia: Peter..

Peter: ...

Peter: Siguro nga, si God ang may gawa nun. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para gawin yung pinaplano ko. Ito siguro yung sign na nagsasabing hindi pa ito ang tamang oras. Tricia, huwag mo na akong pilitin. Please.

Patricia: Peter, ano kasi yun. Please.

Tuloy parin ang pag banlaw ko sa binti ni Tricia.

Peter: Ano ba dapat kong sabihin para matigil na to.

Patricia: Peter..

Peter: Wahh! Makakatanggi ba naman ako sa napaka simple niyang mukha? Sa anghel niyang katangian? Alam ko na. Ito na lang.

Peter: Alam mo na ba ang alamat ng rabbit?
Patricia: Huh?

Nakuha ko lang ito sa kaklase ko noong high school. Mark Anthony ata pangalan nun (Kapangalan nung naging kapartner ni Tricia sa Bio). Kung alam niyo na ang alamat ng rabbit, malamang alam niyo ang kahahantungan nito. Pero sa mga taong kanina lang umaga ipinanganak, ito, itutuloy ko na.

Peter: Sa isang kagubatan kasi, sumulpot yung rabbit. Walang may alam kung anong klaseng hayop siya kasi kakalabas nga lang niya eh.
Patricia: Then?
Peter: Naglakbay yung rabbit. Nakakita siya ng elephant. Ngayon, nakita ng elephant yung rabbit. Eh naughty yung rabbit. Ito ang nangyari.

Elephant: Ikaw na may puting balahibo. Anong hayop ka?

Peter: At dahil loko-loko yung rabbit.

Rabbit: Kiss muna!

Patricia: Ganon? Sobra naman yun.

SMACK!

Peter: Edi kiniss na ng elephant yung rabbit. Sabi nung rabbit sa elephant na rabbit siya. Tapos, nakakita naman siya ng squirrel. Nagtaka din yung squirrel kasi bagong hayop daw yun.

Squirrel: Uy, anong klaseng hayop ka?
Rabbit: Kiss muna!

Peter: Kasi nga, naughty yung rabbit na yun.

SMACK!!

Peter: Sabi ngayon ng rabbit dun sa squirrel na rabbit siya. Tapos lakbay ulit siya.
Patricia: Tapos?
Peter: Nakakita naman siya ng binuryak.
Patricia: Ano yung binuryak?

Peter: ....
Patricia: .... ?

Peter: Kiss muna! :p

Patricia: Ahhh! Loko-loko ka ha. Hahahaha.
Peter: Hehe.
Patricia: Sa lagoon mo pa ako dinala, nahiya ka pa na marinig ka ng ibang tao pag ikinwento mo yan. Ikaw talaga.
Peter: Kasi naman eh.

Peter: Amf, ang rabbit ko naman. Nahiya ako dun ah. Buti na lang mababaw tong ka love team ko. Hayy. Buti naman. Buti na lang inisip ni Tricia na yun ang sasabihin ko sa kanya sa lagoon.

Peter: Pero, alam ko namang hindi bobo si Tricia. Malamang, iniisip pa rin niya kung ano ba yung dapat kong gawin sa lagoon. Bahala na.

Pulang pula ang mukha ni Tricia noong mga oras na yun. Ang ganda niya. At mas maganda siya kapag tumatawa. Ewan ko ba. Masaya ako dahil kahit papaano napasaya ko siya. Kahit sa mga simpleng kalokohan ko, napatawa ko siya.

Kung tatanungin niyo kung pano siya tumawa, define HALAKHAK. Biro lang, pero yung tawa niya parang hirap na hirap siyang huminga. Tapos magiging pula yung mukha niya. Kamatis. Akala ko nga mahinhin siya tumawa kasi mahinhin siya. Nagkamali ako. Mahirap palang bigyan ito ng sobrang nakakatawang hirit, baka mamatay sa kakatawa. Pero kahit ganoon, anghel parin siya.

Natapos ko na yung kwento ng rabbit, pero hindi parin ako tapos sa pagbanlaw at pag scrub ng left leg ni Tricia.

Patricia: Peter.
Peter: O?
Patricia: Okay na siguro yan. Salamat.
Peter: Ah. Sige, wala yun. Kasalanan ko rin naman kasi ito.

Peter: Sorry talaga Tricia. Babawi ako sayo. Babawi ako.

Nurse: Ms. Patricia Coronel diba? Dahil kakaibang higad ang nakadapo sayo, kailangan mo munang magstay dito sa clinic para mabigyan ng proper treatment. So kung may klase ka, ipapa excuse na lang namin.

Patricia: So Pete, iwan mo na ako dito. Baka ma late ka pa sa last subject natin.
Peter: Ano ka ba, sasamahan kita dito.
Patricia: Huwag na. Okay lang ako.
Peter: Hindi, sasamahan kita hanggang pwede ka ng lumabas ng clinic.

Hinawakan ni Tricia yung left hand ko na nakapatong sa kama. Ang init ng kamay niya at malambot. Nakangiti pa siya noong mga oras na yun.

Patricia: Salamat. :)
Peter: :)

Nagbago na ang nararamdaman ko para sa amin ni Tricia. Pakiramdam ko, magaan na ang loob sakin ni Tricia. Sinamahan ko siya habang ginagamot siya nung nurse.

Hindi parin naghihiwalay ang mga kamay namin. Kapag mahapdi ang gamot na nilalagay nung nurse, napapahigpit yung kapit niya sa kamay ko. Iniisip ko, sana ako na lang ang nasasaktan. Sana ako na lang yung nagdurusa. Wala naman siyang kasalanan.

After 1 hour of treatment and rest.

Peter: Kumusta na yang binti mo?
Patricia: Okay na siguro to, hindi na masyadong makati. :)
Peter: :)

Peter: Ngumiti ka na naman. Sana ganyan ka lagi. Gumagaan ang loob ko kapag nakikita kitang nakangiti.

Patricia: Sige, pwede na daw kasi akong umuwi. Alis na ako. Salamat talaga sa pagsama mo sakin. Nag-absent ka pa tuloy.
Peter: Huwag mong isipin yun. Pagalingin mo yan ha.
Patricia: Salamat ulit. Bye.

Sinamahan at inalalayan ko siya hanggang sa sakayan. Hinintay ko siyang makasakay bago ako tuluyang umuwi.

Peter: Tricia. Naguguluhan parin ako. Hindi ko alam kung bakit noon pa lang, ganito na ang pakiramdam ko. Destiny ba talaga na maging magblockmate tayo? Destiny rin ba na nagkasama tayo kanina? Gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko at sa mga nangyayari. Kapag dumating ang panahon na yon, wala na akong sasayanging oras.

1 Message Received

Claire: [Bkt wla kau ni tricia kanina? may grp wrk tau. taung tatlo ni tricia grpmtes...]
Peter: [may ngyre ksi eh. bkas ko nlng kwnto.]
Claire: [okie, bkas ko nlng dn sbihin ung sa grp.. sana walang msamang ngyare sau.. :( ]
Peter: [dnt wrry claire, im fine. at sana ikaw din..]


Peter: Bahala na bukas, sana harapin ko ang umagang kay ganda.

Now Playing: Umagang kay Ganda

At dahil yan ang nagplaplay na kanta sa utak ko...

Peter:

Basta't tayo'y, magkasama (si Tricia)
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
Haharapin natin.

Huwag niyo ng piliting imaginin yung boses ko. Sa isip ko lang yan. Okay? Pero kung curious talaga kayo sa boses ko, ito. Kaboses ko daw si Christian Bautista. Walang halong biro yan. Sila ang nagsabi nun, hindi ako.








6 comments:

alai said...

"Huwag niyo ng piliting imaginin yung boses ko. Sa isip ko lang yan. Okay? Pero kung curious talaga kayo sa boses ko, ito. Kaboses ko daw si Christian Bautista. Walang halong biro yan. Sila ang nagsabi nun, hindi ako.
huwaat?haha.

Rafael Karlo said...

kaboses daw ni peter si christian bautista, wala akong magagawa dun.

Anonymous said...

continue......i need more!

Anonymous said...

nice 1 karlo amf n alamat ng rabbit new tactics thx hahhahaha

Jeanie said...

kala q kung anu n mangyayare! naexcite ako nang todo dun ha..! :D

Anonymous said...

ohmaygad.natawa ako sa joke kahit corny. idol. :D