Hindi ako panget. Oo, pero napagisip-isip ko na baka kayabangan ko lang ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko alam pero, minsan naiinggit ako sa ibang tao. Kahit na hindi sila gwapo, masaya parin sila. May kaibigan, may ka-love team, may kaaway, lahat. Kumpleto.
Teka nga, hindi naman dapat ako nagdradrama. Nang mga panahong iyon, naisip kong humingi ng tulong kay Rhayne, ang macho kong kaklase.
Sinubukan kong i-text si Rhayne para magpatulong.
Peter: [Rhayne, pde mo ba ko tlungan?]
Rhanye: [Hey pete! Sure, what's the matter?]
Peter: [pde mo b ko tlungan magpalaki ng katawan, napapangitan na kasi ako sa sarili ko..]
Rhayne: [oh cmon, thers nthing wrong w/ ur physique. bakit mo naman naisip na mag wrk out?]
Peter: [babae pare..]
Rhayne: [really? is she our classmate? woah! thats cool!]
Peter: [si patricia..]
Na-share ko na kay Rhayne ang sikreto ko. Si Patricia. Hindi ko talaga alam pero, iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko hindi ito pag-ibig. Napakabilis naman siguro noon. Pero ano ba ang alam ko, hindi ako sanay sa mga ganyang bagay.
Rhayne: [you've cme to the ryt person dude., magkita na lang tayu in school, ok?]
Peter: [thx a lot]
Next day sa classroom, wala pang tao. Maaga akong pumasok upang magkaroon kami ng oras ni Rhayne. Wala pa siya, ngunit ang sabi niya, maaga siyang pupunta upang makapagusap kami.
Rhayne: Hey pal!
Peter: Rhayne, buti naman nandito kana.
Rhayne: Kanina ka pa ba?
Peter: Hindi naman masyado, so, paano na?
Peter: Ito na, sana makatulong siya.
Rhayne: Ano ba gusto mong mangyari?
Peter: Hindi ko alam. Gusto ko siya. Ewan.
Rhayne: You see, kailangan mo lang talaga maging natural. Show her how you like her and don't be affected with what others do. Alam ko nagseselos ka kapag kasama niya si Richard. Don't be like that. Huwag mo nang isipin yung itsura mo, although its a factor, there's nothing wrong with your looks. Gwapo ka naman eh.
Peter: Gwapo ako? Patay na! Brokeback! Haha. Pero tama siya, masyado kong dinadamdam yung mga pangyayari.
Peter: So, ano dapat ang gagawin ko?
Rhayne: Be natural. Kung ano ka noon sa kanya, gawin mo parin. Its all about taking risks. Kung tatahimik ka na lang sa isang tabi, you wouldn't go anywhere.
Peter: Tama siya, hindi dapat ako magbago. Dapat bibbo kid ako lagi.
Peter: Salamat ha, siguro okay na okay love life mo, ang ayos mong mag advise eh.
Rhayne: ...
Namulat ako sa katotohanan. Dapat hindi ako sumusuko. Kung may gusto ka sa isang tao, ipakita dapat! Hindi yung pa torpe-torpe. Anak ng torpedo!
Dumating na yung ibang classmates. Social Science ang subject. At syempre, si Sir Jerome ang prof. Hindi ko alam kung ano significance niya dito sa kwento ko (kahit na sa gitna ng klase siya nag bibigay ng introduction), kasi lagi ko siyang nababanggit. Anyway, maayos naman siyang prof. Masasaya kasi yung activities sa subject na to kaya okay narin siguro siya. Pero babawi parin ako, dahil 3/10 lang ang grade ko sa una niyang quiz.
Dumating na din si Patricia Coronel.
Peter: Kinakabahan* (lub dub! lub dub!)
Peter: Tricia! Tabi tayo.
Patricia: Sure.
Peter: Umm.
Peter: Ano ba dapat kong sabihin? Wala talaga akong masabi eh. Ang kapal kapal ng mukha ko noon tapos ngayon parang putol na dila ko. Ashtray!
Patricia: So lunch tayo mamaya? :)
Rhayne: Wooo!
Peter: Huwag kang maingay Rhayne! Baka mahalata! Grrr....
Peter: Sige. Hehe, tagal na nating hindi nagsasabay eh.
Patricia: Siguro na mimiss mo na ako. :p
Peter: Oo, miss na miss na kita, kung alam mo lang. Gusto kong lagi kita kasama. Kung alam mo lang nararamdaman ko kapag nasa paligid ka. Hay! Pero sayang. Hindi ka mind reader kaya hindi mo mababasa iniisip ko. Hayy!
Peter: Hehe.
Peter: Hehe lang nasabi ko. Pambihirang sagot yan.
Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Tricia. Ang ganda niya. Kahit na hindi siya ang pinakamaganda, nag-iisa naman siya sa paningin ko. Nasa kanya ang liwanag. Minsan nga, mas gusto ko na ganito na lang. Peaceful yung scenery. Pero syempre mas okay kung nag-uusap kami. Kaya kinausap ko siya.
Peter: So, kumusta na kayo ni Richard?
Patricia: Kami? Ayun, textmates. Hehe. Kulit niya nga eh.
Peter: Ganon..
David Slater: If we had an exchange of hearts. Then you'd know why I fell apart. You'd feel the pain, when the memories start. If we had an exchange of hearts.
Peter: Textmates. Close na nga ata sila. Lagi naman ganito eh. Ako lagi yung talo. Nadedegrade na ang pagtingiin ko sa sarili ko. Sayang.
Rhayne: Uyy, Selos!
Kinurot ko yung tiyan ni Rhayne habang tawa siya ng tawa. Kanina pa siya eh! Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya na crush ko si Tricia, aasarin lang pala ako nitong animal na to eh. By the way, nang kinurot ko yung tiyan ni Rhayne, ang tigas. Macho talaga. Hahaha. Nakaka-inggit.
Dumating na si Richard Go. Papunta siya sa direksyon namin.
Patricia: Richard! Dito ka oh.
Umupo siya sa kanan ni Tricia. Bale, nasa left ko si Rhayne, tapos ako, sa right ko si Tricia, tapos si Richard.
Richard: Musta na Tricia?
Patricia: Eto, ayos naman hehe. Ikaw? Ang porma mo ngayon ah?
RIchard: Hindi naman hehe. So...
Nagkwentuhan sila. Grabe. Suaveng suave ang pagkakasalita ni Richard. Ayun, nagkwentuhan na sila. Samantalang ako, hindi ako makahirit. Dumating si Claire, pero parang malungkot siya pagkatapos niyang pumasok sa room. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang makausap, kaya lang malayo ang inupuan niya.
Peter: Ano kaya problema ni Claire. Dahil siguro hindi niya ako katabi. Joke lang. Pero ano nga kaya problema niya?
Rhayne: Ano ba talaga nararamdaman mo para kay Tricia?
Peter: Hindi ko alam.
Rhayne: So why are you acting like that?
Peter: Im not acting.
Rhayne: Bakit ka ganyan? Ilabas mo na yan, bago pa mahuli ang lahat.
Ang unang pag-ibig daw, mahirap makalimutan. Unang crush ata dapat title nito. Wala kasi akong kasiguruhan kung crush ko lang ba si Tricia, o gusto, o mahal. Kakakilala lang namin. Dahil ba pakiramdam ko na matagal na kaming magkakilala, kami na ba talaga? Dahil ba lagi ko siyang nakikita sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan, meant to be na ba kami? At dahil ba laging may love song na automatic na nagplaplay sa utak ko kahit hindi ko gusto, pag-ibig na ba ito?
Dumating na yung prof namin. Nag lesson na naman siya about love. Love. Mahirap daw i-define ang love. Hindi rin alam kung psychological o biological eklavush daw ba yung love. Pero marami ng tao ang napapahamak sa love. Marami na ang nasirang buhay ng love na yan. Maraming ng gyera ang naganap dahil sa love na yan.
Marami narin ang na impluwensyahan ng love na yan para mag sulat ang mga writers ng mga walang kwentang nobela. Take it from me. Sa mga nabasa kong nobela, yun!
Natapos na yung boring niyang lesson. As usual wala na naman akong natutunan. Puro plano ang inisip ko during those times.
Peter: Ano ba dapat kong gawin? Masyado naman kasi sigurong maaga kung mag tatapat na ako ng nararamdaman ko. Sige. Huwag na lang muna. Dahan dahan dapat.
Patricia: Peter, ang tahimik mo naman. Tara lunch na tayo. Wala na ring tao dito sa classroom oh.
Peter: Pasensya na, tara.
Habang naglalakad kami sa corridor.
Peter: Tricia, may tiwala ka ba sakin?
Patricia: Huh? Bakit?
Peter: Punta tayo sa lagoon, may ipapakita ako sayo.
Patricia: Ganon? Sige.
Lagoon, lugar yun na mapuno as in maraming trees. Lovers' nest daw ito sa UP Diliman. Niyaya ko si Tricia na pumunta doon dahil ito na yung pinaka suitable place para sa pinaplano ko. Naglakad na kami papuntang lagoon. Mejo mahangin pa ng mga oras na yun.
Peter: Bahala na.
Patricia: Umm, bakit naman sa lagoon pa?
Peter: Nasasayo naman yun Tricia eh. Kung ayaw mo, okay lang. Hindi naman kasi ito sobrang mahalaga.
Patricia: Okay lang sakin. May mga kailangan din kasi akong sabihin sayo.. Baka kasi ito rin yung tamang oras para dun..
Peter: Ano? Ano naman kaya sasabihin niya? Darn! Hindi ko alam kung ma-eexcite ako or ano. Basta, kailangan matuloy yung pina-plano ko.
Dumating na kami sa lagoon. Napakaganda ng araw. May mga ibon na humuhuni, may mga paru-paro na nagliliparan. Napaka peaceful. Hindi sobrang init ng panahon. Mas bagay siguro kung maglalagay ka ng isang mapayapang kanta. Yung pang forest, pero may pagka love song. Ayan. Mas okay nga yun. Dinala ko siya sa isang lugar na walang tao. Yung kami lang talaga.
Peter: Tricia, kailangan ko ang tiwala mo para dito. Handa ka na ba?
Patricia: ...
Peter: Tricia.
Patricia: Game, ano ba to?
Peter: Game, ito na.
--------------------------------
Wednesday, September 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

9 comments:
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!
pabitin ka!!!!!!!!!!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!
ganon talaga.. gusto ko ending nyan bitin, para lahat kayo huntingin ako ahahhaa marino ka alai...
a.k.a Sanopabe
Hay... ganda ng pagkakagawa.
ADIC NA YATA AKO SA
UPD (BAGONG source men!)
pero nakakainis lang kasi yang is --- lam mo na--- may nalalaman pang
PABITIN EFFECT!
Hintayin ko yung sunod ha!
-vien :P
shux. e2 n arf. mgbabasa nko. nbasa ko n ang scene o1. and im so interested na. whaa.
shux. e2 n arf. mgbabasa nko. nbasa ko n ang scene o1. and im so interested na. whaa.
.hehe. gnwa kong anonymous srle ko. tongax.
shiiiiiiittttttttttttttt. BITIN.
how bitin can i get??!?!?!?!?!?!?!?!?!!??!?!??! more more!!!
amfness ka karlo kaya ayaw ko na mag basa ng mga ganito ang hilig mang bitin... hay... pero enjoy sya basahin hahaha... naadik nnmn ako hahaha... amp amp amp!! mis u papa karlo XD naalala mo to /gg "bezy wezy woot woot" ay outdated n ko hahaha.. peace out - Polo ^_^
gets converted into cash or liquid capital. [url=http://www.mulberryhandbagssale.co.uk]Mulberry ooutlet sale[/url] How many times do you eat out each week? Each month? How much soda, tea and coffee does your family consume?. [url=http://www.goosecoatsale.ca]canada goose[/url] Uzwodtlyb
[url=http://www.pandorajewelryvip.co.uk]pandora Sale[/url] Uejxpuxqx http://www.officialcanadagooseparkae.com icrywevyf
Post a Comment