Sunday, September 9, 2007

Scene 9: Nosebleed

CAST

Nailarawan ko na ba ang sarili ko? Ako nga pala ulit si Peter Ocampo (kung sakaling nakalimutan niyo ang kanais-nais kong pangalan). Well, gwapo ako (syempre), matipuno (macho/hunk), hindi sobrang tangkad at mabait. Lagi akong naka shirt, shorts at sapatos. Minsan, nagslislippers din ako. Oo, mabait ako. Madami lang talaga akong insights minsan na mejo brutal (gaya ng mga nabasa niyo), pero mabait talaga ako. May konti akong kayabangan, pero kung magyabang ako, sa isip ko lang. Computer Engineering ako sa UP Diliman, block ko ay G-9 at 3/10 ako sa first quiz namin sa Social Science (love is the greatest love of all). Hindi ako komedyante, pero natatawa yung mga kaklase ko sakin, hindi ko alam kung bakit.

Sa block kong G-9, iba iba ang tao. May corny kid, may maganda, may cute, may gwapo (ako), may madaldal, may masungit, may suplada, may ubod ng bait (ako ulit), may pwedeng maka love-team at may pwedeng ma ka rival. Hindi ko pa sila ganoong kakilala dahil kakasimula lang ng klase ngunit inaasahan ko na magiging kaibigan ko silang lahat.

Iba iba rin ang mga guro. Isa pa lang guro ang naipapakilala ko. Hindi na naman kasi siguro mahalaga kung ipakilala ko silang lahat. Nandiyan si Sir Jerome, ang prof na sa gitna ng klase nagbibigay ng introduction. Sa kanya ako unang nagkaroon ng bagsak na quiz. Badtrip. Pero babawi naman ako eh.

Naipakita ko narin dito yung mga naging kaibigan ko noong high-school. Nandiyan si Cyrus David. Ibang school siya pero minsan siya ang tumutulong sakin na magsurvive dito sa school na ito. Nandiyan din si Paolo Pascual. Ang tarantado kong kaibigan. Loko loko ito at hitik sa kalokohan. Mabait naman ito eh, kaya lang kulang lang sa katinuan. Anyway, mahalaga ang role nitong mga friends ko na ito sa buhay ko dito sa school, dahil sila ang mga fans ko. Joke lang.

Oo nga pala, nahawa ako sa prof ko na sa gitna ng klase nagbibigay ng Introduction. Tingnan niyo naman, scene 9 na ito pero nandito yung pagpapakilala ng mga cast. Well, ganoon talaga.

Ito na, itutuloy ko na ang buhay ko.

Peter: Ayos, textmates na. Ano kaya pwedeng i text kay Tricia? Hmm.

Paolo: [oi, tagal na nating hindi nagkikita ah? nagkaroon ka lng ng new friends ndi mo na ko tinetext.]
Peter: [bkt? babae kba para itext kita? hahah]
Paolo: [lol, bakit? may ka text kabang babae? haha asa!]
Peter: [sa gwapo kong to? wala aqng ktxt na girl? baka ikaw! kaya mo cguro ako tnetext kse ala ka ktxt. haha!]
Paolo: [angas naman! suntukan na lang!]

Peter: sabi na eh, isang malaking pagkakamali na magreply ako sa hayop na to. Hmm, ano nga kaya itetext ko kay Tricia? Alam ko na!

Peter: [tricia, musta na?]

Peter: Hindi, panget. Halatang wala akong ka text. Dapat yung medyo, may spice.

Peter: [So, how's your my friend?]

Peter: Pambihira, ang bobo ko naman sa grammar at spelling, haha. Tweak ko lang sandali. Saka baguhin ko yung friend, baka isipin niya Group Message ito.

Peter: [So, how are you my Tricia?]

Peter: Game!

Peter: [So, how are you my Tricia?]

Peter: Wah! Bakit ko nga pala nalagyan ng "my" ? wahh! Cancel Cancel! Sana wala akong load! Wahh!Bahala na si Batman.

Patricia: [ayos lng, hihi. salamat kanina sa pagsama sakin ha. :)]

Peter: Phew, buti na lang hindi niya napansin yung My Tricia.

Peter: [wala yun noh, wala rin naman kasi tayong assgn bukas diba? hehe]
Patricia: [mron kya! ung sa bio]

Peter: Anak ng Beatles naman oh, nakalimutan ko yun ha.

Peter: [ayyy uu nga noh, hehe. Sige, gwin ko muna yun. Buti na lang nkatxt kta, hehe. Salamat ha! nyt!]
Patricia: [nyt =)]

Ginawa ko muna yung assignment. Then, natulog na ako.

Next day. Na late ako sa klase. Actually hindi naman talaga late dahil wala pa yung professor, pero halos puno na yung mga upuan. Nakita ko sina Claire, Christina, Leslie, Richard at Tricia na magkakatabi sa isang row. Oo, magkatabi sina Richard at Tricia. Pambihira.

Peter: Bakit ba ako na late ng ganito, hindi ko tuloy makakatabi si Tricia. Nagtabi pa yung dalawang yun. Patay na.

Claire: Peter! Dito ka oh, pinagreserve kita ng upuan.
Peter: Salamat ha, baka malayo ako sa inyo.
Claire: Wala yun.

Peter: Ang bait talaga ni Claire, siguro may boyfriend na to. Hehe, matanong ko nga.

Peter: Uy Claire, may boyfriend ka na ba? Haha!
Claire: Wala pa noh. Wala pang nanliligaw hehe.

Peter: Owss? Ikaw? Hmm, nagkwekwentuhan sina Tricia at Richard, pero ano ba naman magagawa ko dun. Mga bida talaga, inaapi muna sa umpisa.

Peter: Ganon ba, wala lang. Natanong ko lang hehe.
Claire: Ganon ba? Ikaw, may girlfriend ka na ba?
Macho Hunk: Excuse me, have you copied the notes given by our professor last meeting?

Peter: Nosebleed, english yun ah. Tagalugin ko nga, baka ma-dali ako sa english nito eh.

Peter: Meron, ito kopyahin mo na lang.
Macho Hunk: Thanks pal, by the way, Im Bernard Pelayo.
Peter: Peter Ocampo.

Peter: Ayos! Haha. Pwede na sigurong addition sa friends list si Bernard. Macho eh. Kunware may gang war dito or may nakaaway ako dito sa school na ito, pwede ko siyang gawing resbak at gawing pader sa mga kaaway ko. Haha. Why not? So Bernard, how's our muscles doing? Hahaha! Feeling ko macho na rin ako haha.

After copying my freakin' notes.. (woosh, nag eenglish na rin ako)

Bernard: Thanks pal. Here's your notebook.
Peter: Thanks. Medyo mahaba yung Bernard, pwede ba kitang tawagin sa ibang pangalan?
Bernard: Rhayne would be fine pal. With the H okay?
Peter: Yeah sure!

Nagklase na yung prof namin. Medyo malungkot lang ako dahil na solo ni Richard si Tricia.

Peter: Hay buhay, ma text nga si Tricia. Hindi ko kasi siya makausap, ang layo eh. Five seats apart kami.

Peter: [Tricia, sbay nmn tayu mg lunch mmya. ok lng?]

...
...

After 10 minutes

Patricia: [uy, sorry kung ndi agad ako nka reply, nakikinig kasi ako sa klase. sige ba, kaya lng ok lng ba sayu kung tatlo tayo ni richard?]

Peter: ....

Peter: [wag nlng pla. hehe, kayu nlng ni richard. sige enjoy!]

Ang bitter ko naman. Kung mararamdaman niya lang yung emosyon ko ng itext ko yan, hay. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong magagawa sa mga ganyang bagay. Hindi naman ako Diyos para pigilan sila.

Claire: Peter, sabay tayo mag lunch. May pupuntahan daw kasi sina Leslie at Christina, tapos si Richard naman kasabay daw si Patricia.
Peter: Sige Claire, tutal, wala rin naman akong makakasabay mamaya.
Rhayne: Excuse me, can I join you guys during lunch?
Claire: Sure! Mas masaya diba pag madami.

Peter: Ayos, feeling ko talaga magiging ka close ko itong si Claire. And itong si Rhayne, muka namang gentle giant itong machong ito eh. Hehe. Ayos na to, bahala na sila ni Richard at Tricia. Mag enjoy sana sila! Hmph!

Lunch Break. Kwentuhan kaming tatlo ni Claire at Rhayne. Bonding moments. Hehe. Kahit na medyo malungkot ako dahil hindi ko kasama ang ka love team ko, nandito naman sina Claire at Rhayne. Syempre, nagkaalaman kami ng cellphone numbers and all. Hmm. Si Rhayne. Gentle giant talaga siya. Haha. Friendly pala ito. Akala ko sanay lang siya sa bangasan at gang war. Pero okay naman, feeling ko nga close na kami eh, haha. Si Claire naman. Maganda siya gaya ng description ko noong una. Akala ko nga saucy girl itong si Claire at suplada, mabait naman pala. Hindi parin ako makapaniwala na wala pang boyfriend itong si Claire. Kung titingnan nga, mas maganda pa si Claire kay Patricia. Pareho din silang mabait.

Nagtatagalog naman pala si Rhayne eh, mas sanay lang talaga siguro siya mag english. Conyo. Haha.

Rhayne: Umm guys, I need to go. Itong prof kasi namin, he's so rigorous!

Peter: Ano daw? Rigorous? Negative siguro yung word na yun, haha! Malay ko ba.

Peter: Sige, kami rin. Next time, lunch ulit tayo.
Claire: Bye Rhayne!
Rhayne: Goodbye guys.
Peter: Bye.
Claire: Umm Peter..
Peter: Tara, baka ma late pa tayo sa bio class natin.
Claire: Okay..

Biology class na namin. Hinahanap ko yung Mark Lacsamana na yun, yung kapartner ni Tricia sa Bio.

Peter: Mark, hinahamon kita. Mag duwelo tayo.
Mark: Baka hindi ka na makilala ng magulang mo pagkatapos nito?
Peter: Hindi ka na sisikatan ng araw. Hayop ka!
Mark: Baka may lamay na sa bahay niyo bukas.

Panandalian kaming naging poet dahil sa lalim ng mga aming pinagsasabi.

Now Playing: Eye of the Tiger - Survivor

Kung wala kayong ideya sa kantang yan, yan yung madalas na tugtog sa boxing, or yung kay Rocky Balboa. Iyan yun!

Tenk tenk! Tumunog na yung bell. Nagsimula nang mag away ang tigre at ang leon.
Binigyan ko siya ng straight sa panga. Hindi siya nakaiwas. Mejo naging groggy siya. Ngunit, agad siyang bumawi. Siniko niya ako sa tyan. Nawalan ako ng hininga. Pero hindi ako pumayag. Sa ngalan ng pag-ibig, binigyan ko siya ng Gazelle Punch* sa baba (chin). May nakita akong stars sa ulo niya. Umagos din ang dugo mula sa dalawang butas ng kanyang ilong, hudyat ng kanyang pagkatalo. Ako ay nagwagi. Nagsipalakpakan yung mga kaklase ko sa biology. Ang gaan ng pakiramdam.

Patricia: Peter.
Peter: Huh?
Patricia: Ipapasa na daw yung assignment sa biology. Hindi na lang kita ginising kanina, baka kasi napagod ka.
Peter: Ahh ganon ba. Akala ko naman kung ano. Nananaginip na nga ako eh. Hehe.

Peter: Panaginip lang pala. Sayang. Akala ko pa naman durog na yung mukha nung hayop na yun. Anyway, hindi ko naman magagawa yun eh. Kapartner niya si Tricia, baka bumaba grade niya kung laging nasa ospital si Mark at nagpapagamot ng kanyang mga sugat.

Peter: Kumusta naman yung lunch niyo kanina?
Patricia: Ayos lang, kayo?
Peter: Ayun, new friend si Rhayne, yung machong bata.
Patricia: Ahh, hehe. Buti naman kung ganoon.

Natapos ang biology class namin. Uwian na. At least may bago akong friend, macho pa. At kahit sa panaginip, natalo ko si Mark sa tagisan ng lakas.

Peter: Sige Tricia. Uwi na ako, Bye.
Patricia: Bye Peter.
Richard: Bye Tricia, next time ulit ha.
Patricia: Sige Richard, ingat ka.
Imaginary Crowd: Awwww
Claire: Bye Peter, ingat ka ha.
Peter: Ge.

Peter: Abuso ka ha, anong next time? Parang close na sila ni Richard at Tricia. Ang bitter naman nito.

Umuwi na ako sa bahay, susubukan kong huwag magpaapekto sa mga nangyari. Bakit ba ganito? Masyado kong binibigyan ng issue ang maliliit na bagay. Si Claire. Buti na lang nandiyan siya, lagi akong may kasama.

Ano ba ang pwede kong gawin para mapansin naman ako ni Tricia? Ano nga kaya?

Peter: [cyrus, diba nanchichix kana jan sa school mo?]
Cyrus: [di naman? bkit? may prblema?]
Peter: [nu ba sikreto para mpansin ng isang babae?]
Cyrus: [wag ako tanungin mo, hindi ako babae. gudlak!]

Peter: Hmm, alam ko na!

Peter: [Claire, ano ba preference niyo sa mga lalake?]
Claire: [Hi peter! umm y mo nmn ntanong? xmpre gwapo, responsible at loyal! :p]
Peter: [yun lng ba? mron p bng iba?]
Claire: [umm, xmpre ok din ung malaki katawan. msrap i hug ang malalaking arms noh :p]

Peter: Tama! Si Rhayne! Sa kanya ako hihingi ng advice!


*Gazelle Punch - Isa sa mga special attack ni Makunochi Ippo. Para siyang uppercut, na ang kilos ay parang isang gazelle (antelope).




8 comments:

alai said...

bwahaha.dami ng bisita ah.=)

Rafael Karlo said...

d naman, :D

Jeanie said...

galing..! ngaun ko lang nabasa yung blog mo kasi ngaun ko lang din napansin. tsk tsk.. ang ganda pala...

Anonymous said...

wow arf.
dakilang writer ka na ah.
pwde bang pasubscribe?
hehe. :)

Rafael Karlo said...

hanap ako publisher.. joke! eheh hindi nga formal writing to eh..

Anonymous said...

love your story man! awesome!

Horhe said...

shux class! lufet!

Horhe said...
This comment has been removed by the author.