Ito mahirap kapag summer; mainit, maalinsangan at mabaho. Oo, mabaho, amoy lupa. Pero hindi nito mapipigilan ang pagpunta ko sa UP, dahil magpapakuha ako ng picture para sa ID.
I.D. , isang bagay na pwede mong ipagmalaki lalo na kapag sa UP ka nag-aaral. Kung pwede lang ibenta yun, tiyak, aabot ng milyon yun, dahil kailangan mo ng mahigit isang milyong piso para masuhulan yung mga nag-aayos ng test sa UPCAT. Biro lang yun ha.
At saka kapag may ID akong suot, hindi na magtatanong yung mga former classmates ko kung saan ako nag-aaral. At least, hindi na masasayang yung laway at calories nila. Iyon nga lang, hindi ko na sila magiging friends dahil sa kayabangan ko.
Pagdating ko sa UP..
Peter: Ahh, ang init! Abot singit! I hate this country! Buti na lang gwapo parin ako!
Pasensya na, nawala lang ako sa katinuan noong mga oras na yun.
Peter: Ayon sa aking mapa, ang Registrar ay malapit sa Math Building. At dahil malapit sa Math building, sasakay ako ng Toki ayon sa aking source ngunit walang jeep! Lakad na nga na lang.
Naglakad ako papunta doon sa tinuturo ng mapa. Mga 8:12 AM yun, kaya medyo hindi pa mataas ang sikat ng araw. Ayos, lakad, lakad, lakad. Napansin kong nagiging gubat na yung kapiligiran. Patay na.
Peter: Teka, bakit parang lumiliblib yung lugar? Nasaan na ba ako. Ayon sa mapa, deretsuhin ko lang ito, pero parang nasa kuta na ako ng NPA. Dedbol!
Dahil masunurin ako sa mapa, dineretso ko ang aking landas.
Peter: ....
Peter: pant* pant*
Peter: Boggaloids UP to, bakit may hideout ng terorista dito! Nasaan na ba ako? Pambihirang rural na lugar to!
Mabuti na lang, may sumalubong sakin na Toki Jeep. Sumakay ako at nagtanong.
Peter: Manong, saan po ba yung Registrar? Sabi kasi sa mapa malapit po dito.
Manong: Ah iho, patingin nga ng mapa mo?
Peter: (inabot yung mapa kay mamang drayber)
Manong: Ahh, luma na yung mapa mo. Itapon mo na yan. Inilipat na yung Registrar. Dadaan naman itong jeep dun eh, ibababa na lang kita doon.
Ayun naman pala. Luma naman pala yung mapa ko. Buti na lang dumaan si manong, kung hindi, baka tuluyan na akong kidnapin ng mga namamahay doon at gawin akong pang-alay sa Diyos.
Buti na lang walang ibang pasahero. Hindi naman masyadong na degrade yung pagkatao ko. Nakarating ako ng maluwalhati sa Registrar, kaya lang, medyo haggard itsura ko. Badtrip.
Sa Registrar, may tao doon na nag bibigay ng index card. Pina fill up-an sakin at pinapila ako. Ayos, parang enrollment lang. Kaya lang mas malamig ng konti dahil open yung lugar. Salamat sa Diyos.
Peter: Holy Moley! Sa dami ng pwede kong makalimutan, ballpen pa! Hmm, dalawang babae pa ang katabi ko. Nakakahiya naman kung manghihiram ako. May pride ako! Pride! Bakit naman ako manghihiram? Ako hihiram? No Way!
Peter: Excuse me, pwedeng pahiram ng ballpen? Sandali lang, bibilisan ko sulat.
Freshiegirl: Ito, may extra ako.
Peter: Salamat ha! :)
Peter: Akala ko ba pride? Bakit ako nanghiram! Kung sabagay, wala ng hiyahiya ngayon! One cannot live on bread alone. Ay mali. No man is an island pala. Kailangan natin ang isa't isa para mag survive!
Freshiegirl: Anong course mo?
Peter: Ahh, Computer Engineering. Hehe, ikaw?
Freshiegirl: Chemical Engineering. Pareho pala tayu ng college eh.
Peter: Oo nga eh, umm, ito na pala yung ballpen. Salamat talaga ha, hindi ko naman akalaing may fifill up-an dito.
Freshiegirl: Wala yun, hehe :)
O ayan, ngayon alam niyo na course ko. Computer Engineering ako sa UP. Binalik ko na yung ballpen at naghintay sa pila.
Peter: ....
Peter: ???
Peter: !!!!!
Peter: Siya yung babae kahapon sa orientation ah?
May natanaw akong babae.
Nakita ko ulit yung babae sa FOP. Yung naka white shirt at blue jeans, mahaba at straight ang buhok. Cute. Unti-unting nag zoom yung paningin ko sa kanya na parang camera. Nandoon siya sa may pabilog na upuan, na may puno. May kasama siya, friends niya ata. Naka green shirt siya at naka jeans parin. Maayos siyang manamit, hindi katulad nung iba na masyadong daring.
Bumagal na naman yung galaw ng mga nasa paligid ko. Slow Motion.
Kung tatanungin niyo yung background music, intro ng King and Queen of Hearts ni David Pomeranz. Tulad ng sinabi ko noon, search niyo na lang sa Limewire o Youtube kung hindi niyo alam yung tunog.
Peter: Grabe. Hindi ako nagkakamali na siya yun. Bakit ba lagi ko siyang nakikita? Ano ba meron sa kanya? Destiny? Lovers forever? Best chums? O baka naman may kamukha siya kaya mukang pamilyar. Sino kaya?
Peter: Katie Holmes? Hmm malabo. Katrina Halili? Sexy masyado. Kim Chiu? Siguro. Evanna Lynch? Blonde yun eh. Diego? Hindi! Siyempre hindi, lalake yun eh. San Cai? Medyo, pero hindi rin masyado. Mali, wala pala siyang kamukha. Unique ang itsura niya at napakabait. Sana mabait din siya. Siguro hindi dahil may kamukha siya. Chamba nga lang siguro na makita ko siya hanggang dito. Pero, kapag nagkita ulit tayo, ewan ko lang. Baka nga nandiyan ka para multuhin ako. Huwag naman sana.Takot ako sa mumu eh.
Manong: Pasok ka na sa loob. Pipicturan kana.
Peter: Sige po.
Pag pasok ko sa loob, hiningi sakin yung Form-5 at yung receipt. Pinaupo niya ako doon sa harap ng camera.
Photographer: Ngiti ka!
Peter: Ngiti ako! Malamang! Alangan namang umiyak ako. Teka teka! Bakit may mga nanonood saking grupo ng kababaihan. Sandali lang, paalisin mo muna sila! Huwag!
CLICK!
Peter: Anak ni Hestas! Hindi ako nakangiti! Tumatawa pa yung mga babaeng yun. Nakaka conscious kasi.
Hindi maganda ang naging resulta ng pagkuha sakin ng litrato. Para akong nakakita ng Alien na kamukha ni Kokey dahil sa itsura ko sa ID. Wala ng bawian. Nakapirma na ako bago ko ma-realize na biktima pala ako ng kawalan ng hustisya sa pagkuha ng picture sa ID.
Sabi pa sakin ng photographer, hanggang sa grumadweyt daw ako, yun na yung ID ko.
Bulldog!!
Umuwi akong may bakas ng kalungkutan sa mukha.
Sunday, August 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
Nice one! :)))))
Post a Comment