Wednesday, August 29, 2007

Scene 5: First Day

Hindi ko na masyadong dinamdam yung pagkuha sakin ng litrato, sa halip ay nasabik ako sa unang araw ng klase. Dito ko makikita kung sino ang mga magiging kaklase ko. Makikilala ko ang mga posible kong maging kaibigan, kaaway at ka love team.

First day of classes. Pumunta ako sa first subject namin. Nakita ko ang mga hindi pamilyar na mukha. Hindi ko alam kung sila ba ang mga ka block ko.

Peter: Init naman dito.
Peter: Wala ring teacher.

After 30 minutes na nakatulala..

Peter: Excuse me, may klase po ba?
Girl: Hindi ko alam eh, wala naman kasing sinabi na walang pasok. Wala ring pumupunta dito.

Sabay banat ng..

Peter: Im Peter. :D (malamig yung boses at saka mababa, suave)
Girl: (hihihi) Jane.

Sabay kaway sa isa't isa. Oo, alam ko bulok yung style ko ng pagpapakilala. Pero wala ng hiya-hiya ngayon. College na eh. Saka, mukhang natawa naman si Jane eh, kaya okay lang.

Peter: So, G-9 ka ba?
Jane: Hindi eh, G-10 ako. Computer Engineering course ko, ikaw?
Peter: Pareho tayo ng course. Akala ko pa naman ka block kita. Sayang.
Jane: Bakit naman sayang?
Peter: Wala naman.
Jane: Sabi nga pala ng kuya ko, kapag daw 1/3 na ng total time ng class, wala pang prof, pwede na daw umalis.
Peter: Eh, kanina pa tapos yung 1/3 eh, tara alis na tayo.
Jane: Mauna ka na, hihintayin ko boyfriend ko dito eh. Sige Peter, nice meeting you.
Peter: Sige.

Peter: Sayang, akala ko pa naman may kasama na akong kumain. Mukang magiging dead kid ako ngayon.

Nag-lunch ako sa isang canteen malapit dito nang mag-isa. Loner.
Pagkatapos, pumunta ako sa University Theater para sa Freshmen Assembly. Syempre, inasahan ko na ang isa na namang napakahaaaaaaabang pila. Nakatatak na sa utak ko na hindi mawawala ang pila dito sa paaralang ito.

May mga cameraman din pala galing ABS-CBN at GMA sa labas ng Theater. Dahil sa alisto akong bata, nagmadali akong humarap sa camera. Kunware hindi ko sinasadya na dumaan sa harap, pero ang totoo, naghihintay lang ako ng pagkakataon para ako naman yung interviewin. Hindi naman kasi nalalayo ang itsura ko sa mga artista. Gusto ko rin syempreng maging aktor. Ang alam ko kasi, masmadaling mag artista kaysa mag aral.

Anyway, register, kuha ng freebies (ID Lace ng C2), pasok sa loob at umupo.

Kung ano ang nangyari noong Freshmen Orientation Program, ganoong ganoon din ang nangyare dito. May mga nagtanghal, nagpatawa, nagspeech (zzzzzz) at pina-cheer na naman kami kasabay ng UP Pep Squad. May konti ring yabangan ng mga college. College of Social Science and Philosophy, College of Engineering at College of Science. Pero syempre, hindi sila lahat uubra sa College of Engineering, nandoon ako eh.

Yung last part nung assembly, akala ko normal lang na speech. Yun pala..

Aktibista: Papayag ba tayo!? Huwag nating hayaang maapi ang mga bagong iskolar ng bayan!

May mga banners sila na malalaki. Hindi ko lang maalala yung mga nakasulat.

Peter: Kasama ba yan sa program?
Katabi: Mukang hindi. Rally na ata 'to.
Peter: Eh diba, nandito yung ibang faculty ng UP? Bakit wala silang ginagawa para sa mga aktibista?
Katabi: Siguro ganito talaga dito, may kalayaan.
Peter: First day na first day rally agad.

Peter: Ashtray!

Unti-unting lumabas ang mga freshie. Sumunod na din ako bago pa pagkaguluhan ang gwapong kagaya ko. Pag labas ko ng Theater, ang daming tao! May mga karatula, tapos may orator pa na sobrang lakas ng boses. Kita ko yung ugat sa leeg niya. Banat na banat siguro yung vocal chords nun. May punto naman siya doon eh. Hindi naman kasi ganoon kadali na taasan na lang bigla ang tuition fee ng 300%, at kaming mga freshie ang apektado. Pero dahil ayoko ng gulo, iniwasan ko na lang ang mga ito.

Sa mga signpost na dala dala ng maraming tao sa labas, nakalagay yung mga letrang may numero. May A-1, A-2, G-8, G-9, G-10, G-11 at marami pa.

Peter: Hala! Nagrarally din yung mga blocks? Kailangan ko ng umuwi, ayoko ng gulo. Mapagbintangan pa akong salungat sa pamahalaan.

Kuya: Uy freshie! Anong block mo?
Peter: Ahh, G-9 po, sige po uuwi na ako, hindi ako pwede sumama sa rally.
Kuya: Hindi rally to, block bonding ito. Ako nga pala si Kuya Tim. Ito meet mo na yung mga blockmates mo.

Peter: Hmm, 5 lang kami sa block? Husay! Mukang matitino naman tong mga kaklase ko, pwede na siguro to.

Kuya Tim: Magpakilala naman kayo sa isa't isa. Kayo kayo ang mag-sasama kapag may block activities.

Nagkakahiyaan kami noon. Walang gusto magsalita, puro kaway lang at ngiti. Para kaming nasa TV, yung nasa lower left portion. Yung hindi nagsasalita, nag si-sign language lang. Siguro nahihiya sila magsalita dahil bad breath sila. Ako na ang naguna sa pagsasalita.

Peter: Ako nga pala si Peter Ocampo. (sabay kaway sa kanila)
Apat na G-9 Students: Hi Peter! (kumaway din naman sila)

Matapos nun, isa-isa na silang nagpakilala. Tatlong babae, tapos dalawa lang kaming lalaki. Yung dalawang babae cute, si Christina at si Leslie. Yung isa maganda, si Claire. Magkaiba yung cute sa maganda ha. Yung lalake naman si Richard. Siya lang yung nagbigay ng whole name niya. Richard Go. Kapag nga tinawag mo siya ng buong pangalan, para mo lang siyang pinapa-alis. Well, kung ikukumpara sakin, siko ko lang siya. Pero mukha naman silang friendly lahat. Kahit lima lang kami sa block, pwede na siguro to.

Peter: Kuya Tim, kami lang ba ang G-9?
Kuya Tim: Baka kasi hindi umatend yung iba ng Assembly. Ipagpaliban na lang muna natin yung block bonding. Mas maganda kapag kumpleto na kayo. Sige, pwede na kayong umuwi.

Mga atat din pala umuwi mga ito eh. Nawala sila na parang bula sa Tide.

Peter: Haii, nakakapagod. Ganito pala sa UP, kapag tinamad ang teacher, aabsent siya. Ang mga aktibista, walang sinasanto. Mainit pa. At least kilala ko na yung ilan sa mga magiging kaklase ko.

Peter: Buti naman hindi ko na nakita yung girl na misteryosa. Siguro hinire yun para ipa-assassinate ako. O sugo ng Diyos para multuhin ako. At least, mapayapa na ang loob ko.







No comments: