Peter: Ang init naman dito. Sabi na eh, dapat sa De La Salle University na lang ako eh. Balita ko, air-conditioned mga kwarto dun. Sayang talaga, nandoon pa naman si Cyrus, everyday gimmick sana. Pero anong magagawa ko, mas malapit sa Pasig ang UP Diliman kaysa DLSU, mas mura pa. Saka, conyo mga tao dun, hindi ako bagay.
Ako nga pala si Peter Ocampo at malamang sa malamang, ako ang bida dito. Alam ko napansin mo na parang hawig ni "Diether Ocampo" yung pangalan ko, pero wala siyang kinalaman sa pagpapangalan sakin ng magulang ko. Hindi ko na lang sasabihin kung saang mataas na paaralan ako nanggaling, basta ang alam ko at ang alam niyo sa ngayun, mag-aaral ako ng UPD.
Peter: Problema talaga oh! Pila, init, pawis, pera at mga staff. Ganito ba talaga dito? Buti na lang ako na ang susunod. Bakit kaya ang iinit ng dugo ng mga staff? Parang silang kumakain ng mga buhay na freshie..
Peter: Ito po yung F-137, at F-138 at yung recommendation po.
Staff: ....
Peter: Tagal, nagluluksa ka ba?
Staff: ....
After 32 seconds (sakto yan)
Staff: Sagutin mo na lang itong Form 5. Carbon paper yan, kaya yung pahina sa harapan na lang ang sulatan mo. Hanap ka na lang ng pwesto jan.
Matapos nun, madali akong naghanap ng pwesto. Bale, madaming tables at upuan. Ang problema, madaming naka-upo. Buti na lang may bakante akong nakita. Doon na lang ako umupo.
Peter: Excuse me, pwedeng maki-upo?
Freshiegirl: Sige okay lang (sabay ngiti) :D
Peter: :D
Peter: Patay na! Chicks! Okey sa olrayt!
Ito pinaghandaan ko talaga ito eh. Sinabi ko sa sarili na magbabago na ako pagdating ng College. Hindi na ko magiging mahiyain. Tapos na yung silent type mode. Kailangan dito kakapalan ng mukha. Yun eh, paniniwala ko lang naman. Kung sabagay, ano kung mapahiya ako, kilala ba nila ako?
Bale ayun, habang sinasagutan ko yung Form 5...
Ate: Uy freshie! Carbon papers yan, kaya pantayin mo na lang yung tatlong papel. At saka yung Country of Citizenship, Philippines, hindi Filipino
Freshiegirl: hihihi (giggle)
Peter: Anak ni Adan! Oo nga no? Grabe naman kasi enrollment dito sa UP, parang quiz! Pahiya ako doon ah
Peter: Oo nga pala! (sabay takip sa mukha) Sorry !!
Buti na lang mejo pantay pa yung carbon papers, at sakto naman sa mga blank yung mga sinulat ko. Dun lang talaga sa citizenship ako sumablay. Malas.
Sinulyapan ko yung papel ni Freshiegirl (kasi hindi ko alam yung pangalan) kung nasaan na siya sa pagsagot.
Peter: Anak ng Tokwa! Tatawa-tawa pa siya kanina ah? Eh FILIPINO din naman yung nilagay niya sa country's citizen ba yun. Hayop! Maganda ka pa naman!
Pero dahil mabait ako at gwapo, hindi ko siya binalak asarin, sa halip ay iwawasto ko sana ang kanyang kamali an nang biglang..
Freshiegirl: Sige, mauna na ako. Pipila na ako sa pag papaenlist :D (oo may ngiti pa siya noon)
Peter: Sige!
Peter: Nyemas! Pababalikin ka ng staff dun dahil sa citi.. country.. countryship.. basta yung bansa. Kala mo ha.
Matapos noon, tinuloy ko na ang pagsagot. Nakapila naman ako agad at nakapag-enlist ng subjects. 1:23 PM na akong natapos. Legal na kong mag-aaral sa UP. Kahit mainit, tapos na din sa wakas. Hinintay na ko ni mommy sa labas ng Melchor Hall. Deretso na kaming umuwi.
Thursday, August 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

4 comments:
waaaaaaa!!haha.ankyuuut!^^
nakakatuwa naman!!=)
wenks :D
arf.! add mo ako sa blogspot, angelrhayne.blogspot.com^^, nice intro^^
kuya raf, ayus toh ah..! XD
Post a Comment