Monday, September 24, 2007

Scene 12: Siopao

Umuwi na ako sa bahay. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kilig sobra! Sana nga, hindi na siya pinayagang umalis sa clinic eh. At kung mangyari man yun, hindi na rin ako aalis doon. Seryoso gagawin ko yun.

Peter: Hayyy! Tricia! Ano ba itong ginawa mo sakin? Bakit ako nagkakaganito sa'yo! Hindi na naman uso ang gayuma ah? Wahhh!!

Tunk tunk! (polyphonic tone ulit yan)

Peter: Uy may nagtext. Naks. Sino kaya ito? Hmm si Tricia kaya? Yahoo! Pero hindi, feeling ko si Paolo. Ashtray ka Paolo kapag ikaw ang nagtext. Babalatan kita ng buhay! Grroooaaarr!!

1 Message Received

Patricia: [thx kanina ha. :)]

Peter: Hehe, namumula na naman ako. Ano na naman kaya ang pwede i-reply? Hmm, ayoko ng pumalpak!

Peter: [wla un noh, hehe. sorry nga pla. hindi na ulit kita dadalhin sa gnung lugar..]
Patricia: [ngee, sge na nga, wg na nting isipin ito. hehe. ^_^]

Tunk Tunk!

Paolo: [GuD EvEninz mAh fweind? how r u? wAtz ur uLam toNayT?]

Peter: Anak naman ng tokwa, nag text pa tong hayop na to. Garapata ka talaga ng buhay ko.

Tinuloy ko ang pagtext kay Tricia.

Peter: [uu nga, hmm, nu gwa mo ngayon?]
Patricia: [well, e2 nag aaral me pra sa soc sci quiz. kaw? nkapag aral na ba u?]

Peter: Sharingan! Babawi ako sa soc sci. May quiz nga pala. Buti na lang.

Peter: [uu nmn, nkpagaral na me. cge mag-aral na u, nyt!]
Patricia: [cge peter, nyt din. ^_<]
Peter: Hehe solve solve! Kailangan ko nang mag-aral. Baka kasi isipin ni Tricia, hindi ako nag-aaral.

Mommy: Oh Pete? Bakit ka nakangiti habang nag-tetext? Ikaw ha, chicks yan noh?
Peter: Anong chicks, may nag-forward kasi ng Inday Joke. Syempre mas okay na tumawa ako kesa umiyak. Mommy: Ganon? Tingin nga?
Peter: Mag-aaral pa ako, next time.
Mommy: Pete, sabihin mo sakin pag-may natitipuhan ka na, malay mo matulungan kita :)
Peter: Wala naman talaga eh, sasabihin ko na lang kapag meron. Huwag ka nang makulit.
Mommy: Binata na siya. :D
Peter: Hmph.

Pumasok na lang ako sa kwarto bago ako tuluyang ihawin ng nanay ko sa intriga. Ganoon siya eh, lagi niya akong tinutukso kapag may involve na babae sa buhay ko. Well, ang galing talaga ni mommy. Nararamdaman niya kung may nagugustuhan akong girl o wala. Nanay ko nga talaga siya.

Todo aral ako para sa exam. Love ang topic. Oo, hindi pa tapos yang lintik na love na yan. Minsan nga, gusto ko ng ma lechon yang si Sir Jerome eh, hindi parin kasi lumalamig ang dugo ko dahil sa binigay niyang 3/10 na grade.
Pero anong magagawa ko, biktima lang ako gaya ng mga nasalanta. Walang may gusto noon.

11:12 p.m.

Groggy na ako. Hindi parin ako tumitigil sa pag-babasa ng hand-outs tungkol sa love. 30 pages kasi ito eh, pang 10th page pa lang ako. Bullcrap. Antok na antok na ako. Nakangiti pa sakin yung unan ko. May unan kasi ako na ang design ay nakangiti, tapos parang nagyayaya na siyang matulog. Ito yung eksaktong eksena ng mga oras na yun. Take note, groggy ako.

Peter: Love is about the ...............
Unan: Peeeeteerrr.

Yung tono na pataas tapos bababa. Hirap explain. Parang Hide and seek o taguan. Yung ganon. Parang "I can seeeee youuuu". Na imagine mo na? Kung hindi, pakamatay ka na lang.

Peter: Heh! Tumahimik ka, nag-aaral ako. Babawi ako sa bagsak kong quiz.
Unan: Peeeeteerrr. Yakapin mo na ako. Tulog na taaaayooooo.
Peter: O tukso! Layuan mo ako! According to Professor .... Love is.... In fact, he stated that ......

Patricia: Peter. Tulog na tayo.

Peter: Wahh, hindi ikaw si Tricia! Hindi mo ako malilinlang!

Naaalala niyo ba yung eksena sa buhay ko noon kung saan nagyayabang ako tungkol sa pride ko? Yung nakalimutan ko yung ballpen ko at sinabi sa sarili na hindi ako hihiram?
Eh naaalala niyo rin ba yung panahon na pinipilit ako ni Tricia na ipakita sa kanya ang quiz paper ko na bagay sa basurahan?
Ganoon ang nangyari. As usual, natalo ako. Sumuko ako sa sarili ko at ginawa ang mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa.

Bigo.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakalatay sa kama. Yakap yakap ko yung unan na yun. Malambot, mabango. Malamig ang panahon pero dahil sa unan na yun at sa kumot, naging warm yung pakiramdam. Ang sarap. Iniimagine ko na lang na si Tricia yun, syempre para sweet dreams.
Tungkol sa binabasa ko, hanggang 10th page lang talaga ako. Bahala na.

Mommy: Anak, 6:00 am na.
Peter: Umm, 4 minutes and 22 seconds pa. (Gasgas na kasi yung 5 minutes. Medyo groggy yung boses ko nyan)

Mommy: Hmm. Mala-late ka na, bangon na!
Peter: Urk! Mmmmm.
Mommy: Hmm...
Peter:....
Mommy:
cge peter, nyt din. ^_<. Patricia Coronel pala ha.
Peter: !!!
Mommy: Chicks!
Peter: Akin na yung phone ko! Bakit mo naman pinakealaman?
Mommy: Sabi na eh, edi gising ka na. Maghilamos ka na at kumain bago ka pa ma late.
Peter: ....
Mommy: Maganda ba yang Patricia na yan? Hingi naman ng picture!
Peter: Pambihirang nanay to. Pakealamera! Wala na. Dahil dito, ikakalat niya ito kay daddy. Tapos kakalat na sa buong subdivision namin. Ayoko na!

Iyan ang hirap sa aking inay. Kapag may nalaman tungkol sa akin, ikakalat niya yan sa buong barrio. Seryoso, hindi pa siya nabibigo sa ganoong gawain. Hindi ko alam, kaya minsan ayokong magsabi sa nanay ko ng mga ganyang bagay. Delekado. Feeling ko tuloy iintrigahin ako ni Tito Boy mamaya sa show niya. Tangerine!

Pumasok na ako sa school. Noong nasa Katipunan na ako, may napansin akong tao. Rugged siya. Madumi at gulagulanit ang damit. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Nagmamadali kasi ako, baka ma-late.

Peter: ....
Rugged Man: Ibili mo naman ako ng siopao. Gutom na gutom na talaga ako.
Peter:...

Peter: Wahh, please, huwag ngayon, nagmamadali ako. Ayokong tingnan ako ng mga tao, please layo ka na.

Hinihila nung Rugged Man yung shirt ko.

Rugged Man: Sige na po, tatlong araw na akong hindi kumakain. Siopao lang po.

Ang sama ko. Hindi pa ako nahabag. Binigyan ko siya ng piso at tumuloy ako sa paglalakad. Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko. May isang cameraman at isang lalake na naka damit ng Noypi*. Yung show sa ABS CBN kung saan tinetest nila yung mga Pilipino.

Noypi Staff: So ano po ba ang feeling na lapitan ka ng isang taong gutom.
Peter: Ahh, mamaya na lang po. Nagmamadali po ako. Baka ma-late ako.
Noypi Staff: Saang paaralan ka po ba nag-aaral?

Peter: Err, ano ba dapat kong sabihin. Nakakahiya ata ginawa ko. Tutal hindi ko naman suot ang ID ko, at nasa Katipunan naman ako. Ito na lang.

Peter: Ateneow.

Tuloy tuloy ako sa pag-lalakad. Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko. Ayokong masiraan ang pangalan ng paaralan ko dahil sa akin. Haha. Nandamay pa ako ng school. Anyway, feeling ko makakarma ako sa ginawa ko. Ang sama ko kasi eh.

Bahala na ung Noypi dun. Kapag pinakita ako sa TV, ipapa-assassinate ko yung gumawa ng segment na yun. Puputulputulin ko yung katawan niya, ilalagay sa maleta at papa-agusin sa Ganges River.

Tulad ng dati, na pressure lang ako.

Kinakabahan ako dahil exam na namin sa Social Science. Bahala na si Batman. Kaya naman siya ginawa para doon eh. Sa mga taong mahilig umasa.

Peter: Nasaan na kaya si Tricia? Hmm. Quiz. 10/10 na to. Nagsunog ako ng kilay para dito. Bahala na.






5 comments:

Anonymous said...

nice nice!
pati ang Noypi ay nasama...
wahaha...
pati n rn ung ateneow... wahaha...

Anonymous said...

ung siopao wd ketchup ha. :)

Anonymous said...

more! more!

Anonymous said...

waaaaaaaa oi papa karlito kailan nxt.. hehehe oi pinag puyatan k basahin yan start ko basahin ata mga 3:30 or 3 bsta un n un ntapos k ng 5:12 ahaahha... alm na... lols... akala mo cgro d ko bbasahin m0re huh kukulitn kta sa YM cge ka... kill kta... SD kita pag wala p yan within 2days hehehe...

Anonymous said...

haha cool. ateneow.