Tuesday, October 16, 2007

Scene 16: Romansa

Actually, wala naman talaga akong maitim na plano eh. Kunwari lang yung mga kinwento ko noon sa Scene 15.

Anyway, itutuloy ko na. Baka kasi kalimutan niyo na itong storyang ito (dahil nalipasan na ng panahon).


So ayun nga, nakarating na kami sa Beach House. As usual, may mga tao doon. Naghanap muna kami ng pwesto na uupuan.

Beach House. Huwag niyong isipin na parang nasa beach yung setting dito, kung hindi, nagkakamali ka. Mukha itong kainan sa labas ng bahay. Well, para ka lang nasa gubat. Kasama mo yung mga langgam sa pagkain, bulati, gagamba at pusa.

Oo, madaming pusa dito. Kung sanay ka sa mga pusa na umaalis kapag nakakita ng tao, dito, huwag ka! Mismong mga pusa ang lumalapit sayo.


Tama na nga yung pusa, basta imaginin niyo na lang, kainan sa labas ng bahay, na parang gubat. Uso nga pala dito yung raining ants, kasi magugulat ka na lang, may langgam na sa barbecue mo.

Patricia: Upo na lang tayo dito.
Peter: Doon na lang sa ilalim ng puno, para hindi mainit.

Peter: Dahil ako ang magpapainit sayo ngiyahahaha! Joke time!

Patricia: Sure. :)

Ayan, naka-upo na kami.

Peter: Umorder ka na, babantayan ko na lang yung bag natin.
Patricia: Sabay na kaya tayo, wala namang kukuha niyan eh.
Peter: Sige na nga.

Iniwan namin yung bag doon sa may table. Ayos, parang habang tumatagal, gumaganda si Tricia. Is this love? Patay na. Love na naman. Ewan ko ba, nakakalito talaga ang pag-ibig.

Oo nga pala, linawin ko lang. Naalala niyo ba yung sinabi ko sa panaginip ko sa Scene 14 na:

"Ayoko ng maulit sakin yun. Ilang luha na ang nasasayang ko noon"

Ewan ko kung saan nanggaling yan. Hindi pa naman ako na iinlove noon eh. Kung saka-sakali nga, si Tricia ang unang pag-ibig ko. Naks, may pag-ibig pang nalalaman. Corny. Anyway, kakaiba talaga mga panaginip. Akala mo totoo at tama habang nananaginip ka pero pag gising mo, malalaman mo na hindi pala. Mga panaginip talaga.

So ayun nga, nakabili na kami ng pagkain. Nagulat ako kasi ang daming binili ni Tricia. Dalawang kanin (hindi butil ha, huwag pilosopo!) tapos tatlong barbecue. Hala! Baka tumaba pa siya. Pero ayos lang, mas cute siya kapag ganun. Hay.

Habang bumibili ng pagkain.

Peter: Holy Rice, ang dami mong inorder ah.
Patricia: Hehe, hindi naman, gutom lang talaga ako.
Peter: Paano yan, baka mas lumakas ka pa sakin.
Patricia: Ano akala mo sakin, amazona? :p
Peter: Hindi naman. Haha.
Patricia: Hehe, kumain ka kasi ng marami, para tumaba ka naman. Ang payat payat mo kasi eh.
Peter: Mas bagay ba sakin kapag mataba ako?
Patricia: Ewan.

Peter: Hmm, noong kasabay ko siya maglunch, hindi naman ganyan kadami yung binili niya. Bakit kaya? Siguro tactics yun. Haha. Marino. Madami siyang binili para matagal kaming makapag-usap. Hahaha! Feeling ko naman. Nagfefeeling na naman ako na gwapo. Haha.

Patricia: Feeling mo naman mas gwagwapo ka kapag tumaba ka. Haha. Joke lang.

Peter: Wah! Nagdududa na talaga ako. Bakit parang related sa mga iniisip ko yung mga sinasabi niya. Noong una doon sa quiz. Nalaman niyang na pressure lang ako. Tapos ngayon. Over!

Peter: Inaaway mo na ako ngayon :(
Patricia: Biro lang, pogi ka naman eh. :)
Peter: Bolera!
Patricia: Hehe.

Pagkatapos nun, pumunta na kami sa aming pwesto at nagsimulang kumain.

Wait lang.

Bago niyo ituloy ang pagbabasa, may kailangan muna kayong gawin. Kung mabilis ang internet niyo, at wala pa kayo ng kantang ito, idownload niyo muna. Til I Found You - Freestyle. Requirement yan ha. I-play niyo muna bago niyo ituloy ang pagbabasa. Gusto niyo sa imeem or limewire niyo kunin. Hindi niyo kasi mararamdaman yung conversation namin ng ka love team ko kapag hindi naka play yan. Okay?

PLAY SONG




Huwag mandaya! I play mo na yung song. Pero kung wala talaga at hindi kayo makapagdownload, sige na nga. Basahin niyo na.


Peter: Buti naman na solo kita ngayon.
Patricia: :)
Peter: Noon kasi, kasama mo yung mga friends mo. Tapos yung pumunta tayo sa lagoon, hindi tayo natuloy.
Patricia: Oo nga eh. *kain ng kain* (takaw, kaing amazona haha)
Peter: Hehe.

Ewan ko, nakatingin lang ako sa kanya magdamag. Hindi ako makakain. Ewan. Susubo na nga ako. Baka maunahan pa niya ako eh.

Patricia: Bakit ka nakatitig sakin? May problema ba?
Peter: ....
Peter: Ang ganda kasi ng mga mata mo eh.
Patricia: Ngee, ikaw ha.
Peter: Anong ako?
Patricia: Wala, hehe. Salamat.
Peter: Saan?
Patricia: Sa lahat. Isama mo na doon yung bola mo.
Peter: Hindi ako nambobola ha. Bola ka ba?
Patricia: Ngeeeeeeh. Ang corny.

Magmura ka my dear reader kung gusto mo. Alam kong saksakan ako ng corny.

Peter: Pero ayun nga, maganda talaga mga mata mo. :)
Patricia: Ano ba yan, na coconscious tuloy ako. >.<

1 Message Received

Peter: Wait lang ha, may nag text.

Paolo: [Lol! klan ka pa nainlab? hAhahAhaHa! Ang c0rny mOh! HaHahah!]

Peter: Hayop to ah. Nandito ba si Paolo sa Beach House?

Hinanap ko si Paolo sa paligid. Ayun! Nandoon pala yung milipede na yun. May kasamang dalawang lalake.

Peter: [wag ka ng mkialam, at list bbae kasma kow. kw nga, lalke eh. hahah! brkback]
Paolo: [*censored*]

Patricia: Oh, bakit ka nakangiti?
Peter: Ah wala, nag joke kasi yung fweind ko, este friend.

Peter: Isa kasi siyang malaking joke.

Patricia: Okay!

Tuloy ang pagkain namin.

Peter: Tricia, matanong ko lang. May boyfriend ka na ba?
Patricia: Bakit mo naman natanong?
Peter: Wala lang, tagal na nating magkasama pero hindi mo pa sakin na kwekwento yun.
Patricia: Wala akong boyfriend no.

Peter: Pwede. Hehe :p

Peter: Pero may mga nanligaw na sayo noon?
Patricia: Oo naman. Madami, kaya lang wala akong nagustuhan sa kanila eh. Siguro busy rin ako para mag boyfriend.
Peter: Ganon.
Patricia: Ikaw?
Peter: Wala pa. Hehe.
Patricia: Wow. Pareho pala tayong single. :)

Peter: Kaya nga pwede tayo eh. Hehehe.

Peter: Bakit wala kang sinagot sa mga manliligaw mo? Ano ba gusto mo sa isang lalake?
Patricia: Wala naman talagang criteria. Yung pakiramdam ko lang na magiging tapat sakin. Yun lang hehe. Corny naman ng pinag-uusapan natin. Hehe. Bakit ikaw? Ano ba gusto mo sa girl at wala ka pang nililigawan?
Peter: Ikaw.
Patricia: Anong ako?
Peter: Gusto ko yung katulad mo. Hehe.

Ayan patay na. Bumanat na talaga ako. Haha. Hindi na panaginip to. Take note, kinurot ko sarili ko kanina (at si Tricia) so hindi ito parang telenovela na panaginip na lang lahat!

Patricia: Bolero ka talaga.
Peter: Totoo yun.
Patricia: Hehe..
Peter: :)

Natahimik na naman kami. Pambihira.

Patricia: ....
Peter: ....
Patricia: Nga pala, kanina mo pa hawak yang stuff toy na yan. Para saan ba yan?

Peter: Stuff toy? Oo nga no. Ang tanga ko talaga. Kanina ko pa pala hawak tong stuff toy na to. Sa sobrang makakalimutin ko, pati hawak ko, nakalimutan ko. Haha. Bobo ko talaga.

Peter: Ah ito ba. Hawak ko to kasi hindi kasya sa bag ko eh. Palagay naman sa bag mo. Ang laki kasi ng bag mo eh haha.
Patricia: Ngeeee. :)
Peter: Amazona!
Patricia: Bakit mo ko inaasar. Inaaway mo na ako ngayon. :( (yung pabirong lungkot, haha. Ang cute niya :) )
Peter: Laki kasi ng bag mo eh.
Patricia: Sige na, payat ka na.

Basta, madami pa kaming pinag-usapan. Sa amin na lang yun. Syempre, hindi ko naman pwede ikwento lahat, edi naubos na lahat ng secrets ko. Oo nga pala, effectitve yung ginawa niya. Yung madaming pagkain, matagal niya kasing naubos, at matagal kaming nag-usap. Marino. Haha.

Ang saya. Bumalik na kami para sa last subject namin. Hindi nga ako makapagconcentrate kasi iniisip ko yung mga nangyari kanina sa lunch. Hay. Anghel talaga siya. Sorry ha. Alam kong overused na yung salitang anghel. Knowing na mga lalake talaga ang mga anghel (Brokeback!). Pero sa tingin ko, yun lang talaga yung word na makakapag describe sa kanya.

After nung subject na yun, syempre uwian na. Kaya nga last subject eh.

Peter: Tricia..
Patricia: Uy, uwi ka na?
Peter: Oo hehe.
Patricia: Baka makalimutan mo yung pinalagay mo sa bag ko na stuff toy. Ito, kunin mo na.
Peter: Umm. Mas bagay kasi na nasa bag mo yan. Kaya diyan na lang yan okay?
Patricia: Wah. Anong ibig mong sabihin?
Peter: Happy Birthday.

Haha, lubos lubusin ko na. Birthday kasi niya nung araw na yun. Niresearch ko talaga yun. Buti na lang, kasi kung hindi, baka lumampas pa yung pagkakataong ito.

Patricia: Aww, salamat talaga. Hindi ko naman sinasabi kahit kanino yung birthday ko ah. Ikaw ha.
Peter: A bird told me.

Oo isa pa yan. Corny talaga ako.

Peter: Sige Tricia, mag-ingat ka.
Patricia: Salamat talaga ha. Paano pa kaya kung wala ka, ang boring siguro ng buhay ko sa UP.
Peter: Bolera ka talaga.
Patricia: Ikaw nga yun eh.
Peter: Sige bye!

Peter: Akala ko pa naman yayakapin niya ako. Haha. Nag fefeeling na naman ako.

Patricia: Sige. Ingat ka rin.

Smack!

Hinalikan niya ako sa left cheek bago siya tuluyang umalis. Natigilan ako ng ilang sandali. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na yun.

Sana ito na ang simula...



STOP SONG









END OF SEASON 1

(naks, parang series lang. May season-season pang nalalaman.)



-------------------



Wednesday, October 3, 2007

Scene 15: Phobia

Peter: Aasa? Ikaw?
Patricia: Ano ba Peter!? Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo ?

Tuluyan ng umiyak si Tricia. Napakalungkot ng paligid. Kahit nasa isang pampublikong kainan kami, nangyari parin ang mga pangyayaring kagaya nito.

Peter: Ano ba tong nangyayari sakin? Ano ba! Bakit?

Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang tama. Umiiyak pa siya. Naluluha naman ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon.

Peter: May nararamdaman ba siya sa akin? Imahinasyon ko lang ba ito? Tama. Kailangan ko nang sabihin ang nararamdaman ko. Shux.



Sir Jerome: 20 minutes left.

Peter: !!

Nagising ako. Mapula pa ang mata ko. Tumingin ako sa paligid. Tama. Nag-eexam pa pala ako sa Soc Sci 1. Tungkol sa love ang quiz. Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko pa naman tapos na.

Peter: Shit! Hindi ko pa pala nasasagutan yung number 2. Pambihira naman.

Nakita ko ang mga kaklase ko. Yung iba tapos na. Yung iba naman pasimpleng nangongopya. Tiningnan ko si Claire. Ang haba na ng nasusulat niya. Hindi ko makita yung papel nina Tricia at Richard, nasa harap ko kasi sila.

Peter: Patay na, pano ko ba sasagutin ito? Why do we love? Bakit nga ba?

Si Batman. Akala ko tinulungan niya ako ng mga oras na yun. Panaginip lang pala. Kakaiba nga yung panaginip ko eh. Akala ko gising na ako. Hindi pa pala. Abnormal!

Peter: Bahala na, konting oras na lang ang natitira. Hindi na ako aasa sayo batman. Hayop ka! Tagalugin ko. Ma nonosebleed ako eh. Bahala na si Sir. Hindi naman siya dayuhan eh. Hmph!

2. Why do we love ?

Bakit nga ba tayo nagmamahal? Merong iba't ibang klase ng pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kaibigan, pag-mamahal sa kasintahan at pagmamahal sa bayan. Ang mga tao kasi, likas na malulungkot kung ako ang tatanungin. Napapawi lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay dama ng isang bagay na hindi natin nakikita o nahahawakan. Ito ang pag-ibig.

Pag-aalaga. Nakadikit na ang salitang ito sa pag-ibig. Kung mahal mo ang isang tao, hayop o bagay, aalagaan mo ito. Hinding hindi mo ito hahayaang masaktan, magalusan, mapahamak. Kasama na dito ang respeto, responsibilidad, isama mo pa lahat ng mga positibong salita. Subalit hindi natin masasabi . . . . .


Sir Jerome: Okay time's up. Pass your papers.

Peter: Badtrip, kinulang pa ng oras. Maipasa na nga!

Claire: Grabe, ang hirap ng test.
Peter: Hehe.

Peter: Teka nga..

Patricia: Uy Peter.
Peter: Ow?
Patricia: Lunch tayo :)
Peter: Sure.

Peter: Huh? Ito yung panaginip ko kanina ah? Nakakatakot naman to. Feeling ko chamba lang yun. Di bale na nga, at least sabay parin kami hehehehe. Marino ako!

Peter: Umm Claire, alis na kami ha.
Claire: Ok...
Patricia: Peter, Beach House tayo.
Peter: Kahit saan :)

Umalis na kami papuntang Beach house. Ayos nga eh, pareho pang beach house yung sa panaginip saka yung reality. Sure ako reality na to, kasi sinubukan kong kurutin sarili ko, hindi naman ako nagising. Sinubukan kong kurutin si Tricia sa braso.

Tricia: Aray!

Hehe. Marino. Totoo nga. Reality na talaga ito okay? So ayun. Naglakad kami. Gaya nung sa panaginip, maganda yung panahon kahit tanghali na. Okay na nga siguro yun eh, at least, wala pa kaming problema ni Tricia. Buti na lang panaginip lang yun. Kinabahan talaga ako.

Peter: Parang nangyari na talaga to sa panaginip ko. Alam ko na, kapag nakasalubong ko yung block ni Rhayne, totoo na talaga to.

Patricia: Peter, hindi ba si Rhayne yun?
Peter: Ow? Oo nga no?

Peter: Holy Golly! Kinikilabutan na talaga ako. Bakit nangyayari ito? Hala! Baka humantong ulit mamaya sa.. Huhu huwag naman please!

Nakita ko si Rhayne, kasama ang mga ka block niya. Pero nasa kabilang side sila. Hindi namin sila nakasalubong, mukhang busy sila sa pagkanta. Hindi ko marinig eh, pero may actions sila. Para silang boyband. Ang corny.

Peter: Hay Buti na lang. Akala ko naman.

Patricia: Ang Cute !!!

Peter: Ko? Hehehe.

Patricia: Ang cute nung puppy! Awww!

Nakakita si Tricia ng puppy. Color white yung puppy, nakababa yung tenga, medyo fluffy yung fur niya. Ang cute niya. Pero mas cute si Tricia.

Lumapit yung puppy kay Tricia.

Patricia: Ang cute niya noh? Ang lambot lambot pa niya!

Ang cute ng boses ni Tricia nung mga oras na yun. Pina-pat niya yung puppy. Yung puppy naman, nag wiwiggle yung buntot. Para ngang amo nung puppy si Tricia eh.

Peter: ....
Patricia: Oh bakit ang tahimik mo?
Peter: Hehe ang cute niya nga..

Peter: Sh*t! Huwag kang lalapit saking monster ka!

Patricia: Bakit ka pinagpapawisan? Uyy, takot siya sa aso!
Peter: Hindi ah. Aso lang eh. Saka tuta lang yan.
Puppy: Arf!

Peter: Yeee Diyus ku pu!!

Patricia: Ang cute cute niya nga oh. Feeling ko nga gusto ka rin niya eh.
Peter: Oo nga oo nga..
Patricia: Ano ka ba. Bakit ka nanginginig? Huwag kang matakot. Hindi ka niya kakagatin!
Peter: Hindi naman a..ako takot sa..sa aso eh.

Peter: At saka may pride akong pinanghahawakan. (Kahit ilang beses ko nang naisuko yang pride na yan.)

Peter: Saka, ang cu..cute niya nga eh.. hehe.

Peter: Ano ba! Ayoko nga sa mga hayop na ganyan eh. Natatakot talaga ako sa mga animal na may ngipin. Parang awa mo na huwag kang lalapit.

Lumapit ng konti yung puppy. Napa-atras ako bigla. Tinatawanan ako ni Tricia. Nakakahiya pero ano magagawa ko. Sumuko na naman ako sa challenge ng nature. Grabe. Hindi ko alam kung positive ito para kay Tricia o hindi. Positive in a sense na nakakatuwa ako (at nakakatawa) o negative dahil napaka duwag ko sa aso.

Patricia: Hehe, ikaw ha takot ka pala sa aso. Tara na nga. Cute pa naman nung aso.
Puppy: Arf!

Peter: Inay ko!

Peter: Oo nga ta..tara na, gu..gutom na talaga ako eh.

Lumayo na kami ni Tricia sa aso. Pinapawisan talaga ako nun. Habang naglalakad kami, napansin ko nakangiti si Tricia. Ayan na naman. Kinikilig na naman ako. Ang ganda naman kasi niya kapag nakangiti. Lalo siyang nagiging anghel para sa akin. Mali, anghel pala talaga siya.
Akala ko nga nasa langit na ako eh, nang biglang.

Puppy: Arf! Arf!
Peter: Ahhhh!!!!

Napadikit ako kay Tricia. Ayoko talaga ng aso. Ginulat pa ako nung dragon na yun. Pero mas nagulat ako sa aking nakita at narinig.

Patricia: Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Kapag kasama mo ako, hindi ka kakagatin niya. Promise.
Peter: Kasi naman eh, takot ako sa aso. Noon pa.
Patricia: Relax ka lang. Okay?

Peter: !!!

Nakita ko na lang, hawak-hawak na niya yung kanang kamay ko. Hindi ko agad napansin kasi pinangunahan ako ng takot. Pero matapos nun, unti-unting nawala ang kaba sa aking dibdib. Nahihiya ako kasi, pinagpapawisan yung palad ko. Pero ang lambot talaga ng kamay ni Tricia. Sana laging ganito.

Peter: Salamat Tricia..
Patricia: Halika na, hindi na tayo susundan niyan.
Peter: Sige. Salamat..

Tumuloy kami sa pag-lalakad. Maya-maya pa ay binitawan na niya ang pag-hawak sa kamay ko. Sayang. May nakita kasi siyang kaklase from high school. Kumaway siya gamit yung kamay na pinanghawak niya sakin, bale left hand yun.

Patricia: Marvin Vistro!
Marvin: Tricia Coronel!
Patricia: Tagal na nating hindi nag kikita ah?
Marvin: Oo nga eh.. Kumusta na yung....

Ayun, nagkwentuhan muna yung dalawa. Habang ako, nag sesenti. Hinawakan niya ang kamay ko. Hay! Heto na naman tayo. Hindi ko alam kung matutuwa ako, o aasa ako. Basta, makokontento na lang ako sa mga nangyari. Salamat doon sa panget na asong yun. Tuta pala.

After 3 minutes, naghiwalay din yung dalawa. At last, makakapunta na kami sa Beach house.
Guess what, may plano ako. Maitim na plano. Joke lang. Basta may plano ako.

Sana lang, hindi mangyari yung mga napanaginipan ko. Bahala na ulit.

Peter: Sino yun?
Patricia: Ah, si Marvin. Classmate ko siya nung 3rd Yr High School.
Peter: Ganon ba, hehe. Gwapo niya.
Patricia: Oo nga eh. Haha.
Peter: Hehe.
Patricia: Ikaw ha, crush mo no? :p
Peter: Ako? Hindi naman lalake ang gusto ko eh.

Peter: Dahil ikaw ang gusto ko.

Patricia: Ganon, mabuti naman.
Peter: Bakit mabuti?
Patricia: Eh syempre.., mas okay kung lalake ka diba.
Peter: Ganon ba yun.

Peter: Akala ko naman, nagseselos ka. Haha.


Nakarating na kami sa Beach House. Ito na naman. Gamester!






------------------------------------------------------