Sunday, November 11, 2007

Scene 17: Mommy Returns

Umuwi akong nakangiti. Pero huwag niyo namang isipin na nakangiti ako buong magdamag. Siyempre, nakangiti ako pero hindi yung abot tenga. Yung mukhang masaya lang, hindi yung mukhang tanga.

Nakauwi ako sa bahay. Medyo madilim na, traffic sa Katipunan (As usual). Ngunit kahit ganon, hindi nito masisira ang araw ko. Halikan ka ba naman ng ka love-team mo eh. Try mo.

1 Message Received

Cyrus: [Msta na bro?]

Peter: Wow si Cyrus! Ang tagal din niyang hindi nagparamdam ha.

Si Cyrus. Kung nakalimutan niyo na kung sino siya, siya yung kaibigan ko na naging kaklase ko noong high school. Naintroduce na siya noon sa Scene 1 at mas ipinakilala pa sa Scene 9.
Anyway..

Peter: [Ayos na ayos pare..]
Cyrus: [Ikaw ha, may nangyayari sayong maganda, hindi mo kinekwento sakin...]
Peter: [O bakit? Sasabihin ko naman sayo eh, kaya lng iniisip ko kng bc ka..]
Cyrus: [Ganyan ka na, may bago ka lang set of friends,.. baka nga may girlfriend kna, tapos hindi mo kinekwento sakin..]

Peter: Drama!

Peter: [ito na nga kwekwento ko na eh.. mall tayo bukas, kwentuhan tayo..]
Cyrus: [ge, libre mo ha..]
Peter: [!@$#@!]

Peter: Hmm.. Hindi pa rin nagtetext si Tricia. Ma-text nga.

Peter: [Good evening Tricia!]


...
...
...

1 Message Received

Alam ko napansin niyo na wala na yung "Tunk tunk" na sound effects. Naka silent mode kasi yung cellphone ko. Okay?

Cyrus: [Bukas ha, libre!]

Peter: Akala ko naman si Tricia na. Sigh*


....
....
....

Mommy: Peter.
Peter: Po?
Mommy: Nakita ko tong resibo na to sa kwarto mo. Ayos ah. Stuff toy!
Peter: Arghh.
Mommy: Kanino mo to binigay?
Peter: ....
Mommy: Baka naman doon kay Paulina ba yun. Uyyy!!
Peter: Patricia, hindi Paulina.
Mommy: Edi sinabi mo rin.

Peter: Bakit ba lagi na lang ako talo sa nanay ko? Anak ni Snorlax naman oh.

Mommy: Sana, sinabi mo sakin. Edi binilhan kita ng flowers. Madami akong alam diyan na shop. Kahit libre ko pa ayos lang. Kaysa naman sa stuff toy, masyadong common. Ewww..!

Ewan ko ha, hindi naman psychologist ang nanay ko, pero ang dami niyang nalalaman sakin. Galing.
Buti na lang tinigilan na ako ng nanay ko. May dumating kasing bisita. Nakatakas ako at umakyat sa kwarto ko upang matulog.

Chineck ko yung cellphone ko. Walang text mula kay Tricia.

Peter: Hay, bakit kaya hindi siya nagreply? Siguro wala siyang load. Siguro iniisip niya na iniisip ko na gusto niya ako pero iniisip niya na dapat isipin ko na hindi, kaya hindi siya nag reply.

Ano daw?
Nosebleed*

Peter: Tricia..
Patricia: Uy, hihi.
Peter: Kumusta na yung stuff toy na binigay ko sayo?
Patricia: Ito, ang takaw takaw niya nga eh, kaya ang taba-taba, hehe.
Peter: Talaga? Ang cute naman!Parang ikaw.
Patricia: Hinahanap niya nga daddy niya eh.
Peter: Ganon ba? Sige dalaw ako sa inyo.
Patricia: Tara!

Sabay hila sa kamay ko papuntang bahay nila.




Mommy: Anak..
Peter: Ummm.. ?
Mommy: 5:00 na, gumising ka na.

Peter: Urk! Malapit na ako sa bahay nila eh... ummm

Bumaba ako upang kumain ng almusal. Naligo, nagbihis at umalis ng bahay.
Ang bilis kong nakasakay ng jeep papuntang school. Ayos! Wala pang traffic! Nakakapagtaka, pero bakit pa ako magrereklamo kung ganito naman diba?

1 Message Received


Cyrus: [Anong oras tayo magkikita sa Trinoma?]

Peter: !!!
Peter: Sabado ngayon! Anak naman ng Gatorade itong si Mommy!

Imbis na dumerecho ng school, dumerecho ako ng Trinoma kahit sarado pa. 7:00 AM pa lang, kaya tatlong oras akong maghihintay.

Peter: [10:00 sa Trinoma, hulaan mo kung nasaan ako?]
Cyrus: [Ge, hmm.. Trinoma?]
Peter: [Galing mo pare. :c]
Cyrus: [haha, excited kang makita ako ah?]

Ayon, magdamag akong nakatunganga. Kasalanan to ni Inay, hindi sana ako nagdurusa ngayon. Argh!

1 Message Received (Naks, puro text ngayon sa scene na to ah?)

Patricia: [uy pete pasensya na, ngayon lang ako nagkaload.]

Peter: Awww... :)

Peter: [Akala ko nga, galit ka sakin eh.. Kasi alam ko, hindi ka nauubusan ng load...:( ]
Patricia: [Bakit naman ako magagalit sayo? hehe. kaw talaga..]
Peter: [bkit na nmn ako?]
Patricia: [wala lang, hehe..]
Peter: [gnon?]

Nagumpisa na naman ako. Tama sila. Ang boring kong ka text. Ganyan kasi ako mag text (Kita niyo naman diba?). Pero ayos na rin. At least may nagtitiis sakin.. :)


Patricia: [Sana mag Monday na, para magkasama tayo. <3>


Gustuhin ko mang mag monday na, Saturday pa lang. Marami pang maaaring mangyari sa dalawang araw.

Kayo? Gusto niyo na ba mag-monday?





--------------------------













Tuesday, October 16, 2007

Scene 16: Romansa

Actually, wala naman talaga akong maitim na plano eh. Kunwari lang yung mga kinwento ko noon sa Scene 15.

Anyway, itutuloy ko na. Baka kasi kalimutan niyo na itong storyang ito (dahil nalipasan na ng panahon).


So ayun nga, nakarating na kami sa Beach House. As usual, may mga tao doon. Naghanap muna kami ng pwesto na uupuan.

Beach House. Huwag niyong isipin na parang nasa beach yung setting dito, kung hindi, nagkakamali ka. Mukha itong kainan sa labas ng bahay. Well, para ka lang nasa gubat. Kasama mo yung mga langgam sa pagkain, bulati, gagamba at pusa.

Oo, madaming pusa dito. Kung sanay ka sa mga pusa na umaalis kapag nakakita ng tao, dito, huwag ka! Mismong mga pusa ang lumalapit sayo.


Tama na nga yung pusa, basta imaginin niyo na lang, kainan sa labas ng bahay, na parang gubat. Uso nga pala dito yung raining ants, kasi magugulat ka na lang, may langgam na sa barbecue mo.

Patricia: Upo na lang tayo dito.
Peter: Doon na lang sa ilalim ng puno, para hindi mainit.

Peter: Dahil ako ang magpapainit sayo ngiyahahaha! Joke time!

Patricia: Sure. :)

Ayan, naka-upo na kami.

Peter: Umorder ka na, babantayan ko na lang yung bag natin.
Patricia: Sabay na kaya tayo, wala namang kukuha niyan eh.
Peter: Sige na nga.

Iniwan namin yung bag doon sa may table. Ayos, parang habang tumatagal, gumaganda si Tricia. Is this love? Patay na. Love na naman. Ewan ko ba, nakakalito talaga ang pag-ibig.

Oo nga pala, linawin ko lang. Naalala niyo ba yung sinabi ko sa panaginip ko sa Scene 14 na:

"Ayoko ng maulit sakin yun. Ilang luha na ang nasasayang ko noon"

Ewan ko kung saan nanggaling yan. Hindi pa naman ako na iinlove noon eh. Kung saka-sakali nga, si Tricia ang unang pag-ibig ko. Naks, may pag-ibig pang nalalaman. Corny. Anyway, kakaiba talaga mga panaginip. Akala mo totoo at tama habang nananaginip ka pero pag gising mo, malalaman mo na hindi pala. Mga panaginip talaga.

So ayun nga, nakabili na kami ng pagkain. Nagulat ako kasi ang daming binili ni Tricia. Dalawang kanin (hindi butil ha, huwag pilosopo!) tapos tatlong barbecue. Hala! Baka tumaba pa siya. Pero ayos lang, mas cute siya kapag ganun. Hay.

Habang bumibili ng pagkain.

Peter: Holy Rice, ang dami mong inorder ah.
Patricia: Hehe, hindi naman, gutom lang talaga ako.
Peter: Paano yan, baka mas lumakas ka pa sakin.
Patricia: Ano akala mo sakin, amazona? :p
Peter: Hindi naman. Haha.
Patricia: Hehe, kumain ka kasi ng marami, para tumaba ka naman. Ang payat payat mo kasi eh.
Peter: Mas bagay ba sakin kapag mataba ako?
Patricia: Ewan.

Peter: Hmm, noong kasabay ko siya maglunch, hindi naman ganyan kadami yung binili niya. Bakit kaya? Siguro tactics yun. Haha. Marino. Madami siyang binili para matagal kaming makapag-usap. Hahaha! Feeling ko naman. Nagfefeeling na naman ako na gwapo. Haha.

Patricia: Feeling mo naman mas gwagwapo ka kapag tumaba ka. Haha. Joke lang.

Peter: Wah! Nagdududa na talaga ako. Bakit parang related sa mga iniisip ko yung mga sinasabi niya. Noong una doon sa quiz. Nalaman niyang na pressure lang ako. Tapos ngayon. Over!

Peter: Inaaway mo na ako ngayon :(
Patricia: Biro lang, pogi ka naman eh. :)
Peter: Bolera!
Patricia: Hehe.

Pagkatapos nun, pumunta na kami sa aming pwesto at nagsimulang kumain.

Wait lang.

Bago niyo ituloy ang pagbabasa, may kailangan muna kayong gawin. Kung mabilis ang internet niyo, at wala pa kayo ng kantang ito, idownload niyo muna. Til I Found You - Freestyle. Requirement yan ha. I-play niyo muna bago niyo ituloy ang pagbabasa. Gusto niyo sa imeem or limewire niyo kunin. Hindi niyo kasi mararamdaman yung conversation namin ng ka love team ko kapag hindi naka play yan. Okay?

PLAY SONG




Huwag mandaya! I play mo na yung song. Pero kung wala talaga at hindi kayo makapagdownload, sige na nga. Basahin niyo na.


Peter: Buti naman na solo kita ngayon.
Patricia: :)
Peter: Noon kasi, kasama mo yung mga friends mo. Tapos yung pumunta tayo sa lagoon, hindi tayo natuloy.
Patricia: Oo nga eh. *kain ng kain* (takaw, kaing amazona haha)
Peter: Hehe.

Ewan ko, nakatingin lang ako sa kanya magdamag. Hindi ako makakain. Ewan. Susubo na nga ako. Baka maunahan pa niya ako eh.

Patricia: Bakit ka nakatitig sakin? May problema ba?
Peter: ....
Peter: Ang ganda kasi ng mga mata mo eh.
Patricia: Ngee, ikaw ha.
Peter: Anong ako?
Patricia: Wala, hehe. Salamat.
Peter: Saan?
Patricia: Sa lahat. Isama mo na doon yung bola mo.
Peter: Hindi ako nambobola ha. Bola ka ba?
Patricia: Ngeeeeeeh. Ang corny.

Magmura ka my dear reader kung gusto mo. Alam kong saksakan ako ng corny.

Peter: Pero ayun nga, maganda talaga mga mata mo. :)
Patricia: Ano ba yan, na coconscious tuloy ako. >.<

1 Message Received

Peter: Wait lang ha, may nag text.

Paolo: [Lol! klan ka pa nainlab? hAhahAhaHa! Ang c0rny mOh! HaHahah!]

Peter: Hayop to ah. Nandito ba si Paolo sa Beach House?

Hinanap ko si Paolo sa paligid. Ayun! Nandoon pala yung milipede na yun. May kasamang dalawang lalake.

Peter: [wag ka ng mkialam, at list bbae kasma kow. kw nga, lalke eh. hahah! brkback]
Paolo: [*censored*]

Patricia: Oh, bakit ka nakangiti?
Peter: Ah wala, nag joke kasi yung fweind ko, este friend.

Peter: Isa kasi siyang malaking joke.

Patricia: Okay!

Tuloy ang pagkain namin.

Peter: Tricia, matanong ko lang. May boyfriend ka na ba?
Patricia: Bakit mo naman natanong?
Peter: Wala lang, tagal na nating magkasama pero hindi mo pa sakin na kwekwento yun.
Patricia: Wala akong boyfriend no.

Peter: Pwede. Hehe :p

Peter: Pero may mga nanligaw na sayo noon?
Patricia: Oo naman. Madami, kaya lang wala akong nagustuhan sa kanila eh. Siguro busy rin ako para mag boyfriend.
Peter: Ganon.
Patricia: Ikaw?
Peter: Wala pa. Hehe.
Patricia: Wow. Pareho pala tayong single. :)

Peter: Kaya nga pwede tayo eh. Hehehe.

Peter: Bakit wala kang sinagot sa mga manliligaw mo? Ano ba gusto mo sa isang lalake?
Patricia: Wala naman talagang criteria. Yung pakiramdam ko lang na magiging tapat sakin. Yun lang hehe. Corny naman ng pinag-uusapan natin. Hehe. Bakit ikaw? Ano ba gusto mo sa girl at wala ka pang nililigawan?
Peter: Ikaw.
Patricia: Anong ako?
Peter: Gusto ko yung katulad mo. Hehe.

Ayan patay na. Bumanat na talaga ako. Haha. Hindi na panaginip to. Take note, kinurot ko sarili ko kanina (at si Tricia) so hindi ito parang telenovela na panaginip na lang lahat!

Patricia: Bolero ka talaga.
Peter: Totoo yun.
Patricia: Hehe..
Peter: :)

Natahimik na naman kami. Pambihira.

Patricia: ....
Peter: ....
Patricia: Nga pala, kanina mo pa hawak yang stuff toy na yan. Para saan ba yan?

Peter: Stuff toy? Oo nga no. Ang tanga ko talaga. Kanina ko pa pala hawak tong stuff toy na to. Sa sobrang makakalimutin ko, pati hawak ko, nakalimutan ko. Haha. Bobo ko talaga.

Peter: Ah ito ba. Hawak ko to kasi hindi kasya sa bag ko eh. Palagay naman sa bag mo. Ang laki kasi ng bag mo eh haha.
Patricia: Ngeeee. :)
Peter: Amazona!
Patricia: Bakit mo ko inaasar. Inaaway mo na ako ngayon. :( (yung pabirong lungkot, haha. Ang cute niya :) )
Peter: Laki kasi ng bag mo eh.
Patricia: Sige na, payat ka na.

Basta, madami pa kaming pinag-usapan. Sa amin na lang yun. Syempre, hindi ko naman pwede ikwento lahat, edi naubos na lahat ng secrets ko. Oo nga pala, effectitve yung ginawa niya. Yung madaming pagkain, matagal niya kasing naubos, at matagal kaming nag-usap. Marino. Haha.

Ang saya. Bumalik na kami para sa last subject namin. Hindi nga ako makapagconcentrate kasi iniisip ko yung mga nangyari kanina sa lunch. Hay. Anghel talaga siya. Sorry ha. Alam kong overused na yung salitang anghel. Knowing na mga lalake talaga ang mga anghel (Brokeback!). Pero sa tingin ko, yun lang talaga yung word na makakapag describe sa kanya.

After nung subject na yun, syempre uwian na. Kaya nga last subject eh.

Peter: Tricia..
Patricia: Uy, uwi ka na?
Peter: Oo hehe.
Patricia: Baka makalimutan mo yung pinalagay mo sa bag ko na stuff toy. Ito, kunin mo na.
Peter: Umm. Mas bagay kasi na nasa bag mo yan. Kaya diyan na lang yan okay?
Patricia: Wah. Anong ibig mong sabihin?
Peter: Happy Birthday.

Haha, lubos lubusin ko na. Birthday kasi niya nung araw na yun. Niresearch ko talaga yun. Buti na lang, kasi kung hindi, baka lumampas pa yung pagkakataong ito.

Patricia: Aww, salamat talaga. Hindi ko naman sinasabi kahit kanino yung birthday ko ah. Ikaw ha.
Peter: A bird told me.

Oo isa pa yan. Corny talaga ako.

Peter: Sige Tricia, mag-ingat ka.
Patricia: Salamat talaga ha. Paano pa kaya kung wala ka, ang boring siguro ng buhay ko sa UP.
Peter: Bolera ka talaga.
Patricia: Ikaw nga yun eh.
Peter: Sige bye!

Peter: Akala ko pa naman yayakapin niya ako. Haha. Nag fefeeling na naman ako.

Patricia: Sige. Ingat ka rin.

Smack!

Hinalikan niya ako sa left cheek bago siya tuluyang umalis. Natigilan ako ng ilang sandali. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na yun.

Sana ito na ang simula...



STOP SONG









END OF SEASON 1

(naks, parang series lang. May season-season pang nalalaman.)



-------------------



Wednesday, October 3, 2007

Scene 15: Phobia

Peter: Aasa? Ikaw?
Patricia: Ano ba Peter!? Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo ?

Tuluyan ng umiyak si Tricia. Napakalungkot ng paligid. Kahit nasa isang pampublikong kainan kami, nangyari parin ang mga pangyayaring kagaya nito.

Peter: Ano ba tong nangyayari sakin? Ano ba! Bakit?

Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang tama. Umiiyak pa siya. Naluluha naman ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon.

Peter: May nararamdaman ba siya sa akin? Imahinasyon ko lang ba ito? Tama. Kailangan ko nang sabihin ang nararamdaman ko. Shux.



Sir Jerome: 20 minutes left.

Peter: !!

Nagising ako. Mapula pa ang mata ko. Tumingin ako sa paligid. Tama. Nag-eexam pa pala ako sa Soc Sci 1. Tungkol sa love ang quiz. Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko pa naman tapos na.

Peter: Shit! Hindi ko pa pala nasasagutan yung number 2. Pambihira naman.

Nakita ko ang mga kaklase ko. Yung iba tapos na. Yung iba naman pasimpleng nangongopya. Tiningnan ko si Claire. Ang haba na ng nasusulat niya. Hindi ko makita yung papel nina Tricia at Richard, nasa harap ko kasi sila.

Peter: Patay na, pano ko ba sasagutin ito? Why do we love? Bakit nga ba?

Si Batman. Akala ko tinulungan niya ako ng mga oras na yun. Panaginip lang pala. Kakaiba nga yung panaginip ko eh. Akala ko gising na ako. Hindi pa pala. Abnormal!

Peter: Bahala na, konting oras na lang ang natitira. Hindi na ako aasa sayo batman. Hayop ka! Tagalugin ko. Ma nonosebleed ako eh. Bahala na si Sir. Hindi naman siya dayuhan eh. Hmph!

2. Why do we love ?

Bakit nga ba tayo nagmamahal? Merong iba't ibang klase ng pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kaibigan, pag-mamahal sa kasintahan at pagmamahal sa bayan. Ang mga tao kasi, likas na malulungkot kung ako ang tatanungin. Napapawi lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay dama ng isang bagay na hindi natin nakikita o nahahawakan. Ito ang pag-ibig.

Pag-aalaga. Nakadikit na ang salitang ito sa pag-ibig. Kung mahal mo ang isang tao, hayop o bagay, aalagaan mo ito. Hinding hindi mo ito hahayaang masaktan, magalusan, mapahamak. Kasama na dito ang respeto, responsibilidad, isama mo pa lahat ng mga positibong salita. Subalit hindi natin masasabi . . . . .


Sir Jerome: Okay time's up. Pass your papers.

Peter: Badtrip, kinulang pa ng oras. Maipasa na nga!

Claire: Grabe, ang hirap ng test.
Peter: Hehe.

Peter: Teka nga..

Patricia: Uy Peter.
Peter: Ow?
Patricia: Lunch tayo :)
Peter: Sure.

Peter: Huh? Ito yung panaginip ko kanina ah? Nakakatakot naman to. Feeling ko chamba lang yun. Di bale na nga, at least sabay parin kami hehehehe. Marino ako!

Peter: Umm Claire, alis na kami ha.
Claire: Ok...
Patricia: Peter, Beach House tayo.
Peter: Kahit saan :)

Umalis na kami papuntang Beach house. Ayos nga eh, pareho pang beach house yung sa panaginip saka yung reality. Sure ako reality na to, kasi sinubukan kong kurutin sarili ko, hindi naman ako nagising. Sinubukan kong kurutin si Tricia sa braso.

Tricia: Aray!

Hehe. Marino. Totoo nga. Reality na talaga ito okay? So ayun. Naglakad kami. Gaya nung sa panaginip, maganda yung panahon kahit tanghali na. Okay na nga siguro yun eh, at least, wala pa kaming problema ni Tricia. Buti na lang panaginip lang yun. Kinabahan talaga ako.

Peter: Parang nangyari na talaga to sa panaginip ko. Alam ko na, kapag nakasalubong ko yung block ni Rhayne, totoo na talaga to.

Patricia: Peter, hindi ba si Rhayne yun?
Peter: Ow? Oo nga no?

Peter: Holy Golly! Kinikilabutan na talaga ako. Bakit nangyayari ito? Hala! Baka humantong ulit mamaya sa.. Huhu huwag naman please!

Nakita ko si Rhayne, kasama ang mga ka block niya. Pero nasa kabilang side sila. Hindi namin sila nakasalubong, mukhang busy sila sa pagkanta. Hindi ko marinig eh, pero may actions sila. Para silang boyband. Ang corny.

Peter: Hay Buti na lang. Akala ko naman.

Patricia: Ang Cute !!!

Peter: Ko? Hehehe.

Patricia: Ang cute nung puppy! Awww!

Nakakita si Tricia ng puppy. Color white yung puppy, nakababa yung tenga, medyo fluffy yung fur niya. Ang cute niya. Pero mas cute si Tricia.

Lumapit yung puppy kay Tricia.

Patricia: Ang cute niya noh? Ang lambot lambot pa niya!

Ang cute ng boses ni Tricia nung mga oras na yun. Pina-pat niya yung puppy. Yung puppy naman, nag wiwiggle yung buntot. Para ngang amo nung puppy si Tricia eh.

Peter: ....
Patricia: Oh bakit ang tahimik mo?
Peter: Hehe ang cute niya nga..

Peter: Sh*t! Huwag kang lalapit saking monster ka!

Patricia: Bakit ka pinagpapawisan? Uyy, takot siya sa aso!
Peter: Hindi ah. Aso lang eh. Saka tuta lang yan.
Puppy: Arf!

Peter: Yeee Diyus ku pu!!

Patricia: Ang cute cute niya nga oh. Feeling ko nga gusto ka rin niya eh.
Peter: Oo nga oo nga..
Patricia: Ano ka ba. Bakit ka nanginginig? Huwag kang matakot. Hindi ka niya kakagatin!
Peter: Hindi naman a..ako takot sa..sa aso eh.

Peter: At saka may pride akong pinanghahawakan. (Kahit ilang beses ko nang naisuko yang pride na yan.)

Peter: Saka, ang cu..cute niya nga eh.. hehe.

Peter: Ano ba! Ayoko nga sa mga hayop na ganyan eh. Natatakot talaga ako sa mga animal na may ngipin. Parang awa mo na huwag kang lalapit.

Lumapit ng konti yung puppy. Napa-atras ako bigla. Tinatawanan ako ni Tricia. Nakakahiya pero ano magagawa ko. Sumuko na naman ako sa challenge ng nature. Grabe. Hindi ko alam kung positive ito para kay Tricia o hindi. Positive in a sense na nakakatuwa ako (at nakakatawa) o negative dahil napaka duwag ko sa aso.

Patricia: Hehe, ikaw ha takot ka pala sa aso. Tara na nga. Cute pa naman nung aso.
Puppy: Arf!

Peter: Inay ko!

Peter: Oo nga ta..tara na, gu..gutom na talaga ako eh.

Lumayo na kami ni Tricia sa aso. Pinapawisan talaga ako nun. Habang naglalakad kami, napansin ko nakangiti si Tricia. Ayan na naman. Kinikilig na naman ako. Ang ganda naman kasi niya kapag nakangiti. Lalo siyang nagiging anghel para sa akin. Mali, anghel pala talaga siya.
Akala ko nga nasa langit na ako eh, nang biglang.

Puppy: Arf! Arf!
Peter: Ahhhh!!!!

Napadikit ako kay Tricia. Ayoko talaga ng aso. Ginulat pa ako nung dragon na yun. Pero mas nagulat ako sa aking nakita at narinig.

Patricia: Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Kapag kasama mo ako, hindi ka kakagatin niya. Promise.
Peter: Kasi naman eh, takot ako sa aso. Noon pa.
Patricia: Relax ka lang. Okay?

Peter: !!!

Nakita ko na lang, hawak-hawak na niya yung kanang kamay ko. Hindi ko agad napansin kasi pinangunahan ako ng takot. Pero matapos nun, unti-unting nawala ang kaba sa aking dibdib. Nahihiya ako kasi, pinagpapawisan yung palad ko. Pero ang lambot talaga ng kamay ni Tricia. Sana laging ganito.

Peter: Salamat Tricia..
Patricia: Halika na, hindi na tayo susundan niyan.
Peter: Sige. Salamat..

Tumuloy kami sa pag-lalakad. Maya-maya pa ay binitawan na niya ang pag-hawak sa kamay ko. Sayang. May nakita kasi siyang kaklase from high school. Kumaway siya gamit yung kamay na pinanghawak niya sakin, bale left hand yun.

Patricia: Marvin Vistro!
Marvin: Tricia Coronel!
Patricia: Tagal na nating hindi nag kikita ah?
Marvin: Oo nga eh.. Kumusta na yung....

Ayun, nagkwentuhan muna yung dalawa. Habang ako, nag sesenti. Hinawakan niya ang kamay ko. Hay! Heto na naman tayo. Hindi ko alam kung matutuwa ako, o aasa ako. Basta, makokontento na lang ako sa mga nangyari. Salamat doon sa panget na asong yun. Tuta pala.

After 3 minutes, naghiwalay din yung dalawa. At last, makakapunta na kami sa Beach house.
Guess what, may plano ako. Maitim na plano. Joke lang. Basta may plano ako.

Sana lang, hindi mangyari yung mga napanaginipan ko. Bahala na ulit.

Peter: Sino yun?
Patricia: Ah, si Marvin. Classmate ko siya nung 3rd Yr High School.
Peter: Ganon ba, hehe. Gwapo niya.
Patricia: Oo nga eh. Haha.
Peter: Hehe.
Patricia: Ikaw ha, crush mo no? :p
Peter: Ako? Hindi naman lalake ang gusto ko eh.

Peter: Dahil ikaw ang gusto ko.

Patricia: Ganon, mabuti naman.
Peter: Bakit mabuti?
Patricia: Eh syempre.., mas okay kung lalake ka diba.
Peter: Ganon ba yun.

Peter: Akala ko naman, nagseselos ka. Haha.


Nakarating na kami sa Beach House. Ito na naman. Gamester!






------------------------------------------------------






Sunday, September 30, 2007

Scene 14: Tears

Naglalakad kami papuntang Beach House (Kainan sa UP).

Peter: Bakit ikaw? Bigay ka nga ng isang word na sinulat mo.
Patricia: Peter.

Peter: Ano? Peter sinulat niya? Hehe. Ayokong lokohin ang sarili ko.

Masakit ang maloko ka ng isang tao. Lalo na ng taong binibigyan mo ng sobrang atensyon. Minsan sasabihin sa iyo na mahal ka niya, pero hindi naman pala totoo. Sasabihin niya sayo na kaibigan kita, pero iiwanan ka niya. Sobrang sakit noon. Hindi mo alam kung intensyon ba niya na paasahin ka, o saktan ka.

Hindi ko alam. Ayoko ng maulit sa akin yun. Ilang luha na ang nasasayang ko noon.

Peter: Bakit?
Patricia: ...
Peter: Ano yun?
Patricia: Ang gulo ng buhok mo. Kailangan bang ako pa ang mag-ayos niyan?
Peter: Sorry naman. Ito na aayusin ko na.

Peter: Taray. Kabuwanan niya siguro. :(

Patuloy kaming nag-lakad. Parang ang tagal naming nag-lalakad. 10:15 a.m. ang oras noong mga panahon na iyon. Mahangin, maulap, pero maliwanag. Napakaganda ng panahon.

Peter: Ibahin ko na nga na lang ang usapan.

Peter: So, kumusta na yung binti mo?
Patricia: Maayos na. Hindi na makati.
Peter: Mabuti naman kung ganon.
Patricia: ...

Peter: ....
Patricia: ...

Peter: Wala na naman akong masabi. Hindi na ako yung usual na madaldal.

Patricia: Pero may sinulat talaga ako na Peter kanina sa quiz...

Peter: !!!

Mixed emotions ako ng mga oras na yun.

Peter: Totoo ba yung narinig ko? Ayoko nang magpaloko. Bumabalik na naman ba yung mga pangyayaring nangyari na sa akin noon? Tama yung mga kasabihan na kumakalat sa cellphones at sa ibang media. Once is enough. Kailangan matuto ka na sa mga pagkakamali mo noong nakaraan. Kailangan hindi na maulit ang mga maling nagawa. Lesson din yan sa history.

Pero tama nga ba ikulong ko ang ang sarili sa mga posibleng mangyari? May pag-asa ba ako kay Tricia? Anghel ba siya na bumaba para sa akin? Hindi ko alam. Ayokong maloko, pero ayoko rin namang isarado ang loob ko.

Rhayne: Peter!!! Tricia!!!

Si Rhayne. Mula sa malayo, nakita ko siya. Nandoon siya sa harap namin. Naglalakad siya papunta sa direksyong pinanggalingan namin. Ang dami niyang kasama. Siguro mga ka block niya. After 5 seconds, nagkalapit na kami. Na interrupt nga yung romantic scene namin ni Tricia eh. Pero di bale na.

Peter: Uy Rhayne..
Patricia: ....
Rhayne: Guys, this is Peter and this is Patricia.

Peter: :)
Patricia: ...

Rhayne: Pete, Tricia, sila nga pala mga ka block ko. Ang G-11. Ito nga pala si Jelo, Red, J.E., Pat, Julius, Ashan, Eman, Greg, Ade, Arf, Dondon, Troy, John, Mark, Wes, Treena, Alyssa, Frank, Jorge, Gens, Marvin at Kat. Dami no, hehe.

Peter: Dami ah. As if naman makakabisado ko mga pangalan nila.

G-11: Hi! (Kaway silang lahat.)

Rhayne: Oh by the way, remember Alyssa? She's our classmate in Soc Sci.
Peter: Oo nga hehe.

Mark: Tricia!
Patricia: Uy Mark, ka block mo pala si Rhayne eh. Hehe.
Mark: Ah oo. :)

Peter: Ayun pala si Mark, ang unang kapartner ni Tricia sa Bio. Ang taong pinaslang ko sa panaginip.

Babaeng nakasalamin [Maiksi ang buhok](G-11): Uy saan kayo pupunta? :p
Patricia: Mag lulunch kami sa Beach House. Kayo?
Babaeng nakasalamin [Mahaba ang buhok](G-11): Date kayo? Uyyy..

Peter: Madami pala talagang kalahi si Tito Boy.

Patricia: Hindi naman. Hehe.
Peter: ....

Rhayne: Pasensya na sa mga ka block ko ha. Ganyan talaga ugali ng mga yan. Pero masaya naman kami. Obvious right? Hehe.
Peter: Pansin ko nga eh.

Lalakeng Gwapo (G-11): Sige alis na tayo, mukhang may moment silang dalawa eh. Nakaistorbo ata tayo. Uyyy!
G-11: Uyyy!!

Peter: Buti alam mo. Hmph! Namumukaan kita. Gwapo mo haha! Parang ako lang. Pero mas gwapo ako.

Rhayne: Sige guys, we need to go. Baka ma-late kami sa next subject namin. Bye!
G-11: Bye!

Peter: :)
Patricia: :)

Umalis na yung mga kolokoys na yun. Grabe, napaka bonded nila. Nakakainggit. Samantalang ang G-9, watak watak. Kanya kanya ng grupo. Anyway, tumuloy na kami sa patutunguhan namin. Naguguluhan parin ako kay Tricia.

Peter: Tricia.
Patricia: ... (tumingin siya sa akin)
Peter: Ano ba ang ibig mong sabihin kanina?
Patricia: Kailangan ko pa bang ipaliwanag yun?
Peter: Pero naguguluhan ako. Ayokong umasa.
Patricia: Umasa na?
Peter: ....
Patricia: Umasa nga na ano?
Peter: ...

Napaka tense ng usapan namin. Malumanay at malambing siya mag salita, pero kinakabahan ako, pinagpapawisan, lahat! Hindi ko na tuloy alam sasabihin ko. Natotorpe ako. Ito na ba yung panahon para masabi ang nararamdaman ko? May mapapala ba ako kapag sinabi ko na may gusto ako sa kanya? Kapag sinabi ko na umaasa ako na gusto niya rin ako? Hindi ko alam.

Patricia: Umasa na may gusto ako sayo?
Peter: ...

Nakarating na kami sa Beach House. Mainit pa rin ang usapan namin. Kinakabahan talaga ako. Si Tricia. Hindi ko alam kung bakit siya ganon. Hindi ko akalaing magiging vocal siya sa mga ganong bagay.

Sa Beach House. natahimik kami pag dating doon. Tapos na kaming umorder ng pagkain. Pero hindi pa kami tapos sa pinag-uusapan namin.


Patricia: Wala ka bang gustong sabihin?

Peter: Tricia. Oo may gusto ako sayo. Pero hindi pa ako handa na sabihin sayo to. Ayokong masaktan. Takot akong lumayo ka sakin. Duwag ako. Pasensya na.

Patricia: Tatahimik ka na lang ba? Itatago mo na naman ba lahat sa sarili mo? Sasabihan mo na naman ba ako ng alamat? Peter! Ano ba? Hindi ako manhid!

Dumampi sa kaliwang cheek niya ang isang luha mula sa makislap niyang mata.
Naiiyak na si Tricia. Malumanay siyang magsalita. Malambing. Pero ang lakas ng tama sakin ng mga sinabi niya. Naaawa ako pero may halong kaba. Ano bang mali sa ginawa ko? Hindi naman lahat ng nasa isip ko, kailangan kong sabihin.

Naiiyak na rin ako.

Peter: Huwag kang iiyak. Please huwag.

Patricia: Kung may naiisip ka sabihin mo! Para alam ko kung dapat ba akong umasa o hindi..






--------------------------------

Saturday, September 29, 2007

Scene 13: Revenge

Madali akong pumasok sa classroom. Hindi pa naman ako late. Siguro 20-30 minutes pa bago mag time, wala kasi akong orasan kaya hindi ako sigurado. Konti pa lang tao sa room, nandoon si Richard Go, si Claire, and the rest of the Social Science classmates.

Peter: Napa-aga ata ako. Hay. Saan kaya ako uupo? Tatabi na lang ako kay Claire.

Claire: Peter!
Peter: Uy Claire. Hehe kumusta na?
Claire: Umupo ka kaya muna. Hehe.
Peter: So, diba sabi mo groupmates tayo ni Tricia?
Claire: Si Tricia na naman..
Peter: Bakit?
Claire: Wala.

Peter: Ano na naman problema ni Claire. Mga babae talaga, ang hirap i decipher. Wow, did I say decipher? Nosebleed!

Peter: Saan ba kasi iyon?
Claire: Sa Biology, groupwork daw. Kailangan daw natin ng magagandang sceneries dito sa Pilipinas. Kailangan nating kumuha ng pictures.
Peter: Madali lang pala iyon eh. Kaya yan!

Biglang pumasok si Tricia. Syempre na excite ako. Sa mga nangyari ba naman kahapon, hay!

Richard: Tricia! Halika tabi tayo.
Patricia: Wala bang naka-upo diyan?
Richard: Wala naman, saka maganda pwesto dito para malapit sa prof. Mahangin pa.
Patricia: Okay.

Peter: Pumapapel na naman itong tipaklong na to. Ihagis ko siya sa puno eh. Tapos pipicturan ko. Yun! Magandang scenery yun, pwedeng ilagay sa Biology project.

Apat kasi yung rows doon sa classroom. Nandoon si Richard sa may 1st row, 2nd to the left. Malapit sa bintana. Itong si Tricia naman, pinaupo niya doon sa dulo. Kami naman ni Claire, nasa likod nung row na yun. Doon din malapit sa bintana.

Peter: Hi Tricia.
Patricia: :)

Peter: Hehe, laglag panga ko sa smile niya >.<

Richard: So kumusta ka naman?
Patricia: Okay lang naman.
Richard: Nag-aral ka na sa Soc sci?
Patricia: Medyo, pero kinakabahan pa rin ako.
Richard: Huwag kang kabahan, 10 ka nga diba last quiz. 9 nga lang ako eh.
Patricia: ^_^
Richard: At least PASADO tayo.

Peter: Sumosobra na tong insektong to ah. Pinaparinggan mo ba ako? Gusto mo bang maubos dugo mo sa katawan?

Claire: Umm Peter...
Peter: Oh?
Claire: Bakit ka nga pala absent kahapon?
Peter: Ah.. eh..
Claire: Kasama mo ba si Tricia...?

Peter: Akala ko nanay ko lang ang mag-iintriga sa akin. Hindi pa pala ako ligtas kay Tito Boy Abunda.

Peter: Sabay kami nag lunch kahapon, pero umuwi ako after nun, nag-aral ako para sa sa quiz natin ngayon. Kailangan ko kasing bumawi. 3/10 nga lang ako last quiz diba. Kaya ayun. Hindi ko na alam kung saan pumunta si Tricia pagkatapos noon.
Claire: Okay..

Peter: Phew. Ang laki kong sinungaling.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng paglilitis. Daladala ni Sir Jerome ang test papers para sa quiz. May naririnig akong tibok ng puso. Sa akin ata yun. Oo, akin nga. Kinakabahan ako eh. Hindi ako mapakali. Pero hindi nito mapipigilan ang aking paghihiganti. Sisiguraduhin kong ma-nonosebleed si Sir kapag binasa niya sagot ko. Kailangan kong ipadama sa kanya ang bagsik ng aking paghihiganti. Babawi ako sa quiz. Roar!

Pero kahit ganon, kabado parin ako. Isa lamang akong mag-aaral. :(

Sir Jerome: I have here your test papers. The quiz consists of 2 questions about love. Madali lang ito kung nakinig kayo sa mga lessons ko. Are you ready?

Peter: ....

Pinasa na yung mga papel. Ito na. Sasagutan ko na.

Time: 8:45 a.m.
End of Quiz: 10:00 a.m.

1. Describe love in different words.

Peter: Hmm... Inaral ko to eh. Alam ko yan. Haha. Love. Hmm.

Tiningnan ko yung mga classmates ko. Napansin kong may sinusulat si Tricia. Ganoon din si Richard. Si Claire naman, nag-iisip. Pero may laman na yung papel niya.

Petrer: Ganito na lang. Alam ko hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Alisin na natin yung mga lesson na yan. Alisin na natin yang 30 pages na handouts. Ano ba talaga ang love? Si Tricia. Ano ba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Tama. Iyon na lang. Straight from the heart.

1. Describe love in different words.

a. Warmth
b. Togetherness
c. Tenderness
d. Bliss
e. Care
f. Celestial
g. Acceptance
h. Respect

Peter: Pwede na siguro yan. Iyan lang ang napiga ko sa utak ko. Next!

2. Why do we love?

Peter: Anak ng Palay naman bakit naman ganito yung tanong!?

Na-ulol ako eh. Gusto kong pumatay ng tao. Kung pwede ko lang saktan yung katabi ko eh. Kaya lang si Claire to kaya bawal. Si Richard na lang kaya? Hindi naman ito beauty pageant, napaka cute naman kasi nung tanong. Anyway, dahil hangad ko na isampal sa mukha ni Sir yung score ko, aalalahanin ko na lang yung mga pinag-aralan ko.

Peter: May sagot na kaya si Claire sa number 2? Masilip nga..

Sir Jerome: !!

Peter: Woi! Nakita ata ako ni Sir! Steady muna, steady.

Sir Jerome: ....

Peter: Coast is clear. Ngek. Ang labo ng sulat ni Claire. Badtrip.

The time now is 9:10 a.m.

Peter: Batman! Help!
Batman: Ano ka ba? Alalahanin mo yung mga inaral mo! Ipikit mo ang iyong mga mata. Ipapakita ko sayo yung mga inaral mo.

Pinikit ko ang mata ko. (Iniimagine ko lang siguro si Batman. Hindi ko rin alam kung paano nangyari yan.)

Peter: !!!
Batman: Kita mo na?
Peter: Oo nga no.

Sir Jerome: 20 minutes left.

Peter: Huh? Oh my god! Nakatulog ako. Tarantado si Batman ah. Ginancho niya ako. Manloloko!

Peter: Pero tama yung mga pinakita niya. Naalala ko na. Tama, ito nga yun. Game!

2. Why do we love?

Why do we love? It has been suggested that any account of love needs to be able to answer some such justificatory question. Although the issue of the justification of love is important on its own, it is also important for the implications it has for understanding more clearly the precise object of love: how can we make sense of the intuitions not only that we love the individuals themselves rather than their properties, but also that my beloved is not fungible—that no one could simply take her place without loss. Different theories approach these questions in different ways, but, as will become clear below, the question of justification are primary.

One way to understand the question of why we love is as asking for what the value of love is: what do we get out of it? One kind of answer, which has its roots in Aristotle, is that having loving relationships promotes.....



Hindi ko na itutuloy yung sagot ko. Baka ma-nosebleed kayo, my dear readers. Si Sir lang naman ang gusto kong sumuko sa akin. Bale, kulang pa yung papel na binigay para isulat yung sagot ko, kaya sa likod ko na lang dinugtong. Feeling ko madudumihan yung papel ko. Pagbalik sakin ng test paper, madugo na yung papel. Haha.


Sir Jerome: Okay, time's up. Pass your papers.

Claire: Grabe, ang hirap ng test.
Peter: Oo nga eh. Buti na lang may nasagot ako.
Patricia: Peter.
Peter: Uy Tricia. Hehe.
Patricia: Lunch tayo :)
Peter: Sure.

Peter: Umm Claire, alis na kami ha.
Claire: Ok...

Peter: Niyaya ako ni Tricia! Narinig niyo yun? Wahaha. Ang saya saya!

Ayun, umalis na kami ng room. Sabay nag-lunch sina Richard, Claire, Christina at si Leslie. Hindi ko na nga masyadong nababanggit
sina Christina at Leslie, wala kasi sila masyadong pinag-sasasabi. At saka, malayo sila sa akin kaya hindi ko naririnig mga pinaguusapan nila.

Patricia: Peter, ano mga sinulat mo na words sa number 1?
Peter: Bakit?
Patricia: Wala lang..
Peter: Bakit ikaw? Bigay ka nga ng word na sinulat mo.
Patricia: Peter.

Ano daw?

--------------------------------


Monday, September 24, 2007

Scene 12: Siopao

Umuwi na ako sa bahay. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kilig sobra! Sana nga, hindi na siya pinayagang umalis sa clinic eh. At kung mangyari man yun, hindi na rin ako aalis doon. Seryoso gagawin ko yun.

Peter: Hayyy! Tricia! Ano ba itong ginawa mo sakin? Bakit ako nagkakaganito sa'yo! Hindi na naman uso ang gayuma ah? Wahhh!!

Tunk tunk! (polyphonic tone ulit yan)

Peter: Uy may nagtext. Naks. Sino kaya ito? Hmm si Tricia kaya? Yahoo! Pero hindi, feeling ko si Paolo. Ashtray ka Paolo kapag ikaw ang nagtext. Babalatan kita ng buhay! Grroooaaarr!!

1 Message Received

Patricia: [thx kanina ha. :)]

Peter: Hehe, namumula na naman ako. Ano na naman kaya ang pwede i-reply? Hmm, ayoko ng pumalpak!

Peter: [wla un noh, hehe. sorry nga pla. hindi na ulit kita dadalhin sa gnung lugar..]
Patricia: [ngee, sge na nga, wg na nting isipin ito. hehe. ^_^]

Tunk Tunk!

Paolo: [GuD EvEninz mAh fweind? how r u? wAtz ur uLam toNayT?]

Peter: Anak naman ng tokwa, nag text pa tong hayop na to. Garapata ka talaga ng buhay ko.

Tinuloy ko ang pagtext kay Tricia.

Peter: [uu nga, hmm, nu gwa mo ngayon?]
Patricia: [well, e2 nag aaral me pra sa soc sci quiz. kaw? nkapag aral na ba u?]

Peter: Sharingan! Babawi ako sa soc sci. May quiz nga pala. Buti na lang.

Peter: [uu nmn, nkpagaral na me. cge mag-aral na u, nyt!]
Patricia: [cge peter, nyt din. ^_<]
Peter: Hehe solve solve! Kailangan ko nang mag-aral. Baka kasi isipin ni Tricia, hindi ako nag-aaral.

Mommy: Oh Pete? Bakit ka nakangiti habang nag-tetext? Ikaw ha, chicks yan noh?
Peter: Anong chicks, may nag-forward kasi ng Inday Joke. Syempre mas okay na tumawa ako kesa umiyak. Mommy: Ganon? Tingin nga?
Peter: Mag-aaral pa ako, next time.
Mommy: Pete, sabihin mo sakin pag-may natitipuhan ka na, malay mo matulungan kita :)
Peter: Wala naman talaga eh, sasabihin ko na lang kapag meron. Huwag ka nang makulit.
Mommy: Binata na siya. :D
Peter: Hmph.

Pumasok na lang ako sa kwarto bago ako tuluyang ihawin ng nanay ko sa intriga. Ganoon siya eh, lagi niya akong tinutukso kapag may involve na babae sa buhay ko. Well, ang galing talaga ni mommy. Nararamdaman niya kung may nagugustuhan akong girl o wala. Nanay ko nga talaga siya.

Todo aral ako para sa exam. Love ang topic. Oo, hindi pa tapos yang lintik na love na yan. Minsan nga, gusto ko ng ma lechon yang si Sir Jerome eh, hindi parin kasi lumalamig ang dugo ko dahil sa binigay niyang 3/10 na grade.
Pero anong magagawa ko, biktima lang ako gaya ng mga nasalanta. Walang may gusto noon.

11:12 p.m.

Groggy na ako. Hindi parin ako tumitigil sa pag-babasa ng hand-outs tungkol sa love. 30 pages kasi ito eh, pang 10th page pa lang ako. Bullcrap. Antok na antok na ako. Nakangiti pa sakin yung unan ko. May unan kasi ako na ang design ay nakangiti, tapos parang nagyayaya na siyang matulog. Ito yung eksaktong eksena ng mga oras na yun. Take note, groggy ako.

Peter: Love is about the ...............
Unan: Peeeeteerrr.

Yung tono na pataas tapos bababa. Hirap explain. Parang Hide and seek o taguan. Yung ganon. Parang "I can seeeee youuuu". Na imagine mo na? Kung hindi, pakamatay ka na lang.

Peter: Heh! Tumahimik ka, nag-aaral ako. Babawi ako sa bagsak kong quiz.
Unan: Peeeeteerrr. Yakapin mo na ako. Tulog na taaaayooooo.
Peter: O tukso! Layuan mo ako! According to Professor .... Love is.... In fact, he stated that ......

Patricia: Peter. Tulog na tayo.

Peter: Wahh, hindi ikaw si Tricia! Hindi mo ako malilinlang!

Naaalala niyo ba yung eksena sa buhay ko noon kung saan nagyayabang ako tungkol sa pride ko? Yung nakalimutan ko yung ballpen ko at sinabi sa sarili na hindi ako hihiram?
Eh naaalala niyo rin ba yung panahon na pinipilit ako ni Tricia na ipakita sa kanya ang quiz paper ko na bagay sa basurahan?
Ganoon ang nangyari. As usual, natalo ako. Sumuko ako sa sarili ko at ginawa ang mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa.

Bigo.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakalatay sa kama. Yakap yakap ko yung unan na yun. Malambot, mabango. Malamig ang panahon pero dahil sa unan na yun at sa kumot, naging warm yung pakiramdam. Ang sarap. Iniimagine ko na lang na si Tricia yun, syempre para sweet dreams.
Tungkol sa binabasa ko, hanggang 10th page lang talaga ako. Bahala na.

Mommy: Anak, 6:00 am na.
Peter: Umm, 4 minutes and 22 seconds pa. (Gasgas na kasi yung 5 minutes. Medyo groggy yung boses ko nyan)

Mommy: Hmm. Mala-late ka na, bangon na!
Peter: Urk! Mmmmm.
Mommy: Hmm...
Peter:....
Mommy:
cge peter, nyt din. ^_<. Patricia Coronel pala ha.
Peter: !!!
Mommy: Chicks!
Peter: Akin na yung phone ko! Bakit mo naman pinakealaman?
Mommy: Sabi na eh, edi gising ka na. Maghilamos ka na at kumain bago ka pa ma late.
Peter: ....
Mommy: Maganda ba yang Patricia na yan? Hingi naman ng picture!
Peter: Pambihirang nanay to. Pakealamera! Wala na. Dahil dito, ikakalat niya ito kay daddy. Tapos kakalat na sa buong subdivision namin. Ayoko na!

Iyan ang hirap sa aking inay. Kapag may nalaman tungkol sa akin, ikakalat niya yan sa buong barrio. Seryoso, hindi pa siya nabibigo sa ganoong gawain. Hindi ko alam, kaya minsan ayokong magsabi sa nanay ko ng mga ganyang bagay. Delekado. Feeling ko tuloy iintrigahin ako ni Tito Boy mamaya sa show niya. Tangerine!

Pumasok na ako sa school. Noong nasa Katipunan na ako, may napansin akong tao. Rugged siya. Madumi at gulagulanit ang damit. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Nagmamadali kasi ako, baka ma-late.

Peter: ....
Rugged Man: Ibili mo naman ako ng siopao. Gutom na gutom na talaga ako.
Peter:...

Peter: Wahh, please, huwag ngayon, nagmamadali ako. Ayokong tingnan ako ng mga tao, please layo ka na.

Hinihila nung Rugged Man yung shirt ko.

Rugged Man: Sige na po, tatlong araw na akong hindi kumakain. Siopao lang po.

Ang sama ko. Hindi pa ako nahabag. Binigyan ko siya ng piso at tumuloy ako sa paglalakad. Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko. May isang cameraman at isang lalake na naka damit ng Noypi*. Yung show sa ABS CBN kung saan tinetest nila yung mga Pilipino.

Noypi Staff: So ano po ba ang feeling na lapitan ka ng isang taong gutom.
Peter: Ahh, mamaya na lang po. Nagmamadali po ako. Baka ma-late ako.
Noypi Staff: Saang paaralan ka po ba nag-aaral?

Peter: Err, ano ba dapat kong sabihin. Nakakahiya ata ginawa ko. Tutal hindi ko naman suot ang ID ko, at nasa Katipunan naman ako. Ito na lang.

Peter: Ateneow.

Tuloy tuloy ako sa pag-lalakad. Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko. Ayokong masiraan ang pangalan ng paaralan ko dahil sa akin. Haha. Nandamay pa ako ng school. Anyway, feeling ko makakarma ako sa ginawa ko. Ang sama ko kasi eh.

Bahala na ung Noypi dun. Kapag pinakita ako sa TV, ipapa-assassinate ko yung gumawa ng segment na yun. Puputulputulin ko yung katawan niya, ilalagay sa maleta at papa-agusin sa Ganges River.

Tulad ng dati, na pressure lang ako.

Kinakabahan ako dahil exam na namin sa Social Science. Bahala na si Batman. Kaya naman siya ginawa para doon eh. Sa mga taong mahilig umasa.

Peter: Nasaan na kaya si Tricia? Hmm. Quiz. 10/10 na to. Nagsunog ako ng kilay para dito. Bahala na.






Saturday, September 15, 2007

Scene 11: Rabbit

Excited?

Relax, ito na yung mga sumunod na nangyari..


Peter: Game, ito na.

Peter: Umm Tricia..

Patricia: ....
Peter:....

Patricia: Aray! Ang hapdi!
Peter: Ano? Bakit?

Tiningnan ni Tricia ang binti niya. Puno ito ng pantal. Higad! Nahigad si Tricia. Kahit naka pantalon siya ng mga oras na iyon, pulang pula parin ang kanyang kaliwang binti dahil sa higad.

Patricia: Ang kati. Ahh!
Peter: Huwag mong kamutin, halika, dadalhin kita sa clinic.

Kabado ako. Alam ko higad lang yun pero, nanganib si Tricia. Ayoko siyang masaktan at mangati. Baka mahawa ako ng kati niya eh, ayoko nga. Pero seryoso, ayokong makita si Tricia na nasasaktan.
Inalalayan ko siya papunta sa kalsada upang mag-abang ng jeep.

Nakasakay naman kami sa jeep at hindi pa naman ako nahahawa.

Peter: Mali. Maling-mali ang ginawa ko. Shit. Hindi naman to kasama sa plano.

Peter: Ayos ka lang ba Tricia?
Patricia: Ang kati at ang hapdi..

Kita ko sa mga mata niya ang hirap. Alam ko ang pakiramdam nun dahil nangyari na sakin yun. Kaya lang mukhang mas malala yung sa kanya. Baka siguro mas delekado yung higad na dumapo sa kanya. Ito naman kasing higad na to, manchachancing na lang, sa ka love team ko pa. Naawa ako kay Tricia.

Nakarating na kami sa Clinic. Sinugod ko siya sa emergency room. Hindi ko naman siya buhat-buhat, pero naka-akbay ako sa kanya kasi parang nahirapan siya maglakad. At huwag niyong isipin na kagaya ako ng higad na nanchachancing. Hindi ako ganoon. Sa isip lang siguro.

Nilapitan na siya ng nurse. Medyo lumayo ako ng konti para hindi ko makita yung ginagawa nila. Pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.

Nurse: Ano ba ang nangyari dito iha?
Patricia: Na dapuan po ata ako ng higad. Ang kati at ang hapdi po.

Peter: Kasalanan ko to eh. Hindi ko na dapat siya dinala doon.

Nurse: O sige ha, gagamutin na natin yan. Huwag kasi kayong pumunta sa mga mapupunong lugar, maraming higad dun. Lalo na dito sa UP, kakaiba ang mga higad dito.

Babae: Nurse! Tulong! Emergency!

Nurse: Diyan na ko! Iha, palinis mo na lang sa kasama mo yung binti mo. May emergency daw kasi doon sa kabilang ward.
Patricia: Sige po.

Peter: Ako?

Patricia: Peter, palinis naman nung binti ko.

Tinaas niya yung pantalon niya sa kaliwang binti.

Peter: Wow legs! Wahh!! Hindi ko dapat makita yan. Masama yan!

Bigla kong tinakpan yung dalawang mata ko. Baka kasi isipin niyo at ni Tricia, masama akong tao.

Patricia: Pete talaga oh, hindi mo malilinis yan kung nasa mata mo yung kamay mo. Hihi. :)
Peter: ...
Patricia: Ito na yung alcohol. Sabi nung nurse ikaw daw yung maglinis.

Wala akong nagawa. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Binuhusan ko ng alcohol yung binti ni Tricia. Dapat daw kasi iniiscrub yung mga pantal na gawa ng higad. Aaminin ko, kinikilig ako noong ginagawa ko yun. Syempre naman. Pero sa kabila noon, nagsisisi parin ako na dinala ko siya sa lagoon.

Peter: Sorry Tricia. Sorry talaga.
Patricia: Hindi mo naman kasalanan yun. Ako nga ang dapat mag sorry.
Peter: Bakit? Ako nga ang dahilan kung bakit ka nandito.
Patricia: Hindi mo tuloy nagawa yung ipapakita mo dapat sakin. Ano ba kasi yun?

Peter:...

Patricia: Peter..

Peter: ...

Peter: Siguro nga, si God ang may gawa nun. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para gawin yung pinaplano ko. Ito siguro yung sign na nagsasabing hindi pa ito ang tamang oras. Tricia, huwag mo na akong pilitin. Please.

Patricia: Peter, ano kasi yun. Please.

Tuloy parin ang pag banlaw ko sa binti ni Tricia.

Peter: Ano ba dapat kong sabihin para matigil na to.

Patricia: Peter..

Peter: Wahh! Makakatanggi ba naman ako sa napaka simple niyang mukha? Sa anghel niyang katangian? Alam ko na. Ito na lang.

Peter: Alam mo na ba ang alamat ng rabbit?
Patricia: Huh?

Nakuha ko lang ito sa kaklase ko noong high school. Mark Anthony ata pangalan nun (Kapangalan nung naging kapartner ni Tricia sa Bio). Kung alam niyo na ang alamat ng rabbit, malamang alam niyo ang kahahantungan nito. Pero sa mga taong kanina lang umaga ipinanganak, ito, itutuloy ko na.

Peter: Sa isang kagubatan kasi, sumulpot yung rabbit. Walang may alam kung anong klaseng hayop siya kasi kakalabas nga lang niya eh.
Patricia: Then?
Peter: Naglakbay yung rabbit. Nakakita siya ng elephant. Ngayon, nakita ng elephant yung rabbit. Eh naughty yung rabbit. Ito ang nangyari.

Elephant: Ikaw na may puting balahibo. Anong hayop ka?

Peter: At dahil loko-loko yung rabbit.

Rabbit: Kiss muna!

Patricia: Ganon? Sobra naman yun.

SMACK!

Peter: Edi kiniss na ng elephant yung rabbit. Sabi nung rabbit sa elephant na rabbit siya. Tapos, nakakita naman siya ng squirrel. Nagtaka din yung squirrel kasi bagong hayop daw yun.

Squirrel: Uy, anong klaseng hayop ka?
Rabbit: Kiss muna!

Peter: Kasi nga, naughty yung rabbit na yun.

SMACK!!

Peter: Sabi ngayon ng rabbit dun sa squirrel na rabbit siya. Tapos lakbay ulit siya.
Patricia: Tapos?
Peter: Nakakita naman siya ng binuryak.
Patricia: Ano yung binuryak?

Peter: ....
Patricia: .... ?

Peter: Kiss muna! :p

Patricia: Ahhh! Loko-loko ka ha. Hahahaha.
Peter: Hehe.
Patricia: Sa lagoon mo pa ako dinala, nahiya ka pa na marinig ka ng ibang tao pag ikinwento mo yan. Ikaw talaga.
Peter: Kasi naman eh.

Peter: Amf, ang rabbit ko naman. Nahiya ako dun ah. Buti na lang mababaw tong ka love team ko. Hayy. Buti naman. Buti na lang inisip ni Tricia na yun ang sasabihin ko sa kanya sa lagoon.

Peter: Pero, alam ko namang hindi bobo si Tricia. Malamang, iniisip pa rin niya kung ano ba yung dapat kong gawin sa lagoon. Bahala na.

Pulang pula ang mukha ni Tricia noong mga oras na yun. Ang ganda niya. At mas maganda siya kapag tumatawa. Ewan ko ba. Masaya ako dahil kahit papaano napasaya ko siya. Kahit sa mga simpleng kalokohan ko, napatawa ko siya.

Kung tatanungin niyo kung pano siya tumawa, define HALAKHAK. Biro lang, pero yung tawa niya parang hirap na hirap siyang huminga. Tapos magiging pula yung mukha niya. Kamatis. Akala ko nga mahinhin siya tumawa kasi mahinhin siya. Nagkamali ako. Mahirap palang bigyan ito ng sobrang nakakatawang hirit, baka mamatay sa kakatawa. Pero kahit ganoon, anghel parin siya.

Natapos ko na yung kwento ng rabbit, pero hindi parin ako tapos sa pagbanlaw at pag scrub ng left leg ni Tricia.

Patricia: Peter.
Peter: O?
Patricia: Okay na siguro yan. Salamat.
Peter: Ah. Sige, wala yun. Kasalanan ko rin naman kasi ito.

Peter: Sorry talaga Tricia. Babawi ako sayo. Babawi ako.

Nurse: Ms. Patricia Coronel diba? Dahil kakaibang higad ang nakadapo sayo, kailangan mo munang magstay dito sa clinic para mabigyan ng proper treatment. So kung may klase ka, ipapa excuse na lang namin.

Patricia: So Pete, iwan mo na ako dito. Baka ma late ka pa sa last subject natin.
Peter: Ano ka ba, sasamahan kita dito.
Patricia: Huwag na. Okay lang ako.
Peter: Hindi, sasamahan kita hanggang pwede ka ng lumabas ng clinic.

Hinawakan ni Tricia yung left hand ko na nakapatong sa kama. Ang init ng kamay niya at malambot. Nakangiti pa siya noong mga oras na yun.

Patricia: Salamat. :)
Peter: :)

Nagbago na ang nararamdaman ko para sa amin ni Tricia. Pakiramdam ko, magaan na ang loob sakin ni Tricia. Sinamahan ko siya habang ginagamot siya nung nurse.

Hindi parin naghihiwalay ang mga kamay namin. Kapag mahapdi ang gamot na nilalagay nung nurse, napapahigpit yung kapit niya sa kamay ko. Iniisip ko, sana ako na lang ang nasasaktan. Sana ako na lang yung nagdurusa. Wala naman siyang kasalanan.

After 1 hour of treatment and rest.

Peter: Kumusta na yang binti mo?
Patricia: Okay na siguro to, hindi na masyadong makati. :)
Peter: :)

Peter: Ngumiti ka na naman. Sana ganyan ka lagi. Gumagaan ang loob ko kapag nakikita kitang nakangiti.

Patricia: Sige, pwede na daw kasi akong umuwi. Alis na ako. Salamat talaga sa pagsama mo sakin. Nag-absent ka pa tuloy.
Peter: Huwag mong isipin yun. Pagalingin mo yan ha.
Patricia: Salamat ulit. Bye.

Sinamahan at inalalayan ko siya hanggang sa sakayan. Hinintay ko siyang makasakay bago ako tuluyang umuwi.

Peter: Tricia. Naguguluhan parin ako. Hindi ko alam kung bakit noon pa lang, ganito na ang pakiramdam ko. Destiny ba talaga na maging magblockmate tayo? Destiny rin ba na nagkasama tayo kanina? Gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko at sa mga nangyayari. Kapag dumating ang panahon na yon, wala na akong sasayanging oras.

1 Message Received

Claire: [Bkt wla kau ni tricia kanina? may grp wrk tau. taung tatlo ni tricia grpmtes...]
Peter: [may ngyre ksi eh. bkas ko nlng kwnto.]
Claire: [okie, bkas ko nlng dn sbihin ung sa grp.. sana walang msamang ngyare sau.. :( ]
Peter: [dnt wrry claire, im fine. at sana ikaw din..]


Peter: Bahala na bukas, sana harapin ko ang umagang kay ganda.

Now Playing: Umagang kay Ganda

At dahil yan ang nagplaplay na kanta sa utak ko...

Peter:

Basta't tayo'y, magkasama (si Tricia)
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
Haharapin natin.

Huwag niyo ng piliting imaginin yung boses ko. Sa isip ko lang yan. Okay? Pero kung curious talaga kayo sa boses ko, ito. Kaboses ko daw si Christian Bautista. Walang halong biro yan. Sila ang nagsabi nun, hindi ako.








Wednesday, September 12, 2007

Scene 10: Confusion

Hindi ako panget. Oo, pero napagisip-isip ko na baka kayabangan ko lang ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko alam pero, minsan naiinggit ako sa ibang tao. Kahit na hindi sila gwapo, masaya parin sila. May kaibigan, may ka-love team, may kaaway, lahat. Kumpleto.

Teka nga, hindi naman dapat ako nagdradrama. Nang mga panahong iyon, naisip kong humingi ng tulong kay Rhayne, ang macho kong kaklase.

Sinubukan kong i-text si Rhayne para magpatulong.

Peter: [Rhayne, pde mo ba ko tlungan?]
Rhanye: [Hey pete! Sure, what's the matter?]
Peter: [pde mo b ko tlungan magpalaki ng katawan, napapangitan na kasi ako sa sarili ko..]
Rhayne: [oh cmon, thers nthing wrong w/ ur physique. bakit mo naman naisip na mag wrk out?]
Peter: [babae pare..]
Rhayne: [really? is she our classmate? woah! thats cool!]
Peter: [si patricia..]

Na-share ko na kay Rhayne ang sikreto ko. Si Patricia. Hindi ko talaga alam pero, iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko hindi ito pag-ibig. Napakabilis naman siguro noon. Pero ano ba ang alam ko, hindi ako sanay sa mga ganyang bagay.

Rhayne: [you've cme to the ryt person dude., magkita na lang tayu in school, ok?]
Peter: [thx a lot]

Next day sa classroom, wala pang tao. Maaga akong pumasok upang magkaroon kami ng oras ni Rhayne. Wala pa siya, ngunit ang sabi niya, maaga siyang pupunta upang makapagusap kami.

Rhayne: Hey pal!
Peter: Rhayne, buti naman nandito kana.
Rhayne: Kanina ka pa ba?
Peter: Hindi naman masyado, so, paano na?

Peter: Ito na, sana makatulong siya.

Rhayne: Ano ba gusto mong mangyari?
Peter: Hindi ko alam. Gusto ko siya. Ewan.
Rhayne: You see, kailangan mo lang talaga maging natural. Show her how you like her and don't be affected with what others do. Alam ko nagseselos ka kapag kasama niya si Richard. Don't be like that. Huwag mo nang isipin yung itsura mo, although its a factor, there's nothing wrong with your looks. Gwapo ka naman eh.

Peter: Gwapo ako? Patay na! Brokeback! Haha. Pero tama siya, masyado kong dinadamdam yung mga pangyayari.

Peter: So, ano dapat ang gagawin ko?
Rhayne: Be natural. Kung ano ka noon sa kanya, gawin mo parin. Its all about taking risks. Kung tatahimik ka na lang sa isang tabi, you wouldn't go anywhere.

Peter: Tama siya, hindi dapat ako magbago. Dapat bibbo kid ako lagi.

Peter: Salamat ha, siguro okay na okay love life mo, ang ayos mong mag advise eh.
Rhayne: ...

Namulat ako sa katotohanan. Dapat hindi ako sumusuko. Kung may gusto ka sa isang tao, ipakita dapat! Hindi yung pa torpe-torpe. Anak ng torpedo!

Dumating na yung ibang classmates. Social Science ang subject. At syempre, si Sir Jerome ang prof. Hindi ko alam kung ano significance niya dito sa kwento ko (kahit na sa gitna ng klase siya nag bibigay ng introduction), kasi lagi ko siyang nababanggit. Anyway, maayos naman siyang prof. Masasaya kasi yung activities sa subject na to kaya okay narin siguro siya. Pero babawi parin ako, dahil 3/10 lang ang grade ko sa una niyang quiz.

Dumating na din si Patricia Coronel.

Peter: Kinakabahan* (lub dub! lub dub!)

Peter: Tricia! Tabi tayo.
Patricia: Sure.
Peter: Umm.

Peter: Ano ba dapat kong sabihin? Wala talaga akong masabi eh. Ang kapal kapal ng mukha ko noon tapos ngayon parang putol na dila ko. Ashtray!

Patricia: So lunch tayo mamaya? :)
Rhayne: Wooo!

Peter: Huwag kang maingay Rhayne! Baka mahalata! Grrr....

Peter: Sige. Hehe, tagal na nating hindi nagsasabay eh.
Patricia: Siguro na mimiss mo na ako. :p

Peter: Oo, miss na miss na kita, kung alam mo lang. Gusto kong lagi kita kasama. Kung alam mo lang nararamdaman ko kapag nasa paligid ka. Hay! Pero sayang. Hindi ka mind reader kaya hindi mo mababasa iniisip ko. Hayy!

Peter: Hehe.

Peter: Hehe lang nasabi ko. Pambihirang sagot yan.

Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Tricia. Ang ganda niya. Kahit na hindi siya ang pinakamaganda, nag-iisa naman siya sa paningin ko. Nasa kanya ang liwanag. Minsan nga, mas gusto ko na ganito na lang. Peaceful yung scenery. Pero syempre mas okay kung nag-uusap kami. Kaya kinausap ko siya.

Peter: So, kumusta na kayo ni Richard?
Patricia: Kami? Ayun, textmates. Hehe. Kulit niya nga eh.
Peter: Ganon..

David Slater: If we had an exchange of hearts. Then you'd know why I fell apart. You'd feel the pain, when the memories start. If we had an exchange of hearts.

Peter: Textmates. Close na nga ata sila. Lagi naman ganito eh. Ako lagi yung talo. Nadedegrade na ang pagtingiin ko sa sarili ko. Sayang.

Rhayne: Uyy, Selos!

Kinurot ko yung tiyan ni Rhayne habang tawa siya ng tawa. Kanina pa siya eh! Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya na crush ko si Tricia, aasarin lang pala ako nitong animal na to eh. By the way, nang kinurot ko yung tiyan ni Rhayne, ang tigas. Macho talaga. Hahaha. Nakaka-inggit.

Dumating na si Richard Go. Papunta siya sa direksyon namin.

Patricia: Richard! Dito ka oh.

Umupo siya sa kanan ni Tricia. Bale, nasa left ko si Rhayne, tapos ako, sa right ko si Tricia, tapos si Richard.

Richard: Musta na Tricia?
Patricia: Eto, ayos naman hehe. Ikaw? Ang porma mo ngayon ah?
RIchard: Hindi naman hehe. So...

Nagkwentuhan sila. Grabe. Suaveng suave ang pagkakasalita ni Richard. Ayun, nagkwentuhan na sila. Samantalang ako, hindi ako makahirit. Dumating si Claire, pero parang malungkot siya pagkatapos niyang pumasok sa room. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang makausap, kaya lang malayo ang inupuan niya.

Peter: Ano kaya problema ni Claire. Dahil siguro hindi niya ako katabi. Joke lang. Pero ano nga kaya problema niya?

Rhayne: Ano ba talaga nararamdaman mo para kay Tricia?
Peter: Hindi ko alam.
Rhayne: So why are you acting like that?
Peter: Im not acting.
Rhayne: Bakit ka ganyan? Ilabas mo na yan, bago pa mahuli ang lahat.

Ang unang pag-ibig daw, mahirap makalimutan. Unang crush ata dapat title nito. Wala kasi akong kasiguruhan kung crush ko lang ba si Tricia, o gusto, o mahal. Kakakilala lang namin. Dahil ba pakiramdam ko na matagal na kaming magkakilala, kami na ba talaga? Dahil ba lagi ko siyang nakikita sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan, meant to be na ba kami? At dahil ba laging may love song na automatic na nagplaplay sa utak ko kahit hindi ko gusto, pag-ibig na ba ito?

Dumating na yung prof namin. Nag lesson na naman siya about love. Love. Mahirap daw i-define ang love. Hindi rin alam kung psychological o biological eklavush daw ba yung love. Pero marami ng tao ang napapahamak sa love. Marami na ang nasirang buhay ng love na yan. Maraming ng gyera ang naganap dahil sa love na yan.

Marami narin ang na impluwensyahan ng love na yan para mag sulat ang mga writers ng mga walang kwentang nobela. Take it from me. Sa mga nabasa kong nobela, yun!

Natapos na yung boring niyang lesson. As usual wala na naman akong natutunan. Puro plano ang inisip ko during those times.

Peter: Ano ba dapat kong gawin? Masyado naman kasi sigurong maaga kung mag tatapat na ako ng nararamdaman ko. Sige. Huwag na lang muna. Dahan dahan dapat.

Patricia: Peter, ang tahimik mo naman. Tara lunch na tayo. Wala na ring tao dito sa classroom oh.
Peter: Pasensya na, tara.

Habang naglalakad kami sa corridor.

Peter: Tricia, may tiwala ka ba sakin?
Patricia: Huh? Bakit?
Peter: Punta tayo sa lagoon, may ipapakita ako sayo.
Patricia: Ganon? Sige.

Lagoon, lugar yun na mapuno as in maraming trees. Lovers' nest daw ito sa UP Diliman. Niyaya ko si Tricia na pumunta doon dahil ito na yung pinaka suitable place para sa pinaplano ko. Naglakad na kami papuntang lagoon. Mejo mahangin pa ng mga oras na yun.

Peter: Bahala na.

Patricia: Umm, bakit naman sa lagoon pa?
Peter: Nasasayo naman yun Tricia eh. Kung ayaw mo, okay lang. Hindi naman kasi ito sobrang mahalaga.
Patricia: Okay lang sakin. May mga kailangan din kasi akong sabihin sayo.. Baka kasi ito rin yung tamang oras para dun..

Peter: Ano? Ano naman kaya sasabihin niya? Darn! Hindi ko alam kung ma-eexcite ako or ano. Basta, kailangan matuloy yung pina-plano ko.

Dumating na kami sa lagoon. Napakaganda ng araw. May mga ibon na humuhuni, may mga paru-paro na nagliliparan. Napaka peaceful. Hindi sobrang init ng panahon. Mas bagay siguro kung maglalagay ka ng isang mapayapang kanta. Yung pang forest, pero may pagka love song. Ayan. Mas okay nga yun. Dinala ko siya sa isang lugar na walang tao. Yung kami lang talaga.

Peter: Tricia, kailangan ko ang tiwala mo para dito. Handa ka na ba?
Patricia: ...
Peter: Tricia.
Patricia: Game, ano ba to?

Peter: Game, ito na.




--------------------------------








Sunday, September 9, 2007

Scene 9: Nosebleed

CAST

Nailarawan ko na ba ang sarili ko? Ako nga pala ulit si Peter Ocampo (kung sakaling nakalimutan niyo ang kanais-nais kong pangalan). Well, gwapo ako (syempre), matipuno (macho/hunk), hindi sobrang tangkad at mabait. Lagi akong naka shirt, shorts at sapatos. Minsan, nagslislippers din ako. Oo, mabait ako. Madami lang talaga akong insights minsan na mejo brutal (gaya ng mga nabasa niyo), pero mabait talaga ako. May konti akong kayabangan, pero kung magyabang ako, sa isip ko lang. Computer Engineering ako sa UP Diliman, block ko ay G-9 at 3/10 ako sa first quiz namin sa Social Science (love is the greatest love of all). Hindi ako komedyante, pero natatawa yung mga kaklase ko sakin, hindi ko alam kung bakit.

Sa block kong G-9, iba iba ang tao. May corny kid, may maganda, may cute, may gwapo (ako), may madaldal, may masungit, may suplada, may ubod ng bait (ako ulit), may pwedeng maka love-team at may pwedeng ma ka rival. Hindi ko pa sila ganoong kakilala dahil kakasimula lang ng klase ngunit inaasahan ko na magiging kaibigan ko silang lahat.

Iba iba rin ang mga guro. Isa pa lang guro ang naipapakilala ko. Hindi na naman kasi siguro mahalaga kung ipakilala ko silang lahat. Nandiyan si Sir Jerome, ang prof na sa gitna ng klase nagbibigay ng introduction. Sa kanya ako unang nagkaroon ng bagsak na quiz. Badtrip. Pero babawi naman ako eh.

Naipakita ko narin dito yung mga naging kaibigan ko noong high-school. Nandiyan si Cyrus David. Ibang school siya pero minsan siya ang tumutulong sakin na magsurvive dito sa school na ito. Nandiyan din si Paolo Pascual. Ang tarantado kong kaibigan. Loko loko ito at hitik sa kalokohan. Mabait naman ito eh, kaya lang kulang lang sa katinuan. Anyway, mahalaga ang role nitong mga friends ko na ito sa buhay ko dito sa school, dahil sila ang mga fans ko. Joke lang.

Oo nga pala, nahawa ako sa prof ko na sa gitna ng klase nagbibigay ng Introduction. Tingnan niyo naman, scene 9 na ito pero nandito yung pagpapakilala ng mga cast. Well, ganoon talaga.

Ito na, itutuloy ko na ang buhay ko.

Peter: Ayos, textmates na. Ano kaya pwedeng i text kay Tricia? Hmm.

Paolo: [oi, tagal na nating hindi nagkikita ah? nagkaroon ka lng ng new friends ndi mo na ko tinetext.]
Peter: [bkt? babae kba para itext kita? hahah]
Paolo: [lol, bakit? may ka text kabang babae? haha asa!]
Peter: [sa gwapo kong to? wala aqng ktxt na girl? baka ikaw! kaya mo cguro ako tnetext kse ala ka ktxt. haha!]
Paolo: [angas naman! suntukan na lang!]

Peter: sabi na eh, isang malaking pagkakamali na magreply ako sa hayop na to. Hmm, ano nga kaya itetext ko kay Tricia? Alam ko na!

Peter: [tricia, musta na?]

Peter: Hindi, panget. Halatang wala akong ka text. Dapat yung medyo, may spice.

Peter: [So, how's your my friend?]

Peter: Pambihira, ang bobo ko naman sa grammar at spelling, haha. Tweak ko lang sandali. Saka baguhin ko yung friend, baka isipin niya Group Message ito.

Peter: [So, how are you my Tricia?]

Peter: Game!

Peter: [So, how are you my Tricia?]

Peter: Wah! Bakit ko nga pala nalagyan ng "my" ? wahh! Cancel Cancel! Sana wala akong load! Wahh!Bahala na si Batman.

Patricia: [ayos lng, hihi. salamat kanina sa pagsama sakin ha. :)]

Peter: Phew, buti na lang hindi niya napansin yung My Tricia.

Peter: [wala yun noh, wala rin naman kasi tayong assgn bukas diba? hehe]
Patricia: [mron kya! ung sa bio]

Peter: Anak ng Beatles naman oh, nakalimutan ko yun ha.

Peter: [ayyy uu nga noh, hehe. Sige, gwin ko muna yun. Buti na lang nkatxt kta, hehe. Salamat ha! nyt!]
Patricia: [nyt =)]

Ginawa ko muna yung assignment. Then, natulog na ako.

Next day. Na late ako sa klase. Actually hindi naman talaga late dahil wala pa yung professor, pero halos puno na yung mga upuan. Nakita ko sina Claire, Christina, Leslie, Richard at Tricia na magkakatabi sa isang row. Oo, magkatabi sina Richard at Tricia. Pambihira.

Peter: Bakit ba ako na late ng ganito, hindi ko tuloy makakatabi si Tricia. Nagtabi pa yung dalawang yun. Patay na.

Claire: Peter! Dito ka oh, pinagreserve kita ng upuan.
Peter: Salamat ha, baka malayo ako sa inyo.
Claire: Wala yun.

Peter: Ang bait talaga ni Claire, siguro may boyfriend na to. Hehe, matanong ko nga.

Peter: Uy Claire, may boyfriend ka na ba? Haha!
Claire: Wala pa noh. Wala pang nanliligaw hehe.

Peter: Owss? Ikaw? Hmm, nagkwekwentuhan sina Tricia at Richard, pero ano ba naman magagawa ko dun. Mga bida talaga, inaapi muna sa umpisa.

Peter: Ganon ba, wala lang. Natanong ko lang hehe.
Claire: Ganon ba? Ikaw, may girlfriend ka na ba?
Macho Hunk: Excuse me, have you copied the notes given by our professor last meeting?

Peter: Nosebleed, english yun ah. Tagalugin ko nga, baka ma-dali ako sa english nito eh.

Peter: Meron, ito kopyahin mo na lang.
Macho Hunk: Thanks pal, by the way, Im Bernard Pelayo.
Peter: Peter Ocampo.

Peter: Ayos! Haha. Pwede na sigurong addition sa friends list si Bernard. Macho eh. Kunware may gang war dito or may nakaaway ako dito sa school na ito, pwede ko siyang gawing resbak at gawing pader sa mga kaaway ko. Haha. Why not? So Bernard, how's our muscles doing? Hahaha! Feeling ko macho na rin ako haha.

After copying my freakin' notes.. (woosh, nag eenglish na rin ako)

Bernard: Thanks pal. Here's your notebook.
Peter: Thanks. Medyo mahaba yung Bernard, pwede ba kitang tawagin sa ibang pangalan?
Bernard: Rhayne would be fine pal. With the H okay?
Peter: Yeah sure!

Nagklase na yung prof namin. Medyo malungkot lang ako dahil na solo ni Richard si Tricia.

Peter: Hay buhay, ma text nga si Tricia. Hindi ko kasi siya makausap, ang layo eh. Five seats apart kami.

Peter: [Tricia, sbay nmn tayu mg lunch mmya. ok lng?]

...
...

After 10 minutes

Patricia: [uy, sorry kung ndi agad ako nka reply, nakikinig kasi ako sa klase. sige ba, kaya lng ok lng ba sayu kung tatlo tayo ni richard?]

Peter: ....

Peter: [wag nlng pla. hehe, kayu nlng ni richard. sige enjoy!]

Ang bitter ko naman. Kung mararamdaman niya lang yung emosyon ko ng itext ko yan, hay. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong magagawa sa mga ganyang bagay. Hindi naman ako Diyos para pigilan sila.

Claire: Peter, sabay tayo mag lunch. May pupuntahan daw kasi sina Leslie at Christina, tapos si Richard naman kasabay daw si Patricia.
Peter: Sige Claire, tutal, wala rin naman akong makakasabay mamaya.
Rhayne: Excuse me, can I join you guys during lunch?
Claire: Sure! Mas masaya diba pag madami.

Peter: Ayos, feeling ko talaga magiging ka close ko itong si Claire. And itong si Rhayne, muka namang gentle giant itong machong ito eh. Hehe. Ayos na to, bahala na sila ni Richard at Tricia. Mag enjoy sana sila! Hmph!

Lunch Break. Kwentuhan kaming tatlo ni Claire at Rhayne. Bonding moments. Hehe. Kahit na medyo malungkot ako dahil hindi ko kasama ang ka love team ko, nandito naman sina Claire at Rhayne. Syempre, nagkaalaman kami ng cellphone numbers and all. Hmm. Si Rhayne. Gentle giant talaga siya. Haha. Friendly pala ito. Akala ko sanay lang siya sa bangasan at gang war. Pero okay naman, feeling ko nga close na kami eh, haha. Si Claire naman. Maganda siya gaya ng description ko noong una. Akala ko nga saucy girl itong si Claire at suplada, mabait naman pala. Hindi parin ako makapaniwala na wala pang boyfriend itong si Claire. Kung titingnan nga, mas maganda pa si Claire kay Patricia. Pareho din silang mabait.

Nagtatagalog naman pala si Rhayne eh, mas sanay lang talaga siguro siya mag english. Conyo. Haha.

Rhayne: Umm guys, I need to go. Itong prof kasi namin, he's so rigorous!

Peter: Ano daw? Rigorous? Negative siguro yung word na yun, haha! Malay ko ba.

Peter: Sige, kami rin. Next time, lunch ulit tayo.
Claire: Bye Rhayne!
Rhayne: Goodbye guys.
Peter: Bye.
Claire: Umm Peter..
Peter: Tara, baka ma late pa tayo sa bio class natin.
Claire: Okay..

Biology class na namin. Hinahanap ko yung Mark Lacsamana na yun, yung kapartner ni Tricia sa Bio.

Peter: Mark, hinahamon kita. Mag duwelo tayo.
Mark: Baka hindi ka na makilala ng magulang mo pagkatapos nito?
Peter: Hindi ka na sisikatan ng araw. Hayop ka!
Mark: Baka may lamay na sa bahay niyo bukas.

Panandalian kaming naging poet dahil sa lalim ng mga aming pinagsasabi.

Now Playing: Eye of the Tiger - Survivor

Kung wala kayong ideya sa kantang yan, yan yung madalas na tugtog sa boxing, or yung kay Rocky Balboa. Iyan yun!

Tenk tenk! Tumunog na yung bell. Nagsimula nang mag away ang tigre at ang leon.
Binigyan ko siya ng straight sa panga. Hindi siya nakaiwas. Mejo naging groggy siya. Ngunit, agad siyang bumawi. Siniko niya ako sa tyan. Nawalan ako ng hininga. Pero hindi ako pumayag. Sa ngalan ng pag-ibig, binigyan ko siya ng Gazelle Punch* sa baba (chin). May nakita akong stars sa ulo niya. Umagos din ang dugo mula sa dalawang butas ng kanyang ilong, hudyat ng kanyang pagkatalo. Ako ay nagwagi. Nagsipalakpakan yung mga kaklase ko sa biology. Ang gaan ng pakiramdam.

Patricia: Peter.
Peter: Huh?
Patricia: Ipapasa na daw yung assignment sa biology. Hindi na lang kita ginising kanina, baka kasi napagod ka.
Peter: Ahh ganon ba. Akala ko naman kung ano. Nananaginip na nga ako eh. Hehe.

Peter: Panaginip lang pala. Sayang. Akala ko pa naman durog na yung mukha nung hayop na yun. Anyway, hindi ko naman magagawa yun eh. Kapartner niya si Tricia, baka bumaba grade niya kung laging nasa ospital si Mark at nagpapagamot ng kanyang mga sugat.

Peter: Kumusta naman yung lunch niyo kanina?
Patricia: Ayos lang, kayo?
Peter: Ayun, new friend si Rhayne, yung machong bata.
Patricia: Ahh, hehe. Buti naman kung ganoon.

Natapos ang biology class namin. Uwian na. At least may bago akong friend, macho pa. At kahit sa panaginip, natalo ko si Mark sa tagisan ng lakas.

Peter: Sige Tricia. Uwi na ako, Bye.
Patricia: Bye Peter.
Richard: Bye Tricia, next time ulit ha.
Patricia: Sige Richard, ingat ka.
Imaginary Crowd: Awwww
Claire: Bye Peter, ingat ka ha.
Peter: Ge.

Peter: Abuso ka ha, anong next time? Parang close na sila ni Richard at Tricia. Ang bitter naman nito.

Umuwi na ako sa bahay, susubukan kong huwag magpaapekto sa mga nangyari. Bakit ba ganito? Masyado kong binibigyan ng issue ang maliliit na bagay. Si Claire. Buti na lang nandiyan siya, lagi akong may kasama.

Ano ba ang pwede kong gawin para mapansin naman ako ni Tricia? Ano nga kaya?

Peter: [cyrus, diba nanchichix kana jan sa school mo?]
Cyrus: [di naman? bkit? may prblema?]
Peter: [nu ba sikreto para mpansin ng isang babae?]
Cyrus: [wag ako tanungin mo, hindi ako babae. gudlak!]

Peter: Hmm, alam ko na!

Peter: [Claire, ano ba preference niyo sa mga lalake?]
Claire: [Hi peter! umm y mo nmn ntanong? xmpre gwapo, responsible at loyal! :p]
Peter: [yun lng ba? mron p bng iba?]
Claire: [umm, xmpre ok din ung malaki katawan. msrap i hug ang malalaking arms noh :p]

Peter: Tama! Si Rhayne! Sa kanya ako hihingi ng advice!


*Gazelle Punch - Isa sa mga special attack ni Makunochi Ippo. Para siyang uppercut, na ang kilos ay parang isang gazelle (antelope).