Dumating na si Sir Jerome. Pag-uusapan na nga dapat namin yung tungkol sa aming performance na pang international, kaya lang nabitin.
Masaya ako kasi katabi ko si Tricia, yun nga lang, pakiramdam ko sila lang ni Richard Go ang magkatabi. Woi. Selos ah! Pero wala na rin akong ginawa noong mga panahon na yun. Mukhang masaya naman sila pareho eh. Bahala na.
Sir Jerome: For today, I will give you time to prepare for your group performance on our sem ender. So any questions regarding this matter?
Richard: Sir question.
Peter: Ayos ah, bibo.
Richard: Are we allowed to let our friends outside this class to participate during the presentation?
Sir Jerome: Why, do you have plans on doing that ?
Richard: Well sir, I think it would be better because all of us are not that professional to perform to make everyone enjoy the show.
Peter: Wow english pa! Ang sabihin mo, hindi mo kaya. Wahahaha. :p
Patricia: Sige na sir please !!
Peter: Huh? Magkagroup pala silang dalawa. Naman. Mukhang mas lumalayo na ako kay Tricia ah.
Noong mga oras na yun. Mas ginanahan ako na ibigay ang buong effort ko para ma-impress si Tricia, well, kasama na rin yung buong klase. At hindi ako nagpatalo sa pagiging bibo ni Richard Go.
Peter: Sir, hindi na naman kailangan na magsama pa ng ibang tao dito. Hindi naman kailangang maging propesyonal para makapagperform diba? Unfair naman yun, kasi hindi lahat kami may kakilalang magaling mag perform.
Peter: Ano ka ngayon. Haha.
Peter: Kaya lang, mukhang magmumukha akong kontrabida sa paningin ni Tricia. Darn!
Sir Jerome: It's a class sem ender so, sa tingin ko mas maganda kung tayo-tayo na lang yung magpeperform. Madami namang pwedeng gawin para mapaganda ang isang performance diba? Kaya niyo na yan.
Richard: Okay sir.
Sir Jerome: Questions? ... None ?
Sir Jerome: Okay, so you may meet with your groupmates.
Nagkagulo na yung classroom. Take note. Gulo as in gulo. Sabog yung mga upuan. Umingay. Lahat. Buti na lang, nakapag-aya agad si Rhayne na sa labas kami ng classroom magmeeting, at lease medyo mahina ang ingay na maaaring maka-distorbo sa amin.
Rhayne: Apat nga pala tayo sa grupo. Im sure kilala mo na si ..........
Peter: Wow, ka group ko pala si Claire. Hehe. Ayos ah, three boys and one girl. Sino kaya itong guy na 'to? Hindi ko kasi alam pangalan niya. Pero I know him by face. Syempre, kaklase ko siya.
Rhayne: ..... absent ka kasi Peter eh. Ito nga pala si Tikes.
Peter: Huwahahahahaha !! Tikes ! Ahahahaha.
***NOTE***
Hindi ako natatawa sa pangalan na Tikes. Si Peter lang yun. Okay? It's only for the purpose of writing this nonsense story. Kung meron mang may Tikes ang pangalan sa inyo , or may kakilalang Tikes, PEACE. Isipin niyo na lang, BIKES yung pangalan.
- Author
***********
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang cute ng pangalan niya eh. Tikes. Pronounced as tayks. Parang Little Tikes. Ahahah. Ewan. Napawi yung problema ko dahil dun. Hindi mo iimaginin sa kanya na Tikes ang pangalan niya. Buti nga hindi ako umiinom or kumakain. Baka maisuka ko ito sa kanila. :)
Ito, imaginin niyo. Ito dapat yung mga pangalang bagay sa kanya.
1. Jose
2. Mario
3. Enrique
4. David (Da-vid, hindi Deyvid)
Nakuha niyo ba? Basta! Macho, matangkad, pero Tikes. Ah basta. Tawa ako ng tawa sa isip, at konti na lang, matatawa na talaga ako.
Peter: Hi... Tikes.
Peter: Ahahaha !! Di ko na kaya.
Claire: Huy! Bakit lumolobo ung cheeks mo? Natatawa ka ba? Hihi.
Peter: Hihihindii ! Natutuwa lang ako kasi excited na ako sa gagawin natin.
Peter: Kasama si Tikes. Hahaha !!
Kamot, kamot.
Peter: Umm Tikes, ano ba full name mo ?
Tikes: Ah, eh. Guillermo Sandoval. :D
Peter: Hahahhahahahahahahahaha !! Ayyaaaw ko naaaa !!
Hindi ako nagkamali. Parang ganun nga ang pangalan niya. Haha. Ayos ah. Parang ang layo ng Tikes sa Guillermo. Hmm.
Peter: Ngiyahahha !! Ayoko na! Ayoko na. Tama na nga! Baka makahalata na sila. Tama na. Ayan, hindi na ako natatawa.
Kamot, kamot.
Peter: Game, ano na ba ang plano.
Claire: Ganito kasi yung napag-usapan namin. Mag peperform tayo na parang isang rock band.
Peter: So, kaya niyo mag instruments?
Claire: Yes. Mag gigitara na lang ako. Si Rhayne sa drums. Si Tikes naman sa bass.
Peter: At ako ang bokalista?
Rhayne: Tama, at final na yun kasi wala ng bawian.
Peter: Bakit? May ideya ba kayo kung paano ako kumanta?
Peter: Aray..
Tikes: Okay lang yan. Kaya nga tayo mag-prapractice diba? At saka, ano naman kung panget ka kumanta or what. Sure naman tayo na matutuwa sila, ano man ang maging resulta ng performance natin.
Rhayne: He's right Peter, I'm not a professional drummer either. Even Tikes just started using the bass guitar last week.
Peter: Sige. Game ako diyan. Anong kanta naman ang ipeperform natin?
Peter: Aray! Kanina pa to ah.
Claire: Kayo mag-decide. Kahit ano sakin okay lang.
Rhayne: Love song na lang guys. Mukhang may haharanahin si Peter eh.
Peter: Woi teka teka teka. Huwag ganun.
Peter: Huwag mo kong ibuking Rhayne. Grrr..
Peter: Aaww, ang kati.
Claire: Uyy ! Si Tricia yan no ?
Tikes: Crush niya si Tricia? Uyy !!
Peter: Tigilan niyo nga ako.
Peter: At saan ba nanggaling itong mga langgam na to !!
Ang daming langgam sa bag ko. Kaya pala kanina pa ako nangangati.
Peter: Ang daming langgam oh ! Tangerine!
Rhayne: Bakit ba kasi ang daming langgam diyan?
Peter: Bakit nga ba? Hindi ko naman ginusto 'to eh.
Claire: Ang sweet kasi ni Peter eh. Hihihi.
Peter: Aba aba, ako lang may karapatang pumanchline. Hmph. Nagdududa na ako sa'yo.
Rhayne: Kaya nga nagtataka ako bakit hanggang ngayon di parin na-iinlove sa'yo si Tricia eh.
Peter: Anak ng !
Claire: Wahaha!!
Tikes: Ayos ah. Mag joke time na lang tayo sa sem ender.
Rhayne: Uyyy!!
Tikes: Grabe, kinikilig ako sa inyo.
Well sige. Palipasin muna natin yung momentum nila. Tawa sila ng tawa. At sunod sunod yung banat tungkol sakin. Hindi ko na lang ikwekwento. Busy ako sa pag-alis ng mga langgam sa bag ko. Nakita ko na ang salarin. May chocolate sa bag ko.
Naalala ko, ibibigay ko nga pala dapat kay Tricia ito, kaya lang, naglunch sila ni Richard noon at tuluyan akong nagkasakit. Hay. Anyway. Tinapon ko na lang. At least, nag-enjoy yung mga langgam.
Nagsawa na rin sila sa kakatawa. Bumalik na sa performance yung topic.
Peter: So anong kanta nga?
Claire: Ikaw Lamang - Silent Sanctuary
Rhayne: Wooo !!
Tikes: Sana'y di na tayo magkahiwalaaaaay. (pakanta yung pagsabi niya)
Rhayne: Magugustuhan ni Tricia yun.
Peter: Next !! Huwag yun. Napaka pang love team yun eh.
Peter: Saka na yun, kapag kami na. Hahaha :p
Tikes: Ano kaya, You're Guardian Angel ng Red Jumpsuit ?
Rhayne: Pwede pwede!
Peter: Yak, emo. Huwag yun.
Claire: Eh ano?
Peter: Dapat yung safe, kasi pag nagsabi ako ng love song, aasarin nila ako.
Peter: Ewan.
Claire: Bed of Roses ?
Peter: Huh? Sakit sa lalamunan nun. Saka pangmataas na boses yun !
Tikes: Baka hindi natin kayanin yung music nun, legend sila eh.
Peter: Tama.
Rhayne: Alam ko na.
Tikes: Oh ?
Rhayne: Here Without You - Three Doors Down.
Peter: Pwede, madali lang kantahin yun.
Peter: Kaya niyo ba yun tugtugin?
Claire: Ayos yun, mukhang madali lang naman yung tunog nun.
Peter: So agree na kayo doon?
Tikes: Sige, yun na lang.
Peter: Sige. Kaya yan. Medyo love song na hindi halata. Kaya lang, mukhang sawi sa pag-ibig kumakanta nito. Haha. Bahala na nga.
Peter: Ano kaya gagawin nina Richard at Tricia? Acting? Hindi siguro. Kakanta? Siguro. Sasayaw? Ewan. Bahala sila. Basta, kami dapat pinakamagaling.
Naghihiyawan yung mga kaklase ko sa Social Science. Ang sarap mag perform. Nanlalaki mata ni Tricia. Hay! Siguro nahulog na siya sakin. Yes! Tama. Ang dami ko ng fans. Pati mga klase sa ibang section nanonood sa performance namin. Si Claire, ang galing mag solo. Umiiyak yung gitara niya. Si Rhayne, todo bigay sa pag hataw ng mga drums. At si Tikes. Ang bilis ng daliri. Grabe. Gusto ko yung palakpakan nila.
Claire: Peter.
Peter: O?
Claire: Dismissed na yung klase. Hinintay lang kita. Mukhang lumipad na naman isip mo kanina eh.
Peter: Ahaha. Oo nga eh. Ang ganda ng naiimagine ko. Rock Band na tayo.
Claire: Hihi.
Peter: Sana hindi mo na ako hinintay.
Nakita ko si Tricia at si Richard na lumabas ng room. Well, kasama niya yung mga groupmates nila, pero sila lang talaga nakita ko. Selos na naman. Yuck.
Claire: Selos ka no?
Peter: Saan?
Claire: Sa kanila (Sabay turo kina Tricia)
Peter: ..
Claire: Hayaan mo, magiging masaya ka rin :)
Peter: Syempre naman. Magiging rock band nga tayo diba? :)
Peter: Sana nga.
Matapos ang klaseng iyon, sabay-sabay kaming nananghalian upang ituloy ang napag-usapan.
----------------------------------------
Sunday, March 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

7 comments:
haha~! pede bang sumali sa rock band niyo, peter? ay, kuya raf, *makaka-distorbo* --> makakaistorbo. ahehe.. napansin ko lang ulit.. :> napakamakata nung last sentence~! hahahaha~! ang ganda talaga ng UPD!!! (",)
omg papi pagkagaling mo school post mo agad !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hayaan mo magiging masaya ka din haha=D
Natapos ko na din carlo este Karlo. hintayin ko na lang ung susunod.
Goodluck sa performance nila peter. hehe. dapat europa na lang tinugtog nila hehe
@Anonymous
Kilala kita. Vincent Troy Benzayb. Haha. Ako? Masaya naman ako ah? Si Peter lang yung hindi pa kontento.
@jeanie
Okay na sakin yung makaka-distorbo. Ang pagkakaalam ko kasi, pwede rin yan. Hehe. Rock Band namin? Wala akong band. Kay Peter ka sumali.
@polo
Bakasyon na namin, next week pa ang start ng summer classes so wala akong pasok sa ngayon :)
tagal :(
wow...the best arf...galing tlga..nbasa at ntapos k din tong blog m na toh....kelan n ung next?...bitin eh...tpos antgal n nito...
nakakatuwa tlga cya...haha...ansaya...d p ako mkagetover eh...hehe...
ung sem s story...parang mabilis n mbagal...hyaan n nga lng...bsta ung next arf ahh..
gudlak...hntayin ko....
hahahaha. tikes. hehe. sana nga maging rock band sila. sana maging ayos yung performance nila. hehehehe. ganda nga ng here without you. =] goodluck kanila peter. ΓΌ
Post a Comment