Sunday, August 26, 2007

Scene 3: Freshmen Orientation Program

Nagsimula na yung FOP namin. Dalawang kolokoy lang naman yung MC ng program. Masyado nilang inemphasize yung pagiging UP student namin, parang pinapataas yung tingin sa sarili namin. Pero ayos naman, hindi naman masyadong mayabang yung paraan, may konti nga lang.

MC1: Dalawa lang ang university sa Pilipinas! U.P and....
All (maliban sakin): OTHERS!!

Sabay palakpakan yung mga uto-utong freshie.

Peter: Pambihirang mga bata to, ang yayabang. Tatagal naman ba kayo sa UP? Hahaha.Asa!

Matapos yun, pinapanood samin yung video tungkol sa buhay UP. At dahil sa interisado ako sa topic at cute ako, pinanood ko yung video.

Paolo: Pete, 8:00, yung naka-orange na shirt. Score? (direksyon yung 8:00)
Peter: Huwag kang magulo, pinapanood ko yung video. Palibhasa kasi puro babae iniisip mo. Tingnan mo na lang yung girl sa video, chicks!
Paolo: Kunwari ka pa. Tingnan mo lang bilis! Malay mo kaklase pala natin.
Peter: Pambihirang tao to, wala ng ginawa kundi mag hunting. Hunter ka ba?

Napilitan ako na sundin yung hayop na yun. Tumingin ako sa kaliwa para tingnan yung naka-orange na shirt. Pero hindi yun ang tumawag ng aking pansin.

Peter: Teka, parang pamilyar yung naka white shirt at blue jeans na girl ah. Saan ko ba ito nakita noon? Sa review center? Sa interaction? Hindi. Hindi ako sigurado. Arghh! Hindi ko talaga maalala, pero parang matagal ko na siyang kakilala. Badtrip.

Pamilyar talaga yung babaeng yun. Hindi naman siya sobrang ganda, maganda lang. At totoo ito, tumunog sa isip ko yung intro ng kantang True ng Spandau Ballet. Search niyo na lang sa youtube o limewire kung hindi niyo alam yung kanta. Naging slow motion din yung nasa paligid ko. Parang Matrix.

Hindi ko alam kung saan, kailan at paano siya naging pamilyar sakin. Misteryo. Mahaba at tuwid ang buhok niya, cute, at medyo slim. Hindi ako sigurado kung sino ang mas matangkad samin, naka-upo kasi eh, kaya hindi ko matantya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako noong nakita ko siya imbis na matuwa. Baka naman mumu. Bahala na. Hindi ko narin tiningnan yung naka-orange na shirt.

Paolo: Ano? Score dali! Baka tugma tayo ng taste hehe.
Peter: 10, at tumahimik kana. Makinig na lang tayo, enjoy naman yung video eh.
Paolo: Naks, good boy effect ka pa jan! Are you true?
Peter: Anong are you true? Baka naman Is that for real?
Paolo: Ul*l !!

Naging maayos naman yung takbo ng program. Puro kalokohan ang ginagawa ng mga MC. Minsan nagpapatawa sila, minsan tinatawanan nila yung mga nagperform. Ay oo, may nag perform na choir. Ang galing nila. Boses nila ang instrumento nila. Idol. Kaya lang ginawa rin silang katatawanan ng mga MC. Abnormal.

Nangyari ang hindi inaasahan. Brownout!
Nagsimulang umalulong yung mga freshie na nasa paligid ko. Parang mga batang hindi sanay sa dilim. Mga noob. Pansin mo rin yung mga hindi talaga pumunta sa FOP para makinig, kundi para lang mag text at makinig ng music sa MP3 players nila. Pag patay kasi ng ilaw, ang daming naka ilaw na cellphones at players.

Peter: Holy Smokes!
Paolo: Holy Cow!
Peter: Paano yan? Edi iinit na dito? Kulob pa naman to.
Paolo: Malamang, brownout eh! Pero huwag ka mag-alala, may generator naman to eh

Peter: Generator? UP? Haha, low budget itong school na ito. Pambihirang buhay to.

Peter: Ano na kaya gagawin ng mga bopols nating MC?
Paolo: Hindi ko alam, pakamatay na lang sila.

Patay na. Unti-unting umiinit sa kwarto na yun. Nararamdaman ko na yung init, init sa katawan. Tumutulo na pawis ko. Grabeng school to, pag nasa labas mainit. Kapag nasa loob mainit parin. Mahal pa ng tuition! Hopia!
Binuksan nila yung pinto sa gilid para lumamig ng konti. At guess what? Megaphone yung gamit ng mga MC at itinuloy parin nila yung segment ng Wowowee. Hayop sa diskarte! Sana pinauwi na lang kami, pinasalamatan pa namin sila at pagpapalain pa sila ng Diyos.

Nagpatuloy yung program. Napansin ko na madaming freshie na ginamit yung envelop nilang may nakasulat na "MABUHAY KA ISKOLAR NG BAYAN" na ipaypay sa sarili nila. Kawawang UP. Yung iba naman, hindi na nakikinig sa megaphone voice ng mga MC. Kanya-kanyang trip. Yung iba may ka text, yung iba nakikinig sa iPod. At yung iba, tulog.

Matapos ang isang dekada, nagkaroon na ng kuryente. Thank God! At syempre, naghiyawan naman yung mga freshie. Doon ko napatunayan na mas gusto nilang magkakuryente kaysa makinig sa FOP. Ayos! Hindi na mainit at makakatulog na ko ng mahimbing. Boring na kasi yung speeches ng mga dean ba yun.

MC2: Okay! So mga freshie, gusto niyo bang makasama sa pagcheer ang UP PEP SQUAD?
Freshies: OoopooooOoo! (parang grade 2)

Drum: TUG TIK TUG TIK! TUG TIK TUG TIK!
UP Pep Squad: Uh! NIBERSIDAD NG PILIPINAS ! Uh! NIBERSIDAD NG PILIPINAS!
Uh! NIBERSIDAD NG PILIPINAS! Uh! NIBERSIDAD NG PILIPINAS! Maaaaahhtatapang! Matatalino! Waaaaahlang takot! Kahit kanino! Di - Kami - Magpapahuli ! Ganyan kaming! Mga taga U-P!

Freshies: Wooo! (pumapalakpak kasabay nung drums)

Ayun, pinatayo kami at tinuruan kung pano mag cheer. Nung una masaya, kasi mejo lively yung cheer. Pero napansin namin na pakorny ng pakorny yung cheer. Tipong gusto na namin lahat umuwi, pero hindi pa, kasi hindi pa nakikita yung iba pang cheer. Grabe, bored na bored na ako. Ewan ko lang yung mga freshie kong ka batch. Mukang enjoy sila sa boring na cheer.

Matapos nun, wala ng masyadong mahalagang bagay ang nangyari. Sabay kaming umuwi ni Paolo dahil pareho lang naman ang dinadaanan namin. Pero iniisip ko parin yung babaeng nakita ko nung FOP habang nakasakay kami ni Paolo sa jeep.

Peter: Hindi ko talaga maisip kung sino yung babaeng yun. Baka naman kabiyak ko? Haha! Biro lang. Pero, hindi ko talaga alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Magiging parte kaya siya ng buhay ko? Bahala na.

Paolo: Sige Pete, bababa na ako.
Peter: Ingat!
Paolo: Love you!
Peter: Sipain kita dyan eh!

At natapos ang isang walang kabuluhang araw. Hindi ko pa maalis sa isip ko yung babae na yun, at yung megaphone.









1 comment:

alai said...

huwaaaaaaaat!!
hahaha.mai labtim na!
hahaha.=))