Sunday, September 30, 2007

Scene 14: Tears

Naglalakad kami papuntang Beach House (Kainan sa UP).

Peter: Bakit ikaw? Bigay ka nga ng isang word na sinulat mo.
Patricia: Peter.

Peter: Ano? Peter sinulat niya? Hehe. Ayokong lokohin ang sarili ko.

Masakit ang maloko ka ng isang tao. Lalo na ng taong binibigyan mo ng sobrang atensyon. Minsan sasabihin sa iyo na mahal ka niya, pero hindi naman pala totoo. Sasabihin niya sayo na kaibigan kita, pero iiwanan ka niya. Sobrang sakit noon. Hindi mo alam kung intensyon ba niya na paasahin ka, o saktan ka.

Hindi ko alam. Ayoko ng maulit sa akin yun. Ilang luha na ang nasasayang ko noon.

Peter: Bakit?
Patricia: ...
Peter: Ano yun?
Patricia: Ang gulo ng buhok mo. Kailangan bang ako pa ang mag-ayos niyan?
Peter: Sorry naman. Ito na aayusin ko na.

Peter: Taray. Kabuwanan niya siguro. :(

Patuloy kaming nag-lakad. Parang ang tagal naming nag-lalakad. 10:15 a.m. ang oras noong mga panahon na iyon. Mahangin, maulap, pero maliwanag. Napakaganda ng panahon.

Peter: Ibahin ko na nga na lang ang usapan.

Peter: So, kumusta na yung binti mo?
Patricia: Maayos na. Hindi na makati.
Peter: Mabuti naman kung ganon.
Patricia: ...

Peter: ....
Patricia: ...

Peter: Wala na naman akong masabi. Hindi na ako yung usual na madaldal.

Patricia: Pero may sinulat talaga ako na Peter kanina sa quiz...

Peter: !!!

Mixed emotions ako ng mga oras na yun.

Peter: Totoo ba yung narinig ko? Ayoko nang magpaloko. Bumabalik na naman ba yung mga pangyayaring nangyari na sa akin noon? Tama yung mga kasabihan na kumakalat sa cellphones at sa ibang media. Once is enough. Kailangan matuto ka na sa mga pagkakamali mo noong nakaraan. Kailangan hindi na maulit ang mga maling nagawa. Lesson din yan sa history.

Pero tama nga ba ikulong ko ang ang sarili sa mga posibleng mangyari? May pag-asa ba ako kay Tricia? Anghel ba siya na bumaba para sa akin? Hindi ko alam. Ayokong maloko, pero ayoko rin namang isarado ang loob ko.

Rhayne: Peter!!! Tricia!!!

Si Rhayne. Mula sa malayo, nakita ko siya. Nandoon siya sa harap namin. Naglalakad siya papunta sa direksyong pinanggalingan namin. Ang dami niyang kasama. Siguro mga ka block niya. After 5 seconds, nagkalapit na kami. Na interrupt nga yung romantic scene namin ni Tricia eh. Pero di bale na.

Peter: Uy Rhayne..
Patricia: ....
Rhayne: Guys, this is Peter and this is Patricia.

Peter: :)
Patricia: ...

Rhayne: Pete, Tricia, sila nga pala mga ka block ko. Ang G-11. Ito nga pala si Jelo, Red, J.E., Pat, Julius, Ashan, Eman, Greg, Ade, Arf, Dondon, Troy, John, Mark, Wes, Treena, Alyssa, Frank, Jorge, Gens, Marvin at Kat. Dami no, hehe.

Peter: Dami ah. As if naman makakabisado ko mga pangalan nila.

G-11: Hi! (Kaway silang lahat.)

Rhayne: Oh by the way, remember Alyssa? She's our classmate in Soc Sci.
Peter: Oo nga hehe.

Mark: Tricia!
Patricia: Uy Mark, ka block mo pala si Rhayne eh. Hehe.
Mark: Ah oo. :)

Peter: Ayun pala si Mark, ang unang kapartner ni Tricia sa Bio. Ang taong pinaslang ko sa panaginip.

Babaeng nakasalamin [Maiksi ang buhok](G-11): Uy saan kayo pupunta? :p
Patricia: Mag lulunch kami sa Beach House. Kayo?
Babaeng nakasalamin [Mahaba ang buhok](G-11): Date kayo? Uyyy..

Peter: Madami pala talagang kalahi si Tito Boy.

Patricia: Hindi naman. Hehe.
Peter: ....

Rhayne: Pasensya na sa mga ka block ko ha. Ganyan talaga ugali ng mga yan. Pero masaya naman kami. Obvious right? Hehe.
Peter: Pansin ko nga eh.

Lalakeng Gwapo (G-11): Sige alis na tayo, mukhang may moment silang dalawa eh. Nakaistorbo ata tayo. Uyyy!
G-11: Uyyy!!

Peter: Buti alam mo. Hmph! Namumukaan kita. Gwapo mo haha! Parang ako lang. Pero mas gwapo ako.

Rhayne: Sige guys, we need to go. Baka ma-late kami sa next subject namin. Bye!
G-11: Bye!

Peter: :)
Patricia: :)

Umalis na yung mga kolokoys na yun. Grabe, napaka bonded nila. Nakakainggit. Samantalang ang G-9, watak watak. Kanya kanya ng grupo. Anyway, tumuloy na kami sa patutunguhan namin. Naguguluhan parin ako kay Tricia.

Peter: Tricia.
Patricia: ... (tumingin siya sa akin)
Peter: Ano ba ang ibig mong sabihin kanina?
Patricia: Kailangan ko pa bang ipaliwanag yun?
Peter: Pero naguguluhan ako. Ayokong umasa.
Patricia: Umasa na?
Peter: ....
Patricia: Umasa nga na ano?
Peter: ...

Napaka tense ng usapan namin. Malumanay at malambing siya mag salita, pero kinakabahan ako, pinagpapawisan, lahat! Hindi ko na tuloy alam sasabihin ko. Natotorpe ako. Ito na ba yung panahon para masabi ang nararamdaman ko? May mapapala ba ako kapag sinabi ko na may gusto ako sa kanya? Kapag sinabi ko na umaasa ako na gusto niya rin ako? Hindi ko alam.

Patricia: Umasa na may gusto ako sayo?
Peter: ...

Nakarating na kami sa Beach House. Mainit pa rin ang usapan namin. Kinakabahan talaga ako. Si Tricia. Hindi ko alam kung bakit siya ganon. Hindi ko akalaing magiging vocal siya sa mga ganong bagay.

Sa Beach House. natahimik kami pag dating doon. Tapos na kaming umorder ng pagkain. Pero hindi pa kami tapos sa pinag-uusapan namin.


Patricia: Wala ka bang gustong sabihin?

Peter: Tricia. Oo may gusto ako sayo. Pero hindi pa ako handa na sabihin sayo to. Ayokong masaktan. Takot akong lumayo ka sakin. Duwag ako. Pasensya na.

Patricia: Tatahimik ka na lang ba? Itatago mo na naman ba lahat sa sarili mo? Sasabihan mo na naman ba ako ng alamat? Peter! Ano ba? Hindi ako manhid!

Dumampi sa kaliwang cheek niya ang isang luha mula sa makislap niyang mata.
Naiiyak na si Tricia. Malumanay siyang magsalita. Malambing. Pero ang lakas ng tama sakin ng mga sinabi niya. Naaawa ako pero may halong kaba. Ano bang mali sa ginawa ko? Hindi naman lahat ng nasa isip ko, kailangan kong sabihin.

Naiiyak na rin ako.

Peter: Huwag kang iiyak. Please huwag.

Patricia: Kung may naiisip ka sabihin mo! Para alam ko kung dapat ba akong umasa o hindi..






--------------------------------

4 comments:

Anonymous said...

urgh... natagusan ako bruwak!!!! asteg tlga gmwa ni papa karlito pakiss nga:*

Anonymous said...

waaaaaaaaaa!!!! adeeeek!!! dko akalaing lalantad na pala si tricia!!!!!! raaaawr!!!

Anonymous said...

Akala mo lang yun? >.<

Anonymous said...

People should read this.