Next day is Friday. Super traffic sa Katipunan, palibhasa kasi, mga de-kotse mga studyanteng dumadaan at nag-aaral dito.
Peter: Badtrip. Kung pwede lang i-grimtooth* yung mga kotseng ito eh, gagaan sana ang buhay ko at ang mga kasama ko sa jeep. Mayaman nga kayo, others lang naman kayo hahahaha. Kapag nagtagal pa to, mala-late na ako. Hindi maganda sa napakalinis kong record ang magkaroon ng late. Ashtray!
Napansin kong pwede na namang lakarin ang daan papuntang Palma Hall kaya bumaba ako sa jeep upang maglakad. 15 Minutes lang naman ang oras ng nilakad ko.
Peter: Bilis, kaya mo pa yan! Aabot pa! Lakad! Sige! Lakad!
Legs ni Peter: (Holy Trolley! Huwag mo kong pilitin! Sipain kita diyan eh!)
Current Time : 8:12 A.M
Kasaysayan 1 Time : 7:30-9:00 A.M
Nakarating ako sa classroom ng 8:18 A.M. Late ako. Tinitigan ako ng mga kaklase ko na feeling ko eh may gusto sa akin (kahit yung mga lalake, brokeback!). Hindi ako pinansin ng prof. Siguro, hindi talaga nila pinapansin yung mga late, deretso kasi siya sa pagtuturo ng lesson.
Peter: Patay na, ang daming tao. Saan kaya ako uupo? Ayun. Buti na lang meron doon, kaya lang nasa harap. Nakakahiya.
Umupo ako sa bakanteng upuan. Nilagay ko ang bag sa gilid ng upuan ko. Hinihingal pa ako sa mga oras na yun. Pero lalo akong hiningal sa nakita ko.
Patricia: Sobrang late ka na ah? :D
Haggard ako. Grabe. Naligo ako sa pawis, amoy Saturday na nga ako eh. Si Mysterious girl pa yung katabi ko. Kapag nga naman minamalas ka (at the same time sineswerte).
Peter: Nakakahiya naman. Na late ako tapos katabi ko pa siya. Natataranta parin ako kapag nakikita ko siya. Bahala na.
Peter: Oo nga eh. Hehe. A-Ako nga pala si.. si..
Patricia: Peter diba? Patricia. Nice to meet you :)
Moment yun. Pwede ng isapelikula yung eksenang yun. Bagay na sa Entertainment section ng Inquirer. Well, yun eh pangarap ko lang.
Peter: Umm, pasensya na k-kung mejo ano. Mejo magulo akong magsalita kasi napagod ako eh. Hehe.
Patricia: Wala yun. Ito, may pinakopya kasing notes si ma'am, kopyahin mo na lang.
Peter: Salamat ha, Tricia na lang tawag ko sayo. Okay lang?
Patricia: Sure. Ikaw bahala.
Peter: Gwapo ako! Gwapo ako! Wahh! Anong nangyayari sakin? Bakit ako kinakabahan. My golay! Para akong hindi si Peter Ocampo, matapang at palaban! Help me God :( Anyway, salamat sa notes. Bait mo naman :)
Prof: Kung iisipin natin, ang Pilipinas ay........
Peter: Hmm, ano kaya kung yayain ko siya mag lunch. Pwede! Kapalan ng mukha diba? Sige! Go! This is the chance!
Peter: Tricia, may kasabay kaba mamaya mag lunch? Wala kasi akong makasabay eh, pwede ka bang makasama?
Patricia: Ayos lang ba sayo kung kasama ko yung dalawa kong kaibigan? Sabay kasi lagi kaming kumain nung mga yun eh.
Peter: Ayos naman, may dalawa pang extra. Siguro ganoon talaga kapag bida. Maraming kaagaw. Haha!
Peter: Sige ayos lang yun. Kaysa naman maging dead kid ako mamaya sa lunch. Hehe
Patricia: Oo nga :)
Natapos nang maluwalhati yung lesson sa Kasaysayan. Hindi ko pa nga kilala yung prof eh. Buti na lang pinakopya ako ng notes ni Tricia. Patricia. Hay. Ewan ko ba. Pumasok ako sa paaralang ito para mag-aral, hindi sa kung ano anong bagay. Naks seryoso. Tuloy ko na nga!
Lunch sa Beach House (isang kainan sa UP)
Patricia: Gals, ito nga pala si Peter, ka block ko siya. Peter this is Anne and this is Kate.
Huwag niyo ng isipin o tandaan yung pangalan nila. Baka hindi ko na sila isama sa mga susunod na scenes. Extra lang yang mga yan hahahahaha.
Peter: Hi Anne, Kate.
Peter: ...
Si Anne, feeling ko siya yung closest friend ni Patricia. Mejo healthy siya pero sporty. Well, tulad ng sinabi ko, aalisin ko na siya sa storyang ito. Pinagbigyan ko lang siya na maka extra dito haha. Si Kate ganoon din. Tahimik siya, pero ayos lang din. Hindi namin sila ka block. College of Human Kinetics ata department nila, muka silang sporty eh. At si Tricia. Naipaliwanag ko na noon ang itsura niya. Maayos manamit, medyo tahimik. Hindi siya sobrang ganda, maganda lang. Parang girl-next-door type. Hay!
Peter: Kaasar, wala na naman akong masabi. Natatameme na naman ako. Tricia please! Paalisin mo na yang mga friends mo. Dapat tayung dalawa lang magkasama! Hmph!
Patricia: ...
Peter: ....
Anne: Huy ano ba! Salita naman kayo.
Kate: ....
Peter: Wala talaga akong masabi. Baka kasi pag kinausap ko si Tricia, isipin nila na gusto ko siya. Ang hirap naman. Sige na! Mag usap na lang kayo. Makikinig na nga lang ako. :(
Ayun. Isang malaking fiasco yung lunch. May kasama nga ako pero feeling ko dead kid ako. Yung pagkain lang yung na enjoy ko. Well, enjoy na rin yung scenery. Hehe. Nagkwentuhan at tawanan sina Ann at Kate. Nakikingiti naman si Patricia. Ako? Sa mga oras na yun, si Tricia lang tinitingnan ko, at yung pagkain.
Pagkatapos kasi ng lunch, isang subject na lang at uwian na. Biology ang last subject namin.
Introduction ng subject, mga topics na pag-aaralan and more ang ipinaliwanag ng prof namin.
Sa Biology Room
Prof: Class, you need to research about the ..... I want you to find a partner and do your assignment together.
Peter: Jackpot! Si Tricia na lang partner ko! Ayos! Woohooo!Makukuha ko rin number niya. Tapos textmates na kami tapos... ahayyy! (Now Playing: We are the Champions - Queen)
Peter: Tricia, partner tayo. Okay lang?
Patricia: (Sige Mark, text mo na lang ako mamaya tungkol sa homework.)
Patricia: Ay Peter, sorry. Nauna kasi si Mark eh. Next time na lang. :)
Peter: Ahh ganon ba...
Imaginary Crowd: Awwwwww...
Peter: ....
Ang bitter. Naging ka partner ko sa assignment sa biology yung pinaka-corny sa block. Anak ng Ubas naman. Sarap bigyan ng straight sa panga nitong hayop na 'to eh. Tatawa tawa pa siya eh. Kunin nya daw number ko para sa assignment. Hindi ko nga alam kung brokeback to o ano.
Bigo na naman ako sa araw na ito.
*grimtooth : skill sa Ragnarok Online kung saan may lalabas na TUSOK TUSOK mula sa lupa upang sirain o puksain ang kalaban.
Monday, September 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment