Umuwi akong nakangiti. Pero huwag niyo namang isipin na nakangiti ako buong magdamag. Siyempre, nakangiti ako pero hindi yung abot tenga. Yung mukhang masaya lang, hindi yung mukhang tanga.
Nakauwi ako sa bahay. Medyo madilim na, traffic sa Katipunan (As usual). Ngunit kahit ganon, hindi nito masisira ang araw ko. Halikan ka ba naman ng ka love-team mo eh. Try mo.
1 Message Received
Cyrus: [Msta na bro?]
Peter: Wow si Cyrus! Ang tagal din niyang hindi nagparamdam ha.
Si Cyrus. Kung nakalimutan niyo na kung sino siya, siya yung kaibigan ko na naging kaklase ko noong high school. Naintroduce na siya noon sa Scene 1 at mas ipinakilala pa sa Scene 9.
Anyway..
Peter: [Ayos na ayos pare..]
Cyrus: [Ikaw ha, may nangyayari sayong maganda, hindi mo kinekwento sakin...]
Peter: [O bakit? Sasabihin ko naman sayo eh, kaya lng iniisip ko kng bc ka..]
Cyrus: [Ganyan ka na, may bago ka lang set of friends,.. baka nga may girlfriend kna, tapos hindi mo kinekwento sakin..]
Peter: Drama!
Peter: [ito na nga kwekwento ko na eh.. mall tayo bukas, kwentuhan tayo..]
Cyrus: [ge, libre mo ha..]
Peter: [!@$#@!]
Peter: Hmm.. Hindi pa rin nagtetext si Tricia. Ma-text nga.
Peter: [Good evening Tricia!]
...
...
...
1 Message Received
Alam ko napansin niyo na wala na yung "Tunk tunk" na sound effects. Naka silent mode kasi yung cellphone ko. Okay?
Cyrus: [Bukas ha, libre!]
Peter: Akala ko naman si Tricia na. Sigh*
....
....
....
Mommy: Peter.
Peter: Po?
Mommy: Nakita ko tong resibo na to sa kwarto mo. Ayos ah. Stuff toy!
Peter: Arghh.
Mommy: Kanino mo to binigay?
Peter: ....
Mommy: Baka naman doon kay Paulina ba yun. Uyyy!!
Peter: Patricia, hindi Paulina.
Mommy: Edi sinabi mo rin.
Peter: Bakit ba lagi na lang ako talo sa nanay ko? Anak ni Snorlax naman oh.
Mommy: Sana, sinabi mo sakin. Edi binilhan kita ng flowers. Madami akong alam diyan na shop. Kahit libre ko pa ayos lang. Kaysa naman sa stuff toy, masyadong common. Ewww..!
Ewan ko ha, hindi naman psychologist ang nanay ko, pero ang dami niyang nalalaman sakin. Galing.
Buti na lang tinigilan na ako ng nanay ko. May dumating kasing bisita. Nakatakas ako at umakyat sa kwarto ko upang matulog.
Chineck ko yung cellphone ko. Walang text mula kay Tricia.
Peter: Hay, bakit kaya hindi siya nagreply? Siguro wala siyang load. Siguro iniisip niya na iniisip ko na gusto niya ako pero iniisip niya na dapat isipin ko na hindi, kaya hindi siya nag reply.
Ano daw?
Nosebleed*
Peter: Tricia..
Patricia: Uy, hihi.
Peter: Kumusta na yung stuff toy na binigay ko sayo?
Patricia: Ito, ang takaw takaw niya nga eh, kaya ang taba-taba, hehe.
Peter: Talaga? Ang cute naman!Parang ikaw.
Patricia: Hinahanap niya nga daddy niya eh.
Peter: Ganon ba? Sige dalaw ako sa inyo.
Patricia: Tara!
Sabay hila sa kamay ko papuntang bahay nila.
Mommy: Anak..
Peter: Ummm.. ?
Mommy: 5:00 na, gumising ka na.
Peter: Urk! Malapit na ako sa bahay nila eh... ummm
Bumaba ako upang kumain ng almusal. Naligo, nagbihis at umalis ng bahay.
Ang bilis kong nakasakay ng jeep papuntang school. Ayos! Wala pang traffic! Nakakapagtaka, pero bakit pa ako magrereklamo kung ganito naman diba?
1 Message Received
Cyrus: [Anong oras tayo magkikita sa Trinoma?]
Peter: !!!
Peter: Sabado ngayon! Anak naman ng Gatorade itong si Mommy!
Imbis na dumerecho ng school, dumerecho ako ng Trinoma kahit sarado pa. 7:00 AM pa lang, kaya tatlong oras akong maghihintay.
Peter: [10:00 sa Trinoma, hulaan mo kung nasaan ako?]
Cyrus: [Ge, hmm.. Trinoma?]
Peter: [Galing mo pare. :c]
Cyrus: [haha, excited kang makita ako ah?]
Ayon, magdamag akong nakatunganga. Kasalanan to ni Inay, hindi sana ako nagdurusa ngayon. Argh!
1 Message Received (Naks, puro text ngayon sa scene na to ah?)
Patricia: [uy pete pasensya na, ngayon lang ako nagkaload.]
Peter: Awww... :)
Peter: [Akala ko nga, galit ka sakin eh.. Kasi alam ko, hindi ka nauubusan ng load...:( ]
Patricia: [Bakit naman ako magagalit sayo? hehe. kaw talaga..]
Peter: [bkit na nmn ako?]
Patricia: [wala lang, hehe..]
Peter: [gnon?]
Nagumpisa na naman ako. Tama sila. Ang boring kong ka text. Ganyan kasi ako mag text (Kita niyo naman diba?). Pero ayos na rin. At least may nagtitiis sakin.. :)
Patricia: [Sana mag Monday na, para magkasama tayo. <3>
Gustuhin ko mang mag monday na, Saturday pa lang. Marami pang maaaring mangyari sa dalawang araw.
Kayo? Gusto niyo na ba mag-monday?
--------------------------
Sunday, November 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

7 comments:
anu ba yan! nakakabitin!! grrr! peo in fairness nakakakilig a.. haha!
aaaaw.:)
haha.yoko pa mgmonday.
bukas na un eh.:)
hmm.
susko.:)
parang tumalon yung storya, para bang may na-skip o naiwang butas na di napaliwanag
ano kulang? para magawan ko ng paraan. parang kilala kita kung sino ka :)
ei.basahin mo ung 16 tas ung 17.may kulang nga.wahahahaha.parang anlayo ng gap ng end ng 16 sa start ng 17.:D ayun lng.:)
ngaun ko lng ulit nbasa...
nawala na ako sa storya o tlagang may kulang...
hintayin ko na nga lng matapos mo
para di nman ako nabibitin...
ang hirap kayang mabitin ano?! ΓΌ
wahaha.
joke lng pala ung bitin.
nabasa ko na eh.:)
wala pala gap.>:)
Post a Comment