Wednesday, September 5, 2007

Scene 8: Triangle

Lumipas ang weekends, then pasukan na.

WARNING: LONG STORY AHEAD

So ayon, pumasok ako sa school. Kanya kanya naman kami ng pili ng upuan eh. Kung saan mo gusto, pwede ka doon. Basta bakante, bakit? Kasi bawal kang umupo sa upuan kung may nakaupo.

Sa awa ng Diyos (at ni Batman), hindi ako late. Madaming bakanteng upuan. May ilang mga studyante ang nakaupo (syempre, bawal ako doon kasi may nakaupo na) kaya pinili ko yung isang bakanteng upuan na medyo malapit sa bintana pero hindi dulo.

Peter: Lonely naman, walang kakilala. Walang friends. Walang love team. Buhay nga naman oh.

Dumating si Richard Go! sa classroom.

Peter: Richard! Dito ka tabi tayo.
Richard: Sige.Umm nagawa mo na yung assignment sa Biology?

Peter: Pambihirang tao to, pinaalala pa yung assignment na yun! Hmph!

Peter: Ayos lang, hindi ko lang feel ka partner ko eh. Corny nya eh. Hehe. Dapat nga si Tri...

Biglang dumating si Patricia sa classroom.

Patricia: Hi Peter!

Slow motion ulit ung paligid. Ito walang halong biro, bumagal talaga yung nasa paligid ko. Yung boses nila mababa kasi nga slow motion. Ayos na rin yung MP3 Player sa utak ko. Now and Forever ni Richard Marx ung background music. Ang galing. Pero after ilang seconds, naging normal ulit yung time sa paligid. Ang galing nga eh, para akong may kapangyarihang kontrolin ang oras.

Peter: Tricia! Halika, tabi tayo.
Richard: ...
Patricia: Sige, mukang maganda dito sa bintana, hihi.

Peter: Wow naman! Anghel siya ngumiti. Hayyy!! Ang gaan ng feeling. She's not bad after all :) Wala pa naman sigurong assassin na kasing amo at kasing bait ni Patricia. Hay..

Peter: Umm..
Patricia: Yes?
Richard: Patricia, ako nga pala si Richard Go.
Patricia: Hi Richard :)
Richard: So, kumusta ka naman? Kapartner mo si Mark Lacsamana sa Biology assignment diba? Magaling yun! Ka klase ko kasi siya dati noong high school.
Patricia: Oo nga eh, hindi na nga niya ako pinagresearch kagabi. Alam na niya yung mga sagot. Ang galing niya talaga.

Peter: Loko 'tong mga to ah. Parang wala ako sa gitna nila. At yung Mark na yun. Humanda ka sakin. Hmph! Ako dapat magreresearch para sa kanya, hindi ikaw! Ashtray ka!

Peter: Ah Tricia, okay lang ba na sabay ulit tayo kumain mamaya?
Patricia: Naku pasensya ka na, kasama ko kasi yung mga kaklase ko noong high school, kaya ayon.
Peter: Wala yun, may next time naman diba?
Patricia: :)
Richard: Sama ka na lang samin Pete. Lima tayo. Tayo nina Leslie, Christina, Claire, ako at ikaw.
Peter: Ayos lang. Saan naman tayo kakain?
Richard: Kahit saan.

Dumating yung tatlong girl na nabanggit nang sabay-sabay. Nagkita siguro sila sa labas ng classroom. Tumabi sila kay RIchard Go! Bale, nasa isang row kaming anim.

Dumating na din yung prof. Si Sir Jerome. Ang teacher na sa kalagitnaan ng klase nag bibigay ng introduction. Anyway ito ang mga sumunod na naganap.

Sir Jerome: Now class, I will return to you your first quiz. Ganoon lang naman ako magbigay ng quizzes eh, puro essay lang na simple. So I expect that no one would fail in my class. Okay?
Class: Yes sir.
Sir Jerome: So here here are your papers. Robert Benton 10/10, Christina Carpio 8/10, Patricia Coronel 10/10, Richard Go 9/10......

Peter: Ayos ah, mataas naman pala magbigay itong si sir eh! Wala tayong problema pag ganyan lagi.

Sir Jerome:
Alyssa Natividad 10/10, Peter Ocampo 3/10, Leslie Delos Reyes 10/10....

Peter: Holy Banana! Bakit tres lang? Ano ba naman yan? Ano bang problema sa Love is the greatest love of all? Ang daya. First quiz ko bagsak agad. Paano na yan?

Natahimik na lang ako eh. Halos ma perfect nilang lahat yung quiz, tapos ako, 3/10 lang.

Peter: Nakakahiya naman to. Si Tricia 10, si Richard 9, tapos ako. Badtrip! Na pressure lang ako last time.

Patricia: Patingin naman ng quiz mo.
Peter: Huwag na, nakakahiya. 3 nga lang ako diba.
Patricia: Akin na patingin lang. (hinihila yung kamay ko)
Peter: Ayoko, nakakahiya. (kunware nag reresist, pero enjoy hehe)

Peter: Ang lambot ng hand niya. Ayyy! Kung lagi ba namang ganito.

Ayon, mga 5 seconds na ganoon, pero natalo ako. Nakuha niya yung quiz kong bagay sa basurahan. Nabasa niya rin yung sinulat ko.

"Love is the greatest love of all. The more you..."

Peter:...
Patricia: Okay lang yan. Okay naman yung sinulat mo eh, nakakatuwa nga eh hihi.
Peter: Talaga?
Patricia: Oo naman, basta huwag kang papa-pressure, sige ka..

Peter: Psychic? Nalaman niyang na pressure ako nung time na yon? Ayos ah.

Sir Jerome: Okay, so our lesson for today is..

Lumipas yung panahon. Nag-discuss si Sir ng lesson niya. Nakikinig naman ako, pero syempre minsan sinusulyapan ko si Tricia. Ayos na rin siguro ito, at least may inspirasyon ako para mag-aral. Natauhan din ako na hindi lahat dinadaan sa biro. Kailangan magseryoso para umasenso.

Peter: Tagal naman mag time. Galing mag notes ni Tricia ah, dami niyang kinokopya. Siguro matalino talaga siya. Hmm, ano kaya ginagawa ni Richard.

Nakatingin si Richard kay Tricia.

Peter: Huh? kinikopyahan ba niya si Tricia? Hmm, hindi naman siya nagsusulat at nasa pagitan nila ako. Anong ibig sabihin nito? Masama kutob ko sa pag-tingin niya sa ka love team ko ha. Tsk.

Sir Jerome: Class dismissed.

Richard: Tara Peter, sama ka na samin.
Peter: Ge, bye Tricia, maya na lang uli.
Patricia: Bye.

Sa isang canteen na kinainan namin. Nasa isang parihabang table kami. Pagkatapos naming umorder, nagsimula na kaming kumain.

Christina: Uyy, kita ko yung kanina ah!
Richard: Ano ba, ang gulo niyo.
Leslie: Hindi obvious! Hindi! Hahaha!
Christina: Hahaha. Issue!
Leslie: Sabi na eh, first day pa lang, crush mo na siya eh. Uyyy!!
Richard: Kulit niyo talaga. Kakain na nga na lang ako!

Peter: Sabi na! Type niya yung ka love team ko! Hindi ko inaasahan to ah. Hmph! Ganon pala ha! Gusto mo ng away, hindi ako uurong! Roarr!!

Sa mga love story, talagang hindi nawawala ang love triangle at rivalry. Kung si Popeye ay may Bluto (Brutus), si Bodie ay may Mickey. At kung si Mikee ay may Gerald Anderson, ako naman ay may Richard Go!. Ganon eh! Pero anong magagawa ko, kahit na hindi sobrang ganda ni Patricia, malakas ang charm niya. Hindi na ako magtataka kung dadami pa magkakagusto sa kanya.

Sa mga oras na yun, may speech baloon sa ulo ko, tapos may animation na kumakain ako ng spinach. Tapos, lumaki bigla ung muscles ko, ginawa kong parang lukot na papel si Richard Go! at itinapon sa basura.

Claire: Peter, ang bilis mo naman kumain.
Peter: Hehe, hindi naman. Masarap lang talaga yung pagkain saka gutom ako.

Peter: Gutom akong gawing sabaw sa tinola si Richard Go! Hmph!

Claire: Parang ang tahimik mo ata, may problema ba?
Peter: Wala naman, nakakatuwa nga kayo pakinggan eh. Hehe
Claire: Okay :)

Peter: Si Claire lang ang kumausap sakin. Naks. Hindi siya sumasali na asarin si Richard Go! kay Tricia. Tahimik din siya. Ngumingiti lang siya kapag nagtatawanan sila. Feeling ko ka vibes ko to. Ayos, hehe. Sana kakampi kita.

Claire: Guys, tara na, baka ma late tayo. Alam niyo naman si Ma'am, strict.
Peter: Tara.

After ng lunch namin, yung last subject na. Ganon din ung seating position namin. Mejo naiilang lang ako kasi, katabi ko yung challenge o obstacle sa love story namin ni Tricia. Anyway tuloy parin yung klase.

Ma'am: You may go now class.

Richard: Derecho na ba kayong uuwi?
Peter: Oo, hehe gawin ko pa yung assignment natin.
Claire: O sige, bye bye!
Leslie: Bye!
Richard: Paalam!

Peter: Umm Tricia.
Patricia: Uy Peter, uwi ka na.
Peter: Oo sana, hehe. Ikaw?
Patricia: Pauwi na rin sana ako, kaya lang pupunta pa ako sa library, papa photocopy ko yung Form 5 ko.
Peter: Samahan na kita.
Patricia: Sige.

Naglakad kami papunta sa library. Mejo malayo pero ayos lang, kasama ko naman siya eh. Yung pakiramdam na parang wala kang ibang nakikita kundi siya, ganoon yung nararamdaman ko. Mahangin pa naman, ang sarap talaga ng feeling. Hindi kami nag-usap habang naglalakad, pero minsan, nagkakataon na sabay kaming tumitingin sa isa't isa.

Nakarating kami sa library at nakapagpa photocopy siya. Habang nagpapaphotocopy siya, may nag text sa akin.

1 Message Received
Corny Kid: [peter, gawin mo na yung assignment natin. buks na ntin klngan un. ge.]

Peter: Panira ka sa buhay ko, ang ayos na ng moment ko dito eh.

Patricia: Umm Pete, okay na. Sige uwi na ako. Salamat sa pagsama ha. Bye.
Peter: Sige, ingat ka ha.
Patricia: Ikaw din.

Now Playing: Baby Come Back - Daryl Hall and John Oates

Peter: Ang saya ng araw ko ngayon. Solve solve na yun hehe. Hindi ko inakalang makokontento ako sa ganoon lang. Hindi naman ako ganito dati. Ewan ko ba kung ano meron sa kanya. Hay..

1 Message Received

Peter: OO NA! GAGAWIN KO NA YUNG ASSIGNMENT! NAG SESENTI AKO EH!

092724*****: [Ingat k sa byahe ha :p -tricia]
Peter: !!??
Peter: Pano niya nalaman number ko? Ang sweet nun ah, iniistalk nya ako hehe. Pero saan niya nakuha number ko?
Peter: [kaw dn, umm pano m nkha num ko? gleng mu nmn mnghula ng num hehe..]
Patricia: [Nakuha ko kay Anthony yung num mo, yung ka partner mo sa bio assignment.. hehe, classmate ko ksi sya noon.. kya aun..]
Peter: [ahh gnun ba., o sige.. gud day, ingat ulit.]

Peter: Ayos, may silbi din pala yung hayop na yun. Kahit corny siya, may pakinabang din pala. Pero bakit naman niya tinanong yung number ko? Ayoko mang isipin pero, hayy! Pano kung may gusto din siya sakin? Ahay! Hindi. Baka naman ganoon lang talaga siya. Mabait kasi siya. Bahala na. Pagod na ako. Uwi na nga ako..












3 comments:

alai said...

"Sir Jerome: Alyssa Natividad 10/10, Peter Ocampo 3/10, Leslie Delos Reyes 10/10...."
huwaaaaaaaaatt?!hahaha.=))
saya ng araw ni peter ah!
kileg!^^

Anonymous said...

shux. knikileg ako.

Anonymous said...

ako din eh. :) lalo na yung part na..


"Hindi kami nag-usap habang naglalakad, pero minsan, nagkakataon na sabay kaming tumitingin sa isa't isa. "

:D