Saturday, August 25, 2007

Scene 2: Pre-Freshmen Orientation Program

Handang-handa na ako pumunta sa U.P. Diliman. Syempre, orientation yun eh. Tuturuan at tutulungan kami kung paano mamuhay sa loob ng napakalaki at napakalawak na paaralan. Syempre, maaari rin akong makakita ng mga posible kong maging kaklase. By department kasi yung orientation eh. At dahil sa lalaki ako (at gwapo), hindi rin mawawala na maghunting ako ng chicks (at ako ang huntingin).

Peter:
Malas naman, puno lahat ng jeep papuntang Cubao, Ashtray!!
Barker: Cubao ! Cubao! Aurora! Sakay na !
(kung paano pumutok ang isang machine gun, ganon siya mag salita) apat pa apat pa! Konting ayos lang! Sakay na pogi! Lalarga na!
Peter:
Alam kong pogi ako, makasakay na nga. Baka ma-late pa ako sa orientation. Pero hindi, hindi naman siguro ako ma-lalate. Kung sabagay, sa Economics Building lang naman yun.

At pagsakay ko ng jeep...

Jumbo Bass: BOOM SHIK BOOM, BOOM SHIK! BOOM SHIK BOOM, BOOM SHIK!
Andrew E: HUMANAP KA NG PANGET! HUMANAP KA NG PANGET AT IBIGIN MO NG TUNAY!

Ayos si manong! May libreng disco sa kanyang pampasaherong jeep. Bullshit.
Mabuti na lang, hindi nagsinungaling yung barker sa upuan. Nakaupo naman ako ng maayos at nakasandal ng kumportable. Hindi lang makapagpahinga puso ko ng maayos.
Sa awa ng Diyos, hindi pa naman basag mga eardrums ko. Matino pa naman ako at hindi ko pa kamukha si Andrew E. Nakarating ako ng Katipunan, nakasakay ulit, at nakarating sa Economics Building.

Peter:
Ayos, ang daming tao. Puro mga baguhan sa U.P. Niyahahaha!! Mga Freshmen! Not bad, may mga chicks din at mga gwaping na gaya ko. Hmm, si Paolo yun ah.

Si Paolo Pascual, kaklase ko siya noong High School. Kasama ko lagi ito sa kalokohan, tawanan at kulitan. Pero smart din to, kaya nga siya nakapasa sa UPCAT eh. Gwapo rin na kagaya ko. Minsan lang umaarte na bobo, pero ayos, komedyante naman.

Peter: Ayos ah, excited ka sa orientation no?
Paolo: Napaaga nga ako eh. Buti dumating ka, may katabi ako na kakilala ko. Tara pasok na tayo. Baka maubusan tayo ng upuan.

Pagpasok namin sa may theater, natuwa kami. Ang laki at mejo bago yung kwarto. Hindi ko inakalang may ganito ang U.P. , dahil ang balita ko, bulok daw equipments dito. Anyway, nakahanap kami ng bakanteng upuan sa 3rd row mula sa harap, right side.

Paolo: Pete, tingnan mo yung nasa harap natin.
Peter: Yung naka black ba?
Paolo: Oo, number?
Peter: Hmm, 7, ikaw?
Paolo: Sige pwede na yan, 7 :D

Iyang number na yan. Score yan, kung maganda o hindi kagandahan yung babae o lalake. Out of 10 yan. Trip lang namin, pero nothing personal.

Peter: Kausapin na natin? Diba kakapalan na natin ang mukha natin?
Paolo: Ano ka ba? Orientation to, hindi dating contest. Tara, search pa tayo hehe.
Peter: Walang mangyayari satin kung puro search, dapat may destroy! Hahaha!
Paolo: Destroy? Labo mo, are you drugs?
Peter: Me? Im no drugs! Im a Boy!
Paolo: Hahaha!
Peter: Hahaha!
Paolo: Why boy?

Peter:
Ano ba isasagot ko dito. Patay na, tinopak na ang kaibigan ko. Kaya ako nabobo sa english eh.

Peter: Yes!
Paolo: Hahahaha!!
Peter: Ngiyahaha, para tayung hindi taga U.P. Umayos ka hayop ka!
Paolo: Hahaha! Hahaha! Ayoo.. ko.. naaa hahahahaha! (hinihingal na)

Ito walang biro. Parang mamamatay na talaga siya sa kakatawa. Hindi ko alam kung bakit siya ganon. Nagmamakaawa na siya na huwag ko na daw ituloy yung conversation namin. Kita ko talaga, tumutulo na sipon niya. Kita ko narin esophagus niya, pambihira. Kawawang bata.

Maya maya lang ay nagsimula na ang Freshmen Orientation Program.










1 comment:

Anonymous said...

aus ah... better than the first part by a mile...