1 Message Received
Peter: Hindi naman to si Tricia eh, malamang GM lang to na walang kwenta. (Pero iniisip ko na si Tricia nga sana)
INBOX
- Paolo Pascual
- Globe Advisory
- Globe Advisory
- 2870
Paolo: [Huy Pedro haWz layp !? :p]
Peter: Bakit ko naman rereplyan tong kumag na to. Bahala ka nga.
Nag muni-muni na lang muna ako. Hindi ako makatulog. Hindi ako makakain. Nakahiga lang ako sa kama. Minsan, dinadalaw ako ni Mommy para painumin ng gamot at pakainin. Nanghihina talaga ako. Kung sino pa yung pinaghuhugutan ko ng lakas, siya pa yung wala. Pero kahit ganon, hindi nito napigilan na manood ako ng SOCO o Scene Of the Crime Operatives. Favourite ko ata yun.
Meron daw kasing batang kinadena sa sariling bahay para hindi maka-gala o mag-liwaliw. Parang penoy nga yung magulang niya eh. Tama ba naman na tanggalin mo ang karapatan ng iyong anak na gumala sa inyong lugar? Unless, pugad talaga ng krimen yung lugar, at may taong gumagala doon para dakipin ang mga bata upang ilagay sa sako at gawing pampatigas ng semento na ginagamit panggawa ng tulay.
Anyway, kaya ko naman favourite yung SOCO ay dahil sa host, hindi sa kwento. Si Gas Abelgas kasi yung host. Ewan ko pero, nakakatuwa siya. At yung pangalan niya. Redundant. Pwedeng (Gas Abelgas Abelgas ....n - 1)
Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. 1 a.m. na ng umaga ngunit masamang masama pa rin ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang cellphone ko, hoping na may makikita ako na ikakatuwa ko.
2 Messages Received
Peter: Sino na naman kaya ito?
INBOX
- Patricia Coronel
- 2870
- Paolo Pascual
- Globe Advisory
- Globe Advisory
- 2870
Binilisan kong tingnan ang mensahe niya sakin. Ito na nga ang pinakahihintay ko. Hindi ako nabigo.
Patricia: [goodluck sa exams natin next week! goodnight everyone!]
Nabigo pala ako.
Peter: Masyado nga akong nag-assume. Masyado ko kasing inisip ang halik na yun. Wala lang pala sa kanya yun. Hehe. Tanga ko talaga. Gwapo nga ako, madali namang ma-uto.
Konsensya: I-text mo kasi. Puro ka salita sa isip eh.
Peter: Eh bakit ba? Hindi man lang ba siya magtataka kung bakit ako nawala?
Konsensya: Bakit? Boyfriend ka ba niya?
Peter: ....
Konsensya: Hindi mo ba inisip na malay mo, pati siya, naghihintay din ng text mula sayo? Iniisip niya kung bakit bigla ka na lang nawala, na hindi ka man lang nag tetext, o nag papaalam? Bago mo siya sisihin, intindihin mo muna ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi nangyayari ang mga bagay na inaasahan mo.
Nang marinig ko yun mula kay konsensya, naisip ko na may punto siya. Tama. Maaari ngang ganun. Pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko alam kung nag-hihintayan ba talaga kami ni Tricia, kung wala lang sa kanya ang mga nangyari, o kung sino ba ang mas gwapo, ako o si konsensya?
Fade to Black
..
..
Mommy: Ang taas pa rin ng lagnat mo?
Peter: Mmmm.
Mommy: Anong gusto mong kainin?
Peter: ...
Mommy: Sige, iwanan ko na lang dito yung pagkain. Kumain ka ha. Tapos inumin mo tong gamot. Buksan mo na lang yung tv. Spongebob na.
Peter: Spongebob ?!
Binuksan ko agad ang tv nang malaman kong spongebob na. Isa pa yun na paborito ko. Lalo na yung crabby patty. Sayang, may lagnat ako. Masama pa rin ang pakiramdam ko.
Pinanood ko si spongebob. Nagluluto siya ng crabby patty. Mmmm! Nakakatakam. Naglalaway tuloy ako. Kapag may lagnat ako, pinaka ayaw ko yung magsusuka ako. Nagsisimula yan kapag naglalaway ako. Tapos pipigilan ko, kaya lunok ako ng lunok.
Dahil kay spongebob, naglalaway na talaga ako. Ayan na. Nasusuka na ako. Hindi ko na mapigilan.
:D
:D
:)
:p
Hindi ako nakapasok nung araw na yun. Mataas pa rin ang lagnat ko, masama ang pakiramdam at heartbroken. Parehong pareho ang nangyari. Mag-isa, walang nagtetext, nakahiga, gwapo pa rin, at cute. Ang kaibahan lang ay ang petsa. Inisip at hiniling ko na sana, kinabukasan, makapasok na ako ng paaralan. Na-miss ko na rin kasi ang mga kaklase ko. Si Richard Go! na karibal ko. Si Claire na chick at mapag-alaga. At si Tricia, na isang anghel.
Nakalimutan ko pala, si Sir Jerome. Ang Soc Sci teacher namin na laging naka ngisi.
---------------------

4 comments:
aww.. how sad.. nakakarelate p q.. hahaha.. i know the feeling..
"Nakalimutan ko pala, si Sir Jerome. Ang Soc Sci teacher namin na laging naka ngisi."
wahaha.:))
im with you peter
"Biglang nanginig ang ulo ko. Akala ko mamamatay na ako. Cellphone ko lang pala na nag-vibrate."
hahahah! tawang tawa ko d2
Post a Comment