Saturday, January 19, 2008

Scene 19: Lovesick

Hindi na nga siya nag text. Magdamag akong nag-abang ng text mula sa kanya pero lalo lang akong nalungkot. Nakahiga ako sa kama, nagpapahinga. Pero napapagod ako kakaisip sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Biglang nanginig ang ulo ko. Akala ko mamamatay na ako. Cellphone ko lang pala na nag-vibrate.

1 Message Received

Peter: Hindi naman to si Tricia eh, malamang GM lang to na walang kwenta. (Pero iniisip ko na si Tricia nga sana)

INBOX
  • Paolo Pascual
  • Globe Advisory
  • Globe Advisory
  • 2870
Peter: Sabi na eh. Yan ang hirap sa umaasa eh, pfft !!

Paolo: [Huy Pedro haWz layp !? :p]

Peter: Bakit ko naman rereplyan tong kumag na to. Bahala ka nga.

Nag muni-muni na lang muna ako. Hindi ako makatulog. Hindi ako makakain. Nakahiga lang ako sa kama. Minsan, dinadalaw ako ni Mommy para painumin ng gamot at pakainin. Nanghihina talaga ako. Kung sino pa yung pinaghuhugutan ko ng lakas, siya pa yung wala. Pero kahit ganon, hindi nito napigilan na manood ako ng SOCO o Scene Of the Crime Operatives. Favourite ko ata yun.

Meron daw kasing batang kinadena sa sariling bahay para hindi maka-gala o mag-liwaliw. Parang penoy nga yung magulang niya eh. Tama ba naman na tanggalin mo ang karapatan ng iyong anak na gumala sa inyong lugar? Unless, pugad talaga ng krimen yung lugar, at may taong gumagala doon para dakipin ang mga bata upang ilagay sa sako at gawing pampatigas ng semento na ginagamit panggawa ng tulay.

Anyway, kaya ko naman favourite yung SOCO ay dahil sa host, hindi sa kwento. Si Gas Abelgas kasi yung host. Ewan ko pero, nakakatuwa siya. At yung pangalan niya. Redundant. Pwedeng (Gas Abelgas Abelgas ....n - 1)


Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. 1 a.m. na ng umaga ngunit masamang masama pa rin ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang cellphone ko, hoping na may makikita ako na ikakatuwa ko.

2 Messages Received

Peter: Sino na naman kaya ito?


INBOX
  • Patricia Coronel
  • 2870
  • Paolo Pascual
  • Globe Advisory
  • Globe Advisory
  • 2870
Peter: Si Tricia!! Buti naman naalala niya ako. Sabi na eh. Nag-iisip lang talaga ako ng negative.

Binilisan kong tingnan ang mensahe niya sakin. Ito na nga ang pinakahihintay ko. Hindi ako nabigo.

Patricia: [goodluck sa exams natin next week! goodnight everyone!]

Nabigo pala ako.

Peter: Masyado nga akong nag-assume. Masyado ko kasing inisip ang halik na yun. Wala lang pala sa kanya yun. Hehe. Tanga ko talaga. Gwapo nga ako, madali namang ma-uto.

Konsensya: I-text mo kasi. Puro ka salita sa isip eh.

Peter: Eh bakit ba? Hindi man lang ba siya magtataka kung bakit ako nawala?

Konsensya: Bakit? Boyfriend ka ba niya?

Peter: ....

Konsensya: Hindi mo ba inisip na malay mo, pati siya, naghihintay din ng text mula sayo? Iniisip niya kung bakit bigla ka na lang nawala, na hindi ka man lang nag tetext, o nag papaalam? Bago mo siya sisihin, intindihin mo muna ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi nangyayari ang mga bagay na inaasahan mo.

Nang marinig ko yun mula kay konsensya, naisip ko na may punto siya. Tama. Maaari ngang ganun. Pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko alam kung nag-hihintayan ba talaga kami ni Tricia, kung wala lang sa kanya ang mga nangyari, o kung sino ba ang mas gwapo, ako o si konsensya?

Fade to Black

..
..

Mommy: Ang taas pa rin ng lagnat mo?
Peter: Mmmm.
Mommy: Anong gusto mong kainin?
Peter: ...
Mommy: Sige, iwanan ko na lang dito yung pagkain. Kumain ka ha. Tapos inumin mo tong gamot. Buksan mo na lang yung tv. Spongebob na.

Peter: Spongebob ?!

Binuksan ko agad ang tv nang malaman kong spongebob na. Isa pa yun na paborito ko. Lalo na yung crabby patty. Sayang, may lagnat ako. Masama pa rin ang pakiramdam ko.
Pinanood ko si spongebob. Nagluluto siya ng crabby patty. Mmmm! Nakakatakam. Naglalaway tuloy ako. Kapag may lagnat ako, pinaka ayaw ko yung magsusuka ako. Nagsisimula yan kapag naglalaway ako. Tapos pipigilan ko, kaya lunok ako ng lunok.

Dahil kay spongebob, naglalaway na talaga ako. Ayan na. Nasusuka na ako. Hindi ko na mapigilan.

:D

:D

:)

:p

Hindi ako nakapasok nung araw na yun. Mataas pa rin ang lagnat ko, masama ang pakiramdam at heartbroken. Parehong pareho ang nangyari. Mag-isa, walang nagtetext, nakahiga, gwapo pa rin, at cute. Ang kaibahan lang ay ang petsa. Inisip at hiniling ko na sana, kinabukasan, makapasok na ako ng paaralan. Na-miss ko na rin kasi ang mga kaklase ko. Si Richard Go! na karibal ko. Si Claire na chick at mapag-alaga. At si Tricia, na isang anghel.

Nakalimutan ko pala, si Sir Jerome. Ang Soc Sci teacher namin na laging naka ngisi.




---------------------

Wednesday, January 16, 2008

Scene 18: Monday

Nasa kakaiba akong sitwasyon ngayon. Iniisip ko na may gusto din sa akin ang ka love team ko base sa mga nangyari. Malay ko ba kung totoo. Sana.

Monday, unang araw ng linggo na may klase. Ayos, makikita ko na ulit si Tricia. Sana lang excited na rin siyang makita ako.

Sa Bahay.

Peter: Teka, bakit parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Huwag naman sana.

Peter: Mommy, may paracetamol ba tayo? Feeling ko kasi lalagnatin ako.
Mommy: Meron diyan sa cabinet.

Kinabahan ako. Minsan lang kasi ako magkasakit. Pero pagnagkasakit ako, grabe kung grabe. Matindi pa sa matindi. Ganon. Ayoko pa namang mawalay sa kanya. (Uy drama!)

Kahit medyo masama ang aking pakiramdam, pumasok parin ako. Na miss ko ang simoy ng hangin dito sa UP. Malamig, mabango, cute. Lahat na. At ang mas nagpaganda pa dito, ay yung thought na makikita mo ulit siya. Sino? Syempre si Tricia. Sino pa ba.

Pag pasok ko sa classroom, nakita ko si Tricia na nakaupo sa may bintana. Hindi sa bintana naka upo, malapit sa bintana. May bakanteng upuan sa left niya (kasi bintana na sa right niya). Sa likod naman ni Tricia si Richard Go!
Nagkwekwentuhan sila, at nagtatawanan. Naku. Loko to ah. Pero sige, hayaan ko na lang muna sila, pero tatabi ako kay Tricia.

Patricia: Uy.
Peter: Hello.

Peter: Kumpleto na araw ko. Pwede na akong umuwi.

Patricia: ....
Peter: .....
Patricia: ....

Richard: So ayun nga Tricia, sana makapunta ka.
Patricia: Sure! Makakarating ako. :)

Peter: Huh? Ano yun? Loko to ah. Hindi ako papayag.

Peter: Tungkol saan yun?
Patricia: Ahh, wala yun. Hehe.
Peter: Sige ganyan ka, hindi ka na nagkwekwento sakin.
Patricia: ...
Peter: ...
Patricia: ...
Peter: Tungkol nga pala sa nangyari noong Friday..

Sir Jerome: So class, may bago tayong lesson ngayon. Its about human ....

Peter: Wrong timing talaga tong propesor na to. Di bale na nga, may lunch time naman para ma-interrogate ko si sweetie. (naks, sweetie daw)

Alam ko namang, hindi kayo interisado sa lesson ni Sir Jerome. Kaya hindi ko na lang ikwekwento yung lesson.

Peter: Isipin ko na lang yung mga nangyari nung Friday. Ahay! Ang tamis ng unang halik. Kahit sa cheek lang yun. Ayos na yun. Pero sana lang, sana lang talaga. Totoo na may gusto rin siya sakin. Okay lang naman sakin kung wala eh, yun nga lang, may kulang na sa buhay ko. Dahil siya lang ang nagpapakumpleto nito.

Peter: Ayos ah, pwede ko pala ipang banat kay Tricia yun. Ito na naman ako, lumilipad na naman yung isip ko. Matingnan nga si Tricia.

Si Tricia. Nakaharap siya kay Sir Jerome. Kumokopya ng notes at nakikinig. Anghel talaga siya. Heto na naman, slow motion na naman yung paligid. Idagdag mo pa yung lagnat ko. Tumuloy sa lagnat yung sama ng pakiramdam ko kanina. Ang slow mo talaga. Pero ayos na to, para mas matagal yung duration na nakatingin ako sa kanya.

Dahan dahang tumingin si Tricia sakin. Matapos yun, naging normal ang oras. At nabigla naman ako.

Patricia: Bakit? :) (oo, ngumiti siya)
Peter: Ahh... Umm..
Patricia: ?
Peter: Ang,.. ganda mo.

Biglang tumahimik yung buong klase. Napalakas ata yung sinabi ko. Ashtray. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin silang lahat sakin. Syempre feeling ko naman gwapo ako kasi nakatingin sila sakin. Pero na realize ko na napalakas nga talaga yung sinabi ko.

Tumigil ang lahat. Tumingin ako kay sir. Nakangisi siya sakin. Kalbo pa. Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-brobrokeback. Tumingin ako kay Richard. Mukha siyang bata na nakakita ng bulkang sumasabog sa harapan niya. Sobra siyang na shock. Haha taob siya eh. Si Tricia naman. Nabigla din, pero hindi kamukha ni Richard. Asa naman. Yung parang, nanlaki lang yung mata. Pero cute. Laglag panga na naman ako. Pero hindi ko alam ang consequence ng nagawa ko.

Sir Jerome: So class, do you have questions about our topic?

Peter: Ayos, parang wala lang nangyari.

Tiningnan ko ulit si Tricia. Nag smile siya sa akin. Pero yung simpleng ngiti lang. Nothing special.

Sir Jerome: Kung wala na kayong tanong pwede na kayong lumabas.

Peter: Ayos, mapaguusapan na rin namin yung nangyari nung Friday. Hay! Gagawa na ako ng move! Kaya ko to. Hehe.

Tumingin ako kay Tricia para iparamdam na maglulunch na kami. Ngunit.

Patricia: Uy sige Peter. May gagawin lang kami ni Richard. Sige, mamaya na lang.
Peter: Pero..
Richard: Sige..

Dahil dito, automatic na mag sesenti mode ako. Monologue.

Peter: Hindi naman sa mababaw ako, pero wala lang. Parang nalungkot ako sa mga nangyari. Minsan mag eexpect ka ng ganito, pero hindi nangyayari. May sakit na nga ako, feeling ko mas magkakasakit ako. Uuwi na nga na lang ako.

Claire: Peter, lunch tayo. (sabay akbay sakin)
Peter: Pasensya na Claire, masama ang pakiramdam ko. Uuwi na nga ako eh.
Claire: Ahh ganun ba, sayang naman..
Peter: Sorry talaga.
Claire: Oo nga no, ang init mo. Hatid na lang kita sa sakayan. Baka kung ano mangyari sayo.

Peter: Bakit kaya ganun. Ayaw man lang sabihin sakin ni Tricia kung tungkol saan yun. Wala naman sakin yun kung may gusto silang gawin. At least alam ko kung ano yung gagawin nila. Teka. As if naman boyfriend niya ako. Masyado na naman akong nag aassume. Tama. Hindi dapat ako makialam.

Nakita ko sina Tricia at Richard na nagtatawanan sa sidewalk. Papunta ata sila ng Main Library. Nakakainggit naman.
Mataas ang sikat ng araw. Mainit. Sinamahan ako ni Claire hanggang sa sakayan. Buti pa siya.

Peter: Salamat Claire ha. Napalayo ka pa tuloy.
Claire: Wala yun. :)
Peter: Bukas na lang ulit.
Claire: Sige sige.

Peter: Si Claire. Ang bait niya talaga sakin. Hehe, hindi naman sa iniisip ko na may gusto siya sakin, pero wala lang. Swerte rin ng magiging boyfriend nito. Maganda na siya, mabait pa. Basta, define chick :)

Sumakay na ako ng jeep. Nakita ko si Claire na naglalakad papunta sa isang kainan malapit sa Palma Hall. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Hehe. Baka isipin niyo nag shift na ako kay Claire. Sinasabi ko lang ang thoughts ko. Yun lang yun.

Peter: Ma-text nga si Tricia. Ay, oo nga pala. Baka madistorbo ko lang siya. Huwag na lang. May "gagawin" nga pala sila ni Richard. Oo na, bitter ako. Si Claire na nga na lang tetext ko para magpasalamat. Ay, hindi ko pala alam ang number ni Claire.

Konsensya: Bobo, tingnan mo sa contacts mo bago ka mag-conclude, masyado kang nagpapa-apekto sa sakit mo.

Peter: Oo nga no, salamat sa pagiging concern, kahit minura mo ko. Hayop ka.

Konsensya: Just doing my role :)

Maya maya pa ay nakauwi na ako ng bahay. Humiga ako sa aking kama upang magpahinga. Kahit iniisip ko na wala namang magtetext sakin lalo na si Tricia, lihim ko rin namang hinahangad na sana'y mag text siya. Syempre, magtataka yun kung bakit wala na ako sa klase pagkatapos ng lunch break, kaya aalamin niya.

Ngunit umabot na ng gabi, wala akong natanggap na text mula sa kanya.